DEAN’S POV
I am the villain of this story.
I am the antagonist of their lives.
I am the chosen one... the chosen one to ruin their stable life.
And I am… I am Diannah Deanisse Buenaventura Dela Ayala – the Dela Ayala Syndicate’s greatest bale.
Kung umaasa kayong magiging maganda ang pagku-kwento ko – nyemas! Wag na kayong umasa. Masasaktan lang kayo lalo na’t hindi paman din kayo gusto ng taong mahal mo. *smirk*
Pero isa akong dakilang mayabang kaya ibabahagi ko sa inyo ang ugat ng aking pagkawala at ang aking pagbabalik.
13 years ago.
February 2004
NARRATOR’S POV
Sa panahong ito ay nasa tuktok na ulit ng tagumpay ang DAS. Iilang araw nalang ay pupunta na si Master Ed sa Italy to personally accept the leadership na ipinatong ng Mafia Community sa kaniya pero sa di inaasahang pagkakataon ay may nangyaring gulo sa underground business ng DAS kaya dali-daling nagsipuntahan ang mga main member ng DAS doon. Iniwan nila ang kanilang mga anak sa iisang bahay, like the usual.Tahimik na naglalaro ang magkakaibigang little Dianne, Drew, CJ, Sab, Gabby, Onyx, Max, Vester, Dos, and Zeus sa malawak na playground na pagmamay-ari ng mga Leonard.
Their parents are on a mission kaya pinag-stay muna sila sa bahay ng mga Leonard together with their body guards. At the age of 4-5 years old ay mulat na ang mga batang ito sa kung ano ang totoong ikinabubuhay ng kanilang mga magulang. Magkakaibigan na silang sampu simula nung maipanganak sila.
Kasama rin pala nila sa mansyon ng mga Leonard ang kanilang mga kapatid na sila Drei, Drake, Emie, Helga, Uno, and Vouge na nandoon lang sa loob ng bahay at may kani-kaniyang business.
So ayun nga, habang busy’ng maglaro ang sampung batang iyon ay biglang na-agaw ng isang cute na cute na aso ang atensyon ni little Dianne. Agad nya itong sinundan nang hindi naaagaw ang atensyon ng iba. Isang dakilang ninja girl si little Dianne kaya pati ang mga body guards na nagbabantay sa kanila ay nalingatan nya. Dire-diretsong lumabas ang aso sa maliit na butas ng gate ng mga Leonard. Ayaw sanang sundan ni little Dianne ang aso pero sa murang edad ay nasagi sa isipan nya na baka masagasaan ang aso lalo na’t nasa kalsada ito. Lumabas sya ng gate at pa-simple lamang ang mga kilos na kanyang ginagawa.
Tumakbo ang aso sa isang van na kulay itim na naka-park di kalayuan sa mansion. May bumabang isang lalaki na naka-itim na mask at kinuha ang aso. Nung mapagtantong may nagmamay-ari pala sa asong iyon ay dahan-dahan namang umatras si little Dianne para sana bumalik sa loob ng bahay pero pag-lingon nya sa likod ay nakita nyang nakatayo si Zeus. “Bakit ka lumabas? Diba sinabi na ng parents natin na walang lalabas?” ma-awtoridad na pangangaral ng 5 years old na si Zeus Aguinaldo.
“I just saw that dog, I thought it was Sab’s dog kaya I chased it—ahmmmmmmm.” Hindi na natapos ni little Dianne ang sinasabi nya nung biglang may tumakip ng bibig nya at agad syang kinarga. Nagpupumiglas naman sya at sinusubukang sumigaw.
Ganun din ang ginawa ni Zeus Aguinaldo pero naka-sigaw muna sya bago takpan ang bibig nya dahilan para magsilabasan ang mga body guards na nakabantay sa kanila doon sa loob ng bahay. Wala kasing mga body guards sa labas ng bahay para hindi maka-agaw ng pansin sa mga kapitbahay.
Nagpupumiglas at sinusubukang sumigaw ng dalawang bata na bitbit na ng dalawang taong naka-itim lahat. Naka-piring na ang kanilang nga mata at may busal na sila sa bibig.