Final Zone

82 5 0
                                        

NARRATOR’S POV


Isang malamig na Diannah Deanisse ang sumalubong sa lahat. Lahat ng taong nandoon sa loob ng hospital room niya ay pagtataka ang nasa isipan nila. Maski ang mga kapatid niya ay nagtataka pa rin kung bakit siya nagkaka-ganyan, siguro dahil sa nalaman niya.

Pero hindi niya kailangang sagutin nang ganun ang mga kaibigan niya, hindi niya kailangang magalit sa mga magulang niya, at hindi niya kailangang magalit sa sarili niya dahil sa nangyari. Lahat ay tapos na kaya wala na siyang magagawa.

Para kay Deanisse ay masakit ang sinabi ng kanyang mga magulang, kaka-gising niya lang at kaka-tanggal lang ng benda niya sa mata nung sabihin sa kanya na wala na ang kanyang Mimi and Dada. Tanggap niya yon dahil alam at nakita na niya ang nangyari, pati kay Krypton Panganiban, pero ang hindi niya inaasahan sa lahat ay ang malamang wala na si Tim Montero.

“Hindi ka pa pwedeng lumabas ng hospital hangga’t hindi ka pa magaling. Kakatapos lang ng operasyon mo Deanisse.” Ang Kuya Drei niya ang naglakas-loob na sagutin ang sinabi niya kanina.

“Kailangan mo pang mag-undergo sa counselling, Dean, hindi ka pa pwedeng mag-byahe.” Dagdag na sabi ng Kuya Drake niya.

Blangko ang emosyon ni Deanisse nung tumingin siya sa dalawa niyang Kuya. “Hindi ko na kailangan niyan, pag sinabi kong lalabas ako rito, lalabas ako,” walang emosyong sabi niya, biglang tumayo si Drei Dela Ayala para lapitan ang kanyang kapatid dahil kanina pa siya natitimpi sa pinapakitang ugali nito pero agad din siyang napigilan ni Drake Dela Ayala. “At kayo naman,” tumingin si Dean Dela Ayala sa mga kaibigan niya, “Pwede na kayong umuwi, kailangan kong magpahinga.”

Hindi na pina-sagot ni Dean Dela Ayala ang mga kaibigan niya at agad siyang humiga sa kama at nagtalukbong ng kama patalikod sa kanila. Doon, tumulo na naman ang luhang kanina pa nagbabadya sa mga mata niya, tahimik siyang umiyak, tahimik niyang dinama ang sakit.

“Sige na buds, umuwi na muna kayo. Wala lang talaga sa hulog ngayon si Deanisse, bukas nalang ulit nyo siya bisitahin. She’s fine naman eh at wala na siyang pagdadaanan na mga tests at operation kaya wag na kayong mag-alala.” Si Wayne Dela Ayala ang naglakas-loob na kausapin ang mga kaibigan niya habang si Drake Dela Ayala naman ay pilit pinapa-kalma ang Kuya niya.

Medyo nasaktan si Sab Leonard sa inasta ni Dean Dela Ayala pero pilit niyang inintindi ang sitwasyon ng kanyang kaibigan kaya sumang-ayon nalang siya sa sinabi ni Wayne Dela Ayala. “Sige, babalik nalang kami bukas Bud.” At si Max Pangilinan na ang naglakas-loob na sagutin ang sinabi ng kaibigan.

“Can I stay?” tanong naman ni Zeus Aguinaldo kay Wayne Dela Ayala.

“I’m afraid you can’t, pabayaan na muna natin siya Zeus.” Mapaklang ngiting sabi ni Wayne Dela Ayala sa kaibigan niya.

Nalungkot naman si Zeus Aguinaldo sa sinagot ni Wayne Dela Ayala pero wala na siyang magagawa dahil kailangan niyang respetuhin ang sinabi ng kaibigan niya.

Nagpa-alam nalang silang lahat kay Wayne Dela Ayala bago sila sabay-sabay na umalis. At ngayon ay na-iwan ngayon sa kwartong iyon ang magkakapatid na Dela Ayala.

“Kayo na muna nang bahala dyan, magpapahangin lang ako.” Paalam naman ni Drei Dela Ayala sa dalawa niyang kapatid bago lumabas ng kwartong iyon.

Saktong paglabas niya ay ang pag-pasok naman ni Zara Yap. “San ka pupunta Drei?” tanong niya kay Drei Dela Ayala.

“Papahangin at gusto kong mapag-isa.” Nagkaroon ng kirot sa puso si Zara Yap dahil sa sinagot ni Drei Dela Ayala sa kanya, wala siyang nagawa kundi ang pabayaan nalang ito.

The Girl Who SmokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon