Zone Sixty-Three

37 5 0
                                        

DEAN’S POV


DECEMBER 5, 2017

ICU Week – Day 2

Ngumiti ako sa kanya nung mahawakan ko ang braso kong meron ng sugat. Natigilan siya sa ginawa kong pag-ngiti pero wala akong pakealam. Pasalamat ang hunghang nato at makapal ang suit na suot ko pero pucha! Ang sakit pa rin!!!!

“Gusto mo na bang sumunod sa kaibigan mo? Wag kang mag-alala, your wish is my command.” At ngumiti ako ulit sa kanya atsaka mabilis pa sa kidlat na ginilitan siya sa leeg. Katulad nung kasamahan nya ay agad siyang binawian ng buhay.

Sabay nung pagkakahiga niya ang pagluhod ko naman sa lupa.

Pakshet! Ang sakit!!!!

Agad akong kumuha ng tela sa t-shirt na suot ng mga lalaking pinatay ko para agad mapigilan ang nagdurugo kong braso. Kahit hirap ay nagawa ko ring palibutan ito ng retaso na tela.

Pakshet! Knife proof naman itong suit ko pero bakit lumusot yung kutsilyo? Ganun ba kagalit yung lalaking iyon sakin at masyadong malalim ang saksak nya?

Matapos kong ma-ayos ang sarili ko ay biglang umilaw ang gear na nasa wrist ko. Isa itong device na ginagamit para makapag-send ng message sa mga kasamahan ko sa missiong ito. Para itong walkie talkie pero modern version.

[Pumasok ka na sa building, nandito na kami, tuloy ang Plan A.]

Galing kay Hunter ang message na iyon. Kinuha ko muna yung leather jacket nung lalaking una kong pinatay dahil mas kasya sakin yun kesa sa huling lalaking pinatay ko atsaka sinuot. Kung hindi lang dahil sa saksak ko sa braso, hindi ko susuotin ang damit ng isang patay na tao—lalo na’t ako pa yung nagpatay.

Ma-swerteng iyon lang ang mga bantay na na-encounter ko dahil nung papasok na ako sa mismong building ay wala akong nakasalubong na mga weakling bantays ng mga Ledesma.

Gamit ang gear na nasa wrist ko ay trinack-down ko kung saan banda sila Hunter sa loob ng building at nung malaman ko kung saan ay agad akong nagpunta sa kinalulugaran nila. Medyo dim ang lights ng mga hallway na nadadaanan ko, meron pa ngang madilim talaga dahil feeling ko yung ilaw na meron dito sa loob ng abandonadong building na ito ay galing sa gitna.

Patakbo akong pumunta sa pwesto nila Hunter

SHIT!

*DUG DUG DUG DUG*

PAKSHET! KATAPUSAN KO NA BA?!

“Ssshhhh. Si Hunter to.” Unti-unti akong nagpakawala ng mabigat na paghinga nung marinig ko na syang mag-salita. Habang tumatakbo kasi ako kanina ay biglang may humablot sakin at dinala ako sa isang madilim na sulok. Kahit na madilim dito sa pwesto namin ay pilit ko pa ring inaninag ang mga mata nya. “Okay ka lang ba?” matapos ang ilang segundong pagkakatulala sa mga mata nya ay bigla syang nag-salita.

“O…o-oo, nagulat lang ako sa ginawa mo.” Imbes na bumalik sa normal ang takbo ng puso ko ay feeling ko mas lalong bumilis ito dahil sa distansya namin ni Hunter ngayon.

Leche! Ngayon pa talaga ako nakaramdam ng kilig! We’re in the middle of something kaya umayos ka Deanisse!!!!

“Nakikipag-negotiate na sila Kuya Drei sa loob, kailangan lang nating sumunod at magmanman sa paligid.” Bulong nya sakin na ganun pa rin ang distansya namin sa isa’t-isa. Hindi ko alam kung naririnig ba ni Hunter yung kabog ng dibdib ko kasi ako, halos mabingi na sa tunog nito.

Siya yung kusang lumayo sakin at bigla akong hinablot para maglakad papalayo sa pwesto namin kanina. Habang kinakaladkad nya ako ay pilit ko namang pinapa-kalma ang takbo ng puso ko dahil feeling ko talaga magkakaroon ako ng sakit sa puso dahil sa nangyari kanina.

The Girl Who SmokeMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon