Zone Twenty-Eight

55 10 0
                                    

SAB'S POV

FRIDAY.

4 days.

Apat na araw simula nung e-release ng Candie Mag ang picture namin.

3 days.

Tatlong araw simula nung umiwas si Dean samin at tatlong araw na rin naming kasama si Xofia sa school, pati sa dinner namin sa labas ay sya ang kasama namin.

Nakakarindi minsan ka-usap at kasama si Xofia pero alang-alang sa plano ni Dean ay kailangan naming pakisamahan ni Gabby si Xofia. At halos lahat sa university ay napapansin na sampu kaming palagi ang magkasama, hindi pa man namin nasasabi na si Xofia nga si Diannah ay alam ko namang nakuha na nila ang gusto naming ipahiwatig.

Iba na rin kasi ang aura ni Xofia ngayon, naging mabait na. Dala na rin siguro nung pag-iiba nya ng kulay ng buhok. Hindi na kasi blonde yung buhok nya, naging itim na at aaminin kong ang bait nyang tignan sa kulay ng buhok na iyon.

It's Friday night and it's club night para samin. Pero imbes na gumala kami at mag-night out ay nag-change plan si Zeus. Pina-punta nya kaming lahat sa PD -- and that excludes Xofia. Hindi namin pinapapunta si Xofia sa PD kasi eto nalang ang lugar na pwede naming hang-outan with Dean kaya dapat kaming original na sampu lang ang pwede dito.

9 p.m. ang call time namin pero 8:30 palang ay bumaba na ako sa PD para ayusin yung mga gamit na baka namintis ayusin nung mga tauhan namin at laking gulat ko nung makita ko si Dean na nandoon na sa loob. She's playing darts nang maabutan ko sya.

"Deaaaaaaaaaaaan. Oh may gosh! I miss youuuuuu." nung makita ko sya ay agad ko syang nilapitan at niyakap nang mahigpit.

"A...a-ano ba Ellaine, hindi ako maka-hinga." reklamo nya pero hindi ko sya pinakinggan at nagpatuloy lang sa pag-yakap sa kanya. Hindi naman talaga mahigpit yung yakap ko sa kanya, sadyang maarte lang talaga ang babae'ng ito.

"Na-miss kita bess! Grabe! Ang tagal nating hindi nagkasama nang ganito ka-close." sabi ko.

At totoo yung sinabi kong iyon, it's been days since nag-hang out kami with Dean. Hindi kasi talaga kami makalapit sa kanya sa school at sa totoo lang, minsan lang namin sya makita. Isang beses nga lang namin nakita yon sa cafeteria eh at sa lawak ba naman ng ICU so impossible talaga ang 'I see you'. Choss! Ang korni ko kaya balik tayo sa pagku-kwento ko.

So yun nga, hindi nga kami nagkakasama sa school at kung sa gabi naman ay marami kaming mga schoolworks kaya nagsisimula na rin kaming maging busy at idagdag mo pa ang paparating na Freshies Day na magaganap na bukas. Ngayon na nga lang ulit kami magtitipon-tipon simula nung Monday or Tuesday.

Free ang whole Friday namin ngayon dahil may Acquaintance Party slash Freshies Day bukas. Whole day ang event na iyon pero wala na kaming event sa gabi. Akala ko nga may event pa eh pero may ipinasa daw na memoramdum sa SG Office na umaga at hapon nalang ang Freshies Day and that explains why tinatawag syang Freshies DAY.

"Here she goes again. Ang OA-OA mo talaga Ell!" Dean murmured but I didn't mind her.

"Asus! Hindi ka pa nasanay sakin no? Ang tagal ko na kayang ganito." at kumalas na ako sa yakap namin at hinarap sya. Baka kasi nasasakal ko na syang talaga.

The Girl Who SmokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon