DEAN’S POV
JUNE 6, 2017
No class every morning.
Yan ang schedule ng Tuesdays and Thursdays ko. 1 p.m. ang first period namin kaya chill ako every morning at kaya nga may gana akong mag-aya kay Delton kagabi na lumabas dahil wala akong pasok sa umaga habang sya naman ay napag-alaman kong alas-otso pala ng umaga ang pasok nya kaya for sure bangag na bangag yun sa school. *laugh*
Pero anyways, andito ako ngayon sa practice den na pagmamay-ari ng mga Dela Ayala. Mag-isa lang akong pumunta dito and I’m just here to unwind and to familiarize the place kasi nga hindi ko to agad nagawa the moment I went home here in the Philippines. “Good morning po Miss D.” agad na bati sakin nung mga tauhan na nandito.
The practice den is a 15 hectare land owned by the Dela Ayala, located at the remote area of Conception City. Medyo malayo ito sa mismong syudad kaya bumyahe pa talaga ako kaninang mga 8 a.m. para lang makapunta dito.
“Good morning. Paki-ready na ng mga gamit ko.” Utos ko sa kanila. Kilala na nila ako dito kasi yung iba—nakasama ko sa ibang bansa and hindi ko suot ang wig at ang contact lense ko kaya madali lang talaga akong makikilala nila. Isa lang naman talaga ang pagkakakilanlan ni Diannah Deanisse Dela Ayala eh—at yun ay ang kulay asul nyang mga mata.
“Masusunod po Miss.”
Hindi ko kasama ngayon si Z kasi hindi ko naman sinabi sa kanya na pupunta ako ngayon dito atsaka busy sya masyado sa business ko kaya hindi nya talaga ako masasamahan ngayon.
Matapos mahanda nila yung kailangan kong gamitin sa practice shooting ay agad akong pumasok sa isang kwarto kung saan nakalatag ang mga gamit. Sinuot ko yung ear muffs at nilagyan ang mga magazine ng baril ng mga bala. I first assembled it and then I’m off to go.
I aim for the target then
*baaaaaaang*
*bang*
*bang*
*bang*
*bang*
*bang*
Anim na sunod-sunod na putok ang pinakawalan ko bago ko nadurog ang target ko. Nilagyan ko ulit ng mga panibagong bala ang magazine then kinasa ko ito and
*bang*
*bang*
*bang*
*bang*
*bang*
*bang*
At sunod-sunod pa na putok ang ginawa ko bago ako napagod at huminto. Habol ang hininga kong napatingin ulit sa target ko na durog na durog na dahil sa ginawa ko.
Nakaka-inis ka na Hunter!
Ibinato ko yung baril at padabog na tinanggal ang suot kong ear muffs at umupo sa monobloc chair na nandito sa loob ng kwartong kinalulugaran ko.
Gustong-gusto kong ituon ang atensyon ko sa gagawing hakbang sa paghihiganti ko sa mga Ledesma through their Timotheo Montero pero nadi-distract ako sa presence ni Hunter at Xofia Xavier.
Mga leche! Hindi nalang magsama sa New York at manirahan doon, bakit kailangang sundan ako dito sa Pilipinas? Lakas magpa-selos ah, kala naman nila selos na selos ako. Tsk! Well, slight lang!!!!!
Nag-stay pa ako ng ilang oras doon sa practice den, nilibot ko ito to be exact at kina-usap na rin ang ibang nagta-trabaho doon. Ang ganda lang ng lugar kasi hindi sya halatang isa syang practice den or shooting range—more on clubhouse type sya. Yung parang nasa isang village, ganun yon.