Zone Sixty-Five

10 4 0
                                    

DEAN’S POV


“WHAT? Totoo talagang naging kayo? Akala ko talaga close lang kayo eh,” pa-iling-iling na sabi niya habang nasa daan ang tingin, nakatingin na rin ako sa kanya ngayon. “Ano bang nangyari? Bakit ang bilis namang naging over?”

“Hindi kami pwede.”

“Kasi?”

“Kasi isa siyang Ledesma.”

*srcreeeeeeeeeccccchh*

“WHAT?!”

“ANO BA ELLAINE, PAPATAYIN MO BA AKO SA GULAT?” sigaw ko sa kanya nung halos mangudngud ang mukha ko sa dashboard ng sasakyan nya. Mabuti nalang talaga at meron akong seatbelt ngayon. Chineck ko yung cake kung buhay pa ba at mabuti naman kasi hindi napuruhan. Chineck ko rin yung mga pagkain sa backseat at same nung sa cake, okay lang din sila.

“PAPATAYIN MO RIN BA AKO SA GULAT?!” napa-kamot ako sa ulo ko at pa-iling-iling na tumingin sa kanya dahil sa sigaw niya. “Ano ulit yung sinabi mo? Please tell me nabingi lang ako.” paninigurado niya.

“Tama yung narinig mo, isang Ledesma si Krypton and he’s the son of Marcus Ledesma.” dire-diretsong sabi ko habang nasa may dashboard ang tingin ko. Hindi ko tinignan si Ellaine sa mata dahil baka maluha ako while saying those.

“Oh my God, double Oh my God. For real talaga? H…h-how come?” tono palang ng boses ni Ellaine, alam kong hindi na siya makapaniwala.

“Ayoko munang pag-usapan yan ngayon, masyado pa akong nalilito kaya can we please go to Hunter now?” malumanay na sabi ko sa kanya tsaka ko siya dahan-dahang tinignan.

Umayos siya ng upo at mataman akong tinignan “Dean, please be honest to me, sino ba talaga ang mahal mo sa kanila?”

Para akong na-ubusan ng supply ng hangin dahil sa tinanong ni Ellaine. Nangapa ako ng isasagot pero bigla yata akong walang maramdaman, hindi ko alam kung anong isasagot ko. Kasi maski ako, naguguluhan sa sarili ko. Sino nga ba sa kanila ang mahal ko?

“Sabyna Ellaine, mag-drive ka nalang please.” Sa huli ay pinili kong hindi sagutin ang tinanong niya. Meron akong nakapang sagot pero baka hindi magustuhan ni Ellaine kaya sinarili ko nalang.

Naging tahimik ang byahe namin papunta sa hospital. Sa Riverside Memorial Hospital naka-confine ngayon si Hunter kaya doon kami dumiretso. Doon nag-park si Ellaine sa tabi ng sasakyan ko. Bago pa man kami makababa ay tinawagan nya muna si Angelo to ask some back-up para may tumulong saming magbuhat ng mga pagkain dahil hindi namin kakayanin ni Ellaine to. Sa dami ba naman kasi ng pinadala ni Ninang Shane, malamang mukhang pati kami makaka-kain mamaya.

Maya-maya lang din ay nakita na naming paparating ang iilang PSG na mukhang na-iwan dito sa hospital para mag-bantay kay Hunter. Agad nilang kinuha yung mga paper bags sa backseat ng sasakyan ni Ellaine at nung makuha na nila lahat ay na-una na kaming naglakad ni Ellaine papasok sa loob. Ako pa rin yung may bitbit ng cake. Hindi ko alam, hindi ko magawang bitawan itong cake.

Biglang natahimik ang ma-iingay na boys nung pumasok na kami ni Ellaine. Isa-isa ko silang nginitian pero hindi na masyadong pinansin dahil agad kong naituon ang atensyon ko sa nakaratay na si Hunter. Naka-busangot yung mukha niya kaya ngumiti ako sa kanya. “Kamusta na paa mo?” agad na tanong ko sa kanya matapos kong ma-ilapag ang cake sa bedside table ng hospital bed niya. Umupo ako doon sa kama niya at naka-ngiti pa ring nakatingin sa kanya.

“Wag mo akong daanin sa pa-ngiti-ngiti mo Deanisse ha,” sagot niya, “Bakit ngayon ka lang? Sabi mo kanina susunod ka? Pero halos gumaling nalang itong paa ko ay hindi ka pa rin naka-sunod. Bakit ang tagal mo?” sunod-sunod na tanong niya.

The Girl Who SmokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon