Zone Thirty-Three

42 9 4
                                    

DEAN'S POV


“ARE you ready apo?” tinanggal ko ang shades na suot ko at nakangiting tinignan si Mimi.

“More than ready Mi.” sagot ko sa kanya. Tumayo ako at inalayayan ko syang tumayo at maglakad papunta kay Dada na ka-usap na ang ibang tauhan na ma-iiwan nya dito sa London.

Kinuha nung iba pa naming tauhan ang mga bitbit naming bags at tanging isang maliit na sling bag ang naiwan sakin samantalang isang hand bag naman ang kay Mimi.

“Are you ready baby princess?” agad na bati ni Dada sakin nung makalapit kami ni Mimi sa kanya. Napa-simangot naman ako dahil sa sinabi nya.

“Dad naman! Natanong na ni Mimi sakin yan eh, pwede bang iba naman?” pagmamaktol ko.

“Ha ha ha ha. Ikaw talagang bata ka oo, kahit kelan ang pilosopo mo. Nag-mana ka nga sa tatay mo.” Natatawang sagot naman ni Dada.

“Eh saan po ba nag-mana si tatay? Diba sayo?” pabalang na sagot ko sa kanya na tinawanan lang ng grandparents ko.

Sila ang grandparents ko. Lolo at Lola sa father’s side. I grew up with them, sila halos ang kasama ko sa paglaki ko dahil malayo ang pamilya ko sakin. Minahal nila ako ng buo, inalagaan at binigay lahat ng pangangailangan pati ang hindi kailangan.

Si Mimi ay si Isabelle Tomlinson-Dela Ayala at si Dada naman ay si Eduardo Fernand Mendes-Dela Ayala.

Hindi sila nagkulang dahil mahal na mahal nila ako. Itinuring nila akong higit pa sa apo. Kaya ako ang naging paboritong apo nila.

“Take a one last look to this airport baby princess, baka matatagalan ang pagbabalik mo dito.” Sabi sakin ni Dada sabay hawak sa may balikat ko. Tumalikod na rin ako sa kanila at bahagyang napapikit at sinimot ang hangin.

Bye for now London.

Ngumiti akong humarap sa kanilang dalawa at sabay-sabay na kaming umakyat sa eroplano.

Pag-akyat namin sa eroplano ay agad akong umupo sa usual place ko sa eroplanong ito. Malaki ito at pagmamay-ari ng pamilya ng mga Dela Ayala. Actually marami kaming ganito, different kinds and types, you want one? *smirk*

Nagsimula nang magsalita ang pilot na hindi ko naman pinakinggan. At nung lumipad na sa ere ang eroplanong lulan namin ay agad binasag ni Mimi ang katahimikan. “Baby princess, how’s your business?” napatigil ako sa pagtingin doon sa bintana na katabi ko lang at ibinaling kay Mimi ang atensyon ko.

“It’s going well and succesful ang naging opening nung branch ko sa SE Malls sa Philippines.” And now we’re talking about business.

Nagpa-bukas na rin si Mimi ng branch ng business ko sa Pilipinas kasi inaasahan ni Mimi na magiging hands-on ako sa pagpapatakbo nito.

“Good for you apo.” At isang matamis na ngiti ang binigay ni Mimi sakin.

“Thanks Mi.”

“I heard you’re the most elite teenager in the Philippines. So what’s the feeling? Ha ha ha ha.” Agad akong napa-simangot sa sinabi ni Dada.

The Girl Who SmokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon