DEAN’S POV
MAY 23, 2017
Dapitan, Zamboanga del Norte.
Nasa Dapitan kami ngayon. Hindi ko alam kung bakit dito kami pinatapon ni Dada. Mukha ba kaming nagkasala sa Kaharian ng Espanya at kailangan kaming e-exile dito sa Dapitan? Psh.
Sabi nila, dito daw ipinatapon ang pambansang bayani ng Pilipinas na si Dr. Jose Rizal. Ilang taon daw syang nanirahan dito at dito na rin daw nya nakilala si Josephine Bracken. Yan ang mga nabasa ko sa librong pinabasa sakin nung mga past teachers ko (before Z came) dati nung pinag-aaralan namin ang buhay ni Rizal. Bata pa ako noon kaya medyo nakalimutan ko na ang buong buhay ni Rizal na dati’y kabisado ko.
Ilang oras kaming bumyahe bago nakarating sa Dakak Beach Resort at pagkarating namin ay agad nag-aya ang dalawang babae/binabae na mag-swimming at e-enjoy ang water activities kaya heto ako ngayon, bagsak na ang katawan. Sobra pa ito sa training na ginagawa ko everyday ah. Magha-hapon na kaya pagod na pagod na talaga ako.
Gusto ko nang magpahinga.
“Deaaaaaaan, let’s go to Rizal’s landing site. I heard maganda ang sunset doon.” Pero kaka-upo ko pa nga lang sa kama ko ay biglang pumasok si Ellaine at nagsisigaw sa loob ng kwarto naming dalawa dito sa resort. Share kasi kami tas yung boys, ayun—share nanaman.
“Ellaine naman! Kakatapos lang nating mag-adventure, pagpahingahin mo muna ako please.” Pagmamakaawa ko sa kanya.
“Ano ba ang purpose ng bakasyon nating ito Dean? Diba para mag-enjoy?” humiga ako sa kama pero agad nyang nahawakan ang isang kamay ko at hinatak-hatak ako para makatayo “Two days lang tayo dito kaya let’s enjoy every seconds.” Pinipilit nya pa rin akong patayuin habang hinahatak pero ako naman ay nagpapadala lang sa kanya.
“Ge, susunod ako.”
Tumigil sya sa ginagawa nyang paghahatak sakin at nakapameywang na humarap sakin “Anong susunod? Hoy! Baka nakakalimutan mong kararating mo lang sa Pilipinas! Kaya walang susunod kasi sasama ka now na sa akin.” At tuluyan na nga nya akong nahatak patayo.
Wala akong nagawa kundi ang isuot ang tsinelas ko at kunin ang camera. Hawak nya ang isang kamay ko at nasa isang kamay naman ang camera habang hinahatak nya ako palabas ng resort.
Denim shorts at crop top na sleeveless na kulay peach ang suot ko ngayon. Simple lang pero pamatay *smirk*
Sumakay kami sa isang van at ilang minuto lang ay narating nanamin ang sinasabing lugar ni Ellaine kanina.
Nagsisimula na akong mamangha sa mga lugar na pinupuntahan namin dito sa Pilipinas pero hindi ko lang talaga pinapahalata.
Nag-picturan sila doon sa may boulevard na hindi ko alam kung ano ang tawag kasi hindi naman talaga ako pamilyar sa mga lugar dito sa Pilipinas.
Naka-tayo lang ako dito sa isang pwesto habang hinahanapan ng magandang anggulo ang araw na papalubog na. Tama nga si Ellaine, ang ganda nga ng sunset dito.
Pinagmasdan ko ang araw habang dahan-dahan itong lumulubog. Para syang lumulubog sa ilalim ng dagat. I notice sunsets pero mas na-aappreciate ko ang sunrise—mas maganda kasi yon.
Yon! Nakita rin.
Napangiti ako at agad kinapture ang best angle na nakita ko habang nakatitig sa araw na papalubog.
Matapos kong ma-capture yon ay pinabayaan ko muna ang picture kasi mamaya ko pa yan titignan kaya tinitigan ko ulit ang araw. Hindi naman sya nakaka-silaw kasi papalubog na sya at kulay orange na pastel na ang kalangitan.
