ISKA'S POV
"ISKA! Ikaw yung batch valedictorian natin!" patalon-talong sabi ni Alyssa sakin nung makapasok ako sa classroom namin. Umupo muna ako sa arm chair ko bago ko sya tignan. "Wag mong sabihin saking hindi ka interesado?" matapos yung nakaka-aliwalas nyang pagmumukha ay agad itong napalitan nang naka-simangot matapos ko syang tignan.
"Tange! Alam ko na yan no." sumandal ako sa bangko ko at nakikipagtitigan kay Alyssa na nakatayo lang sa harap ko.
"Wow! Tapos hindi mo man lang sinabi sakin no?" kinabig nya paharap yung arm chair na nasa harapan ko atsaka umupo dun para magkaharapan kaming mag-usap ngayon. Gets nyo? Kung hindi, hindi rin ako interesado.
"Malalaman at malalaman mo rin naman yun kahit hindi ko pa sabihin sayo, sa dami ba naman ng source mo. Hahaha." ngumiti sya sakin at bigla nalang akong sinabayan sa pagtawa, kitams! May topak talaga tong babaeng to.
Limang linggo matapos ang Valentines Day na yun ay saka palang ina-announce ang Class Top 10. Next week na kasi ang Graduation namin at sabi nga nitong si Alyssa, ako ang Class Valedictorian.
"Kelan mo naman nalaman? Treat mo lunch mamaya ha?" sinamaan ko sya ng tingin dahil sa sinabi nya, alam naman nyang mas mayaman sya pero ako pa man-lilibre sa kanya.
"Mas mayaman ka Alyssa kaya ako dapat e-treat mo."
"Sige na nga, para naman makapag-celebrate tayo nang maaga." see, bibigay din pala.
"Si Jerban ba wala pa?" mas na-unang nakarating si Alyssa sakin dito sa classroom, at habang naglalakad ako kanina papuntang room ay kaliwa't-kanan ang bati nila sakin. Siguro nakita nila ang nandun sa Bulletin Board. Ngayon kasi pinost ng Registrar ang Top 10 ng Graduating Class.
"As usual, mamayang praktis pa dating nun." praktis ng graduation nalang pala kami ngayon, last week yung last day ng klase namin kaya kahit papaano ay nakaramdam ako ng kaginhawaan sa buhay at nasuklian naman ng maganda yung ilang taon kong paghihirap sa high school. "Pero grabe Iska, 100 percent yung scholarship mo sa ICU. Ang galing-galing mo talaga!" pumapalakpak na sabi nya. "Sayang nga lang at hindi nadala sa top 10 ang grades ko." nasa top 15 kasi si Alyssa sa over-all ranking ng graduating class. Sa dami ba naman ng Grade 12 dito sa SFNHS ay malamang sa malamang mag-aagawan talaga sa spot pero ma-swerte na rin ako't naging Valedictorian ako. Hahaha
"Kaya nga nagsikap ako diba? Yan naman talaga yung target ko. Tsaka okay na yun no, ang dami mo kayang special awards." pag kasi nasa top 10 ka ng graduating class ay matik ng may college scholarship ka galing sa ICU, iba't-ibang percent nga lang. Sakin kasi 100%, sa Salutatorian naman ay 75%, and the rest na nasa top 10 ay 50%. Ang cool lang, sana naman na gets nyo.
At may pakinabang talaga ang pagiging extrovert nitong si Alyssa kasi kahit na wala sya sa top 10 ay sandamakmak naman ang mga special awards nya, ang dami kasing extra-curricular activities, kung pwede nga lang na salihan nya lahat ay sinalihan na ng babaeng yan.
"Classmates, punta daw tayong covered court, magsisimula na raw ang practice." sabi nung kaklase naming kakapasok lang sa room namin "Uy Iska, congrats nga pala ha." ngiti lang yung binigay ko sa kanya at nag-simula nang lumabas ng classroom. Sabay pa rin kami ni Alyssa as usual.
"Uuwi ba si Tito, Iska?" tanong ni Alyssa habang naglalakad kami. Patungkol nya sa Papa ko na nasa ibang bansa.
"Yes, samakalawa na yung uwi nya. Punta ka sa bahay ha?" kilala na rin kasi sya ng mga magulang ko bilang kaibigan ko.
"Oo naman, ako pa. For sure naman kasing may pasalubong si Tito sakin." nginitian ko nalang sya at nagpatuloy na sa paglalakad.
Ang daming nangyari sa limang linggong nagdaan na hindi ako nagparamdam. Matapos ang party ni Janina ay samin na sumasama si Yohan na nalaman kong nasa kabilang building pala ang classroom kaya pala hindi ko sya nakikilala. Kung kelan magtatapos ang pasukan saka naman ako nagkaroon ng bagong kaibigan.
