Zone Twenty-Five

70 10 0
                                    

SAB'S POV

MONDAY.

"Okay guys! After the yesterday's event, let us all proceed to ICU for the celebration of 119th Independence Day." matapos naming makapag-bihis at makapag-ayos ay agad kaming pina-tipon ni Zara sa grand living room ng mansion. "The Dela Ayala twins will proceed to the La Libertad Memorial Park for the vigil. That would be all." dagdag na sabi nya. Tinignan ko naman ang kambal matapos maka-alis ni Zara sa harapan namin. As usual, kaming sampu nanaman ang huling naka-alam ng galawan ng mga magulang namin.

It's monday morning pero nandito pa rin kami sa mansion nila Ninong Vaughn. Matapos kasi yung pictorial namin sa gitna ng ulan ay dito na kami ulit natulog for the after party ng fiesta.

"Haaaaaay! Wala ngang pasok this day pero kailangan naman nating bumalik sa school." pagmamaktol ni bakla!

"Reklamadora itong baklang to oh! Magpasalamat ka nalang kaya kay Doctor Rizal, kundi dahil sa kanya baka wala tayong kalayaan today!" sagot ko sa kanya.

"Walang hanggang pasasalamat ba Sab? Bakit? Kung magpapasalamat ba ako don sa may rebulto ni Doktor Rizal?--- mabubuhay ba sya? Hindi naman diba? Kaya silento ka nalang dyan." mataray na sabi nya.

"Ang taray naman neto. Ke-aga-aga Angelo ha!" tinignan ko si Dean nung bigla syang sumingit sa usapan namin.

Matagal kong tinitigan si Dean dahil hanggang ngayon -- simula kahapon at nung isang araw pa -- ay naninibago pa rin ako sa mukha nya. I've seen this face many times already, I've seen her eyes and hair many times already pero hindi ko pa rin ma-iwasang manibago. Akala ko talaga ma-ikli na yung buhok nya. Akala ko talaga.

*click*

"Masyado kang lutang Ellaine. Wag magpahalata. Tara na." at hinawakan nya ang kamay ko at kinaladkad palabas. Si Dean yung nagsalita at dahil din sa pagpitik nya sa daliri nya ay nabalik ako sa realidad.

"Susunod ba kayo samin after nyo sa cemetery?" tanong ko sa kanya dahil sa aming sampu ay kaming dalawa ang magkasabay.

"Nope, kayo ang susunod samin don sa sementeryo." sagot nya bago kami tuluyang sumakay sa van na sasakyan naming sampu.

Araw ng Kalayaan ngayon at taon-taong sinecelebrate ng whole ICU ang event na ito at dahil whole ICU nga kaya pati kaming mga students ay kasali. Compulsory ito at pati kami walang kawala. Ma-ikling event lang naman to but required na e-celebrate. Ngayong araw ding ito kasi ang birthday ni late Majestina Dela Ayala at late Father Gregorio Dela Ayala -- ang kambal na tito at tita ni Chairman Ed so it means na great grandparents na nila Dean yon. Naintindihan mo ba? Kasi kung hindi eto kasi yun:

1915.
Si Fernando Dela Ayala at Concepcion Medici Dela Ayala ay naging mag-asawa noong 1915 sa bansang Italia. Fernando is a half-filipino and half-italian boy while Concepcion is a pure italian girl. On that same year, they had their first children which is the fraternal twins na si Gregorio Dela Ayala and Majestina Dela Ayala. After Concepcion gave birth to the twins, they decided to move in the Philippines and started a new life from the money Fernando got from his parents.

1917.
After 2 years, which is December 8, 1917, ay naipatayo ng mag-asawang Dela Ayala ang Immaculate Conception Academy. Oo Academy palang ito dati. Nagkaroon ulit ng anak si Fernando at Concepcion at si Emiliano Dela Ayala ang naging bunga nila. Konti palang ang nagiging estudyante ng ICA this year so medyo busy ang mag-asawa magtaguyod ng pamilya at eskwelahan nang sabay.

The Girl Who SmokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon