Hi awesome readers! Nagugustuhan niyo po ba ang mga nangyayari? Comment lang po kayo kung may mali po. I'll be happy to read it. <3
@Dwaeji_princess
____________________________________
- - -
Zirri's POV
*BEEP BEEP*
"What the hell? Mag papakamatay ka ba?"bungad ng lalaki sakin na kabababa lang ng sasakyan at sobrang init ng ulo. "If you have a plan, then do whatever you want! Just spare me! "sigaw niya. Ang sungit naman nito. Ang kapal ng mukha! Ako nanga muntik na masagasahan eh.
"Ang kapal naman ng mukha mo?"singhal ko sa ungas na to. "Ikaw nanga tong muntik na makasagasa,ako pa sisisihin mo? Isa pa tumitingin ako sa dinadaanan ko, sadyang kaskasero ka lang! "sigaw ko pabalik
"Ugh. Bastard imbecile."bulong niya tsaka na siya sumakay sa sasakyan niya. Bastos! Di man lang nag sorry. Panira in tong isang to eh. Wag ko lang siyang Makita uli makakatikim sakin yun.
Kanina pa ako nag lalakad dito sa plaza nag babakasakali na may mahanap akong part time job para makatulong ako kay tita.
WANTED! ! !
Waitress
Please apply inside. —->
Yes! thank you loord!! Anak ng swerte naman oh, dito lang pala ako makakahanap eh.
"Manong guard, san po yung manager niyo dito? Pwede ko po ba siyang makausap? "tanong ko dun sa mukha namang mabait na guard.
"Ah, si Sir. Garnette Hernandez po, andun po siya sa may kitchen, kasama niya po yung supervisor namin si Madame Charito Benitez. "sagot naman, aba ayos to si manong ah. Andaming sinabi eh."Mag aaply ka bilang waitress?" inunahan ako. Kita mo tong isang to isa rin na madada eh. Ano ba tong mga lecheng naeencounter ko? Napabuntong hininga nalang ako.
"Opo manong. Sige po, thank you po."sabi ko nanga lang, ang kulit eh. Dumiretsyo na ako ng kitchen nila. Pumasok na ako dun, at hinanap ko na yung manager.Shemay! Napanganga ako, hindi ako nahirapan hanapin yung manager, dahil lahat naman sila dito waley ang itsura, iisa lang naman ang gwapo, at alam kong siya yung manager.
"Excuse me bawal po kasi ang customer dito eh, pakihintay nalang po sa labas yung order niyo."hindi ko namalayang kinakausap na pala ako ng isang may edad at mabait na babae. Mukha ito yung supervisor na si madame Charito
"Hindi po ako customer dito."sambit ko. "Nakita ko po kasi yung nakadisplay sa labas na kailangan niyo daw po ng waitress. Gu—— "
*SHHHHHHHH*
Muntikan ng mabuhos sa akin ng isang lalaki yung sizzling na hawak niya pero buti nalang nahawakan ako sa braso nung sir Garnette.
"What the!? John ray mag ingat ka naman sa ginagawa mo!"sigaw sa kanya ni sir Garnette."Tatanga tanga ka talaga kahit kailan!"pahabol na panermon pa niya.
"Sorry po sir."paumanhin naman agad nung John ray na mukhang stupid at kawawa ang mukha.
"Sir wag niyo na po siyang pagalitan."sabi ko."Ayos lang naman po ako eh."
"I-ikaw!?"sigaw naming dalawa nung manager. Ang tanga ko talaga. Pinuripuri ko pa, eh siya pala yung muntik makasagasa sakin. Akalain mo nga naman oh. Dito pa talaga kami magkikita at mukhang magiging amo ko pa.
"Gusto mong mag apply?"tanong niya ng nakataas pa ang kilay niya. Tae niya kala niya naman kinagwapo niya, baka nag mukha lang siyang bading.
"Kung ikaw rin lang ang boss ko,"tinignan ko siya mula baba at itaas. "Wag nalang!"tanggi ko
"Okay. Sayang naman ang 4000 monthly."may panghihinayang at pangiinis pa sa boses niya. Pero teka, 4000 monthly? Tatanggapin ko na yata. No choice nako eh. Sayang naman yun.
"Ah, ang sabi ko po eh kung Pwede po ba?"patay malisya kong sabi sa kanya.
"Let's talk about it outside." Lumabas na si sir ng kitchen. Tsaka agad agad ng sumunod sa kanya. Makapang dabog naman to ng pintuan, hayys.
"Give me your resume?"utos niya tsaka ko naman na agad na inabot sa kanya.
"Zirrina Rigell, 21 years old, birth place, blah blah."basa niya sa papel tsaka tumingin sa akin ng seryoso."Sino ng nag palaki sayo?"
"Si auntie at uncle na po ang nag palaki sakin kasi po, namatay s——- "
"Cut the drama."pag angal niya with the hand gesture pa. "Di ako interesado." Kita mo na ang sama naman talaga ng ugali nito mukhang kawawa ako ditto ah.
"Hindi ka naman siguro mag nanakaw noh?"usisa niya. Kapal ng anit nito mag akusa leche. Magnanakaw pa talaga ako. "Dahil kung oo, ngayon pa lang wag mo na ituloy ang pag aaply mo. Pagsisisihan mong nag apply kapa dito."
"FYI po sir."tinaasan ko siya ng kilay pero binawi ito dahil baka hindi na bumaba. Pero chos lang, mamaya hindi pa ako tanggapin neto eh. "Mabuti po akong tao dahil pinalaki po ako ng maayos kahit wala na po mga magulang ko. Hindi po ako mag nanakaw. "explain ko. Kung di ko lang talaga kailangan ng trabaho eh.
"Okay, you can start working tomorrow. 5000 monthly mo. And, you may leave this place NOW."
Sa sobrang tuwa ko, nadura ko yung juice na iniinom ko sakanya. at pinag titinginan nako ng mga tao dun.
"Nako! Talaga sir Garnette!!??"hindi makapaniwalang tanong ko. Yes, may trabaho na ako! "Grabe po, thank you po talaga, hulog kayo ng langit!"
"Holy shit!"sigaw niya tsaka napatayo sa inuupuan niya. "Kakahire lang sayo, palpak kana agad!"
"Sorry po sir."pagpaumanhin ko agad sa kanya habang pinupunasan siya gamit ang panyo ko tsaka pinapagpag pa ang suot niya. "Na carried away lang po ako sa sobra kung kasiyahan.Di lang po kasi ako makapaniwala. At sir, pwede po bang mag advance ng 500?" Kinapalan ko na yung mukha ko, kailangan eh.
"Kakahire palang sayo kumukuha kana agad ng advance?"pinandilatan niya pa ako ng mata. "Ang kapal din naman talaga ng tuktok mo." gago pala to, buti nga pagtratrabahuan ko yun eh
"Sige na po sir."Pagkukumbinsi ko pa sa kanya. Sana lang mag work ang pretty pretty eyes na ginagawa ko ngayon eh ng maaninag siya sa pretty fezz ko. Hihi. "Kailangan ko lang po talaga ngayon. Pagbubutihan ko po trabaho ko, promise."
Naningkit na muna ang mata niya tsaka nakapg isisp naman na yata at kinuha na ang wallet niya sa bulsa niya. "Oh! Alam mo, kung hindi lang naming kailangan ng waitress, ngayon pa lang finire na kita!"
"Thank you so much po talaga sir Garnette! Woohoo!"napataas pa ako ng kamay ko sa sobrang tuwa. "Aylabyu po!"ay, ano ba yung nasabi ko, niyakap ko pa siya yan tuloy, pinagtitinginan nanamn tuloy ako ng mga customers dun
"Anong sabi mo?"gulat na tanong niya habang tinitignaan ako ng masama."Paki-ulit nga."
"Ah, Aaaa—ang sabi ko po aaa— ay— thank you po sir Garnette talaga." palusot ko
" Wait, how did you know my name? I haven't introduced myself to you yet right? "
"Sinabi nung madaldal na guard, este ni manong guard. Sige po, bye sir! Thank you po ulit "sabi ko nalang at umalis na ako tsaka sumakay na ako ng taxi pauwi.
____________________________________
Thanks for reading.
Vote, comment, and share.
Follow me @ —————> Dwaeji_princess <3