Jessi's POV
Hinintay na muna ni Cad na tumila ang ulan dito sa parent's lounge bago kami umuwi ng dorm. Ihahatid niya nga daw kasi ako, wag kayong ano jan.
Magkayakap parin kaming dalawa, at patuloy parin siyang nag proprovide ng body heat sa aking matabang katawan. Sosyal ako noh? Dinaig ko yung mga payat. Hehe. Lakas nga maka-Nadine Lustre nitong ginagawa niya sa akin eh. Kung si Eya ng Diary ng panget, feeling niya ikinakaganda niya ang ginawang body heat sa kanya ni Cross Sandford, pwes ako, ikinakapayat ko ng sobra. Shet. Payat ko.
"C'mon, the rain has stopped. I can bring you to the dorm."nakatingin lang siya sa akin pero nakahawak parin sa bewang ko.
Panira naman to, nag eenjoy pa ako eh, bad trip amp. Mag iimagine pa nga sana ako ng She's dating the gangster scene pero sinabaw na utak ko eh. Pero punyemas parin si Cad, sinira niya ang taimtim na pag iimaigine ko. Leche siya.
"Hoy, masyado kana yatang na eenjoy sa body heat ko."tinignan ko siya at nakangisi na siya pero hindi parin ako nakakalas sa kanya."Mag hubad pa kaya ako?"suhestyon niya."Tapos hihigpitan ko pa ang yakap ko sayo para mas lalo ka pang mainitan."mas lalong lumapad ang ngisi niya.
Kumalas na ako bigla bigla sa kanya. Buwisit siya, manyakis. Baka kung ano pa ang gawin neto sa akin eh.
"Ulol! Manyakis ka!"binatukan ko nga. Akala niya yata noh."Anong ako, cheap? Pwede ba, over my dead---"
Napatawa siya ng malakas."Ano? Dead sexy body?"napailing pa siya. Akala mo ikinagwapo niya eh mukha naman siyang budoy."The fck Jessi, don't ever say that."mas lalo pang lumakas ang tawa niya.
Inirapan ko nanga lang, nakakaimbyerna to eh. Pag ako hindi nakapagpigil, hahamunin ko to ng wrestling ngayon mismo sa parent's lounge na'to.
"Tara nanga, ihahatid na kita."tumigil na siya sa pag tawa niya at tsaka ihinatid niya na ako sa dorm.
Pagkarating namin dito, tinignan ko siya mula ulo hanggang paa niya. Nag tataka kasi ako kung bakit steady lang siyang nakatayo doon at naka-poker face pa. Guess what, ikinagwapo niya yun, shutangina niya.
"Oh, ano pang ginagawa mo? Ba't di kapa umalis?"nakataas pa ang kilay ko habang inuusisahan siya. Lakas ko makapangtaboy noh? Hahaha matapos ko siyang hingan ng body heat. Hehe. Meanie pig ang ate Jessi niyo eh.
"Gagamutin natin yung sugat mo."kaswal na sagot niyab
"Wag na."pagtanggi ko agad."Gasgas lang to. Masyado ka nanamang OA."supalpal ko sa kanya tsaka isinasara ko na ang pintuan.
"We need to clean it."mariin na sambit niya tsaka tinabig ang pintuan na isinasara ko pa lang."Ayokong nakakakita ng ganyan."
"Whatever."inirapan ko siya ng bonggang bongga."Ang arte mo talaga."
"Can I get inside? Ang lamig eh."tinalikuran ko nalang siya tsaka sinundan niya na ako, pumasok na rin siya dito sa loob ng dorm.
"Ahy Cad, pano pala yung sa music?"pag iinterrupt ko sa kanya habang ginagaya ang buhok ni Sandoku ng Dragon ball Z sa piggy mirror ko.
"What about it?"patuloy parin siyang nag aayos ng buhok.
"May idea kana ba?"tanong ko habang tinatanggal yung black shoes ko.
"Wala pa eh."bored niyang tugon. Tumingin siya sa akin ng seryoso tsaka lumapit sa akin."Pwede ka ba bukas?"emeghed. Idedate niya ba ako? Hihi. Me is so sexy talaga like, ting! Hahahaha.
"Oh, wag mong sabihing idedate mo ako?"patay malisya kong sabi sa kanya.
Napatawa nalang siya ng sarkastiko at napailing iling pa."Wow ang lakas. Ang sexy mo naman for me to ask you on a date."
Nag crossed arms ako to start my dialogue for me to prove him wrong. Napapaenglish na ako."Bakit? Sexy lang ba pwede makipag date?"singhal ko."Wala bang karapatan ang mga chubby tulad ko makipagdate? "
"Pinaganda mo pa, ang sabihin mo, MATABA."muli nanaman siyang napatawa."Hindi, bukas sana natin gagawin yung sa music."sabi niya."So ano, pwede ka ba bukas?"
"Okay."
~
Nag paalam na sila Cad at Burn kanina ng makarating sila Burn at Yerdi dito. Medyo umaambon nanaman kasi ng dumating sila dito kaya pinauwi nalang namin sila dahil baka lumakas nanaman yung ulan at mahirapan na silang makauwi.
At ngayon, katulong ang peg ko ngayon dahil ewan ko ba kung anong naisip ng magaling at mafiling kong bessy, at nag papaluto siya ng fishball. Galing noh? Ginawa akong katulong niya.
"Yaya, tapos na ba yung fishball ko?"tanong niya habang nag cecellphone parin sa kama niya. Like a boss ang peg ng mga ate niyo noh. Katext nanaman ang boypren niya. At aba, tinawag pa talaga akong yaya.
"Fyi, hindi ako yaya!"mariin na bulyaw ko sa kanya.
"Ay, sorry."natawa pa siya."Sige, katulong nalang."pang-cocorrect niya pa. Buwisit talaga to, ang kapal eh. Tampalin ko kaya sandok to.
"Ano ba kasing naisipan mo at gusto mong kumain ng fishball?"tanong ko sa kanya habang dinuduro ko ang sandok sa kanya."Ikaw, buntis ka noh?"
"Sira, hindi noh."agad niyang depensa kaya natawa ako habang nilalagay sa tissue paper yung fish ball."Ano ako G.R.O? At kanino naman kaya ako mag papaano? Duh?"singhal niya pa.
"Oh di malamang sa boyfriend mong si Burn!"bulyaw ko sa kanya kunyare nandiri pa yung mukha niya, eh namula naman. Ulul talaga tong bessy ko."Alangan namang kay Daniel Padilla na crush mo na hindi ka naman kilala!"
"Grabe ka naman, di naman ako ganun kalandi. Ikaw nga jan eh, kung makasigaw ka kanina ng ' Ahhhhhhhh!!!! Aray ka Cad! Dahan dahan! ' Parang nag aa-- "
"Ano? Sige, subukan mo ituloy, at ibabato ko talaga tong sandok sayo!"pambabanta ko sa kanya. Ay talagang itutuloy ko talaga yung tinatawag na flying sandok pag tinuloy neto. Porket narinig lang akong umuungol kanina, eh kasi si Cad ginagamot niya uli yung sugat ko. Di niya naman kasi dinadahan dahan eh.
"Sorry po!!"tumawa pa siya ng malakas tsaka ko nalang tinuloy ang pag luluto ko
*BUZZ*
From: 12345678910
Hi. Sorry. Hindi kita nareplyan kanina ha, may klase kasi kami eh. Nag thank you ako sayo dahil may ginawa ka saking maganda.
" Bessy, nag text nanaman siya."sabi ko kay Yerdi habang nakatingin parin sa phone ko.
"Omg!"tili niya pa."Talaga? Sinabi niya ba kung sino siya?"kinikilig niyang tanong
"Hindi eh. Sinabi niya lang kung bakit siya nag thank you dahil daw may ginawa daw akong maganda sa kanya?"
"Oh? Tanungin mo kaya kung sino siya! Tanungin mo na rin kung lalaki siya. Baka siya na yung inaantay mo bessy, hihi."tignan mo to, grabeng excited. Atat talaga tong babaeng to, dinaig ako.
Tinext ko na yung unknown number
Ano naman yung nagawa ko sayong maganda? Pwede ko bang malaman kung sino ka?
Wala pang one minute nag reply na agad siya.
Lalaki ako. Hindi na mahalagang malaman mo kung sino ako. Gusto lang kita maging kaibigan.
Ang wierd naman netong taong to. Pero aaminin ko na, (at aminin niyo na rin mga readers) nacucurious na talaga ako kung sino to
_____________________________________
Thanks for reading
@Dwaeji_princess