Jessi's POV
*FILIPINO TIME*
Pagkatapos pa nitong filipino subject, tsaka daw kami ieexcuse ni sir Chris Kaya eto, tututorin ko si Cad. Tagalog workshop panga daw e. Artista lang? James Reid ang peg?
"Oh, basta pag ayan na yung i-uunderline, palagi mong ia-identify kung ano yung tinukoy nung pangatnig sa pangungusap."explain ko sa kanya pero kanina pa talaga ako na-wi-wierd-uhan sa kanya.
Ewan ko ha, ewan ko kung anong trip nito, kung nakikinig ba siya sa tinuturo ko, or may naiintindihan ba siya sa sinasabi ko kasi sa totoo lang, kanina ko pa napapansin yung titig niya sakin na di ko nalang pinansin nung una pero pilit na pinapaalala sakin ng peripheral vision ko kahit fino-focus ko nalang sa libro yung sarili ko.
"Hoy Mr.Watson, nakikinig ka ba sa mga tinuturo ko sayo?"
Tulala lang siya at parang hindi narinig ang tinanong ko sa kanya.
"Hoy, ano ba." ulit ko. Dinabog ko pa ng mahina yung desk niya para lang matauhan siya.
"What? You were saying?"napailing iling pa siya sa kahihiyan niya. Ano bang iniisip nitong lalaking to at parang inspired na inspired siya? Kanina ko pa nga napapansin yung pag ngiti ngiti niya sa kawalan e.
"Kanina pa kita tinuturuan tapos ganyan ka?"napahagikgik naman siya. What a wierdo.
"What? Ano bang ginagawa ko?" natatawang tanong niya sa akin. Ang lakas mang-trip neto ngayon ah. Makapangbwiset e.
"Bakit mo ba ako tinititigan ng ganyan?"tinaasan ko siya ng kilay."Wala naman akong dumi sa mukha ko di'ba?"
"Nothing. You're-- It's just, it's beautiful."sabay kindat at ngiti pa. Jusko. Kuya ang gwapo mo pero nakaktanga na talaga to ah. Masasapak ko to sa mga hirit niya.
"Hay nako Cad, tigil-tigilan mo nga yang pang-tri-trip mo ngayon."napatawa nalang siya ng tahimik.
Nag tama nanaman ang paningin naming dalawa tsaka nagkaroon ng awkward silence. Nag papa-cute ba siya or ano? Hay, makaiwas na nga lang ng tingin.
"Oh sige na, tagalog workshop na muna tayo. Eh tatamad tamad ka matuto ng filipino topic e."pag-iiba ko ng topic.
"Okay, okay. Isimula mo nalang."tinago niya na sa bag niya ang libro niya.
"Oh, yan, dapat 'Simulan mo nalang' hindi isimula. Kasi walang word na ganun."pangangaral ko sa kanya. Ang waley talaga ng tagalog nito. Libre nanga ang filipino workshop niya sa akin e hindi niya pa pagbutihan at parang wala pa siyang natututunan.
"Paano kung hindi ko naintindi ang sinabi mo?"
Napailing iling nalang ako sa isa nanaman niyang maling tagalog sa tanong niya.
"Mali. Dapat, 'Pano pag hindi ko NAINTINDIHAN.' hindi naintindi."pang-cocorrect ko nanaman.
"Mahirap naman mag tutunan yan."napakamot siya sa ulo niya.
"Hindi mahirap MATUTUNAN to."in-emphasize ko nanga ang mali niya. Ewan ko nalang talaga kung hindi niya pa makuha.
"Madali lang kung makikinig ka lang sa akin ng mabuti."
"Okay, just start it."bored na sabi niya.
Mag sisimula na sana akong turuan siya nang may pumasok bigla sa isip ko. Bigyan ko kaya siya ng challenge para mag tanda siya? Hindi naman siya natututo e. Pahirapan ko nalang nang sa ganun, madala siya at ma-motivate ang sarili niya sa pag tatagalog.
"Hep hep, bukas, may challenge ako sayo."humirit na sabi ko.
"What is it?"
"Bukas, kailangan, wala akong maririnig na english sa bunganga mo."sabi ko sa kanya. Tama. Hahaha. Pahihirapan ko siya. Ewan ko nalang kung mag english pa tong lalaking to.
