Jessi's POV
Bigla ko munang inenterrupt ang bessy kong nakikipagharutan pa sa kanyang boypren sa skype by making her bato my unan. Jusko tong mga to, akala mo naman nangibang bansa yung isa eh, kakakita lang naman kanina. Mga inspired ba naman.
"Bessy ano ba?"hawak hawak niya pa yung binato ko sa kanyang unan na ready na siyang ibato ito sa akin."Ingget ka nanaman noh?"minute niya na muna yung skype tas in-off cam niya muna.
"Bakit nga pala parang ang dali ng date niyo kanina ni Burn?"nakita kong biglang nag iba ang timpla ng fezz niya tsaka umirap.
"Nakita ko si papa sa mall."bored na pagkwekwento niya.
"Oh?"gulat kong reaksyon."Anong sabi?"
"Hay nako bessy."bumuntong hininga pa siya."Napag awayan nga namin ni Burn kanina eh, alam mo naman na. Tsaka hindi pa ako handang sabihin kay Burn eh."tumango tango nalang ako sa kanya."Sige na bessy, kaskype ko pa si Burn ko eh."kilig na kilig niyang sabi tsaka inun-mute na uli yung skype nila.
Nag headset pa nga si bessy eh. Tas biglang tumawa ng nakakaloka. Jusko tong babaeng to, loka ever. Inalis niya yung headset niya.
"Oy bessy, may pinapasabi si Cad sayo!"tuwang tuwang sabi niya tsaka inalis ang headset na naka-connect sa phone niya.
Cad- I miss you Jessi. Mwa mwa mwa.
Hinarap niya pa talaga yung cam sa akin at nag flying kiss pa ang gago, hindi naman ako yung kinilig kundi si bessy. Hayy.
"Bessy, isang I miss you too naman jan!"utos sa akin ni Yerdi. Baliw talaga tong babaeng to, talagang inutusan pa ako.
Pilit sila ng pilit ni Burn edi ayun, pinagbigyan ko na, para lubayan na ako ng mga siraulong to.
Humarap ako sa cam na nakikita ko rin si Cad.
"I miss you too Cad."sweet kong sabi, with bonus flying kiss pa. Sinalo naman niya ng parang ulol at tawa pa ng tawa. Harot talaga tong mga to.
~
Katext ko ngayon si Unknown. Yung nag tetext sa akin na ayaw mag pakilala.
*TEXT CONVO*
Siya-Hi. Good evening. .
Ako-Hello. Same to you.
Siya-Kumain kana ba?
Ako-Uhm, kaninang hapon pa. Ikaw?
Siya-Yup. Kumain kana ng dinner please.
Ako-Hindi. Ayos lang ako. Busog pa naman ako sa kinain kong cheeseburger eh.
Siya-Okay. Basta wag kang mag papagutom ah. Ayokong pumayat ka.
Ako-Grabe ka naman. Haha. Ang taba taba ko kaya. Di naman ako mamamayat agad.
Siya-Kahit na. Basta. Wag kang mag skiskip.
Ako-Oo na. Basta thank you sa concern ha.
Siya-Wala yun. Siyempre, kaibigan kita eh.
Ako-Oh. Alam mo ilang gabi na tayong magkatext. Wala ka ba talagang balak mag pakilala sa akin?
Siya-Bakit? Gusto mo na ba akong makilala?
Ako-Oo naman. Eh kailan ka ba mag papakilala?
Siya-Makikilala mo rin ako. But not now.
Ako-Okay. Kasi, wala kang name dito sa phone ko eh.