Yerdi's POV
Nandito ako ngayon sa bahay ni Elaine kasama si Jessi. At patapos na kaming kuhanan siya ng damit.
Panasamantala si Bricks muna ang nag babantay sa kanya sa ospital. Mabuti nga nandun si Bricks sa ospital e, at may mag babantay kay Elaine. Takot pa naman kaming dalawa ni bessy na mag bantay sa ospital sa mga gamitong sitwasyon.
Nasulyapan kong biglang nalungkot ang mukha ni Jessi habang nakatingin sa phone screen niya.
"Oh, bakit ganyan ang mukha mo? Sino yang katext mo?"sinara ko na yung bag na pinaglagyan ko ng mga damit ni Elaine.
"Bessy, nag text kasi si ate Zirri, na wag na daw tayong tumuloy sa ospital."malungkot na tugon niya.
"Ha? Bakit naman daw bessy?" nagtataka kong tanong sa kanya tsaka nakibasa sa phone niya ng text ni ate Zirri.
"Eh ang sobrang lakas daw kaya ng ulan, kidlat at kulog eh."ganun din ang pagkakabasa ko sa text ni ate Zirri. Hayy. Maaalalahanin talaga yun si ate Zirri. No choice tuloy kami.
*THUNDER+LIGHTNING*
"Oh ayan na pala sila thunder and lightning, speaking."sabay na sabi namin na dalawa tsaka umupo na sa kama ni Elaine.
"Pesteng panahon naman oh, kung kailan naman natapos nako mag impake ng gamit niya."inalis ko na ang mga pinaglalagay kong damit ni Elaine sa bag."Pero paano na yan, nag aantay si Bricks dun?"
"E di itext nalang natin. Understanding naman yung lalaking yun e. Sigurado akong maiintindihan niya naman."inilabas na ni Jessi ang phone niya para matawagan namin si Bricks. Wala nga pala kasi akong load.
Itetext ko na sana siya, ng bigla naman siyang tumawag.
*BRICKS ON THE PHONE*
Bricks-Hello? Nasaan na kayo?
Ako-Bricks sorry, bukas na kami makakabalik jan. Sobrang lakas ng ulan at malalim na tubig dito eh. Sorry talaga.
Bricks-Mabuti panga, ako na bahala dito. Nag paalam naman nako kay ma eh. Bukas nalang. Delikado na rin eh.
Ako-O'sige. Bantayan mo siya ha. Ikaw na bahala jan.
Bricks-Oo, ako na bahala sa kanya, di ko siya iiwan. Sige, bye. Ingat kayo.
*CALL ENDED*
"Oh bessy, anong na ang sabi ni Bricks?"tanong ni Jessi pagkababa ko ng tawag.
"Bukas nalang daw tayo pumunta dun kasi delikado na."sabi ko. Mabuti nalang talaga may pakikisama tong si Bricks sa kabila ng kawalangyaan nitong walang pakikisamang panahon na to."Nag paalam na rin naman daw siya sa mama niya kaya pansamantala muna siyang mag babantay dun."
"Mabuti naman kung ganun. Maaasahan talaga si Bricks noh."tumango tango pa si Jessi."Ang bait talaga ng lalaking yan, wala akong masabi sa kanya."
"Oo nga eh."pagsang-ayon ko sa sinabi niya tungkol kay Bricks."Mabuti pa nga siya may paki kay Elaine, samantalang si Johanne. La epek lang."
"Sinabi mo pa, grabe nakaka-awa talaga si Elaine."may malungkot nanaman na tono sa boses ni bessy.
Kunsabagay, ako rin naman, hindi ko maipagkakailang nakakalungkot naman din talaga para yun kay Elaine. Yung inlove siya kay Johanne na partner best friend niya sa sayaw pero inlove naman ito kay Yassi na best girlfriend ni Elaine? Masakit talaga yun kay Elaine kaya nga naaawa kaming dalawa ni Jessi sa kanya.
"Pero alam mo bessy, bilib din naman ako sa tapang ni Elaine kanina e."muling pag sasalita ni Jessi.
"Anong ibig mong sabihin?"tanong ko.
"Yung ginawa niyang pag tatapat kanina. Nagulat kaya ako nun, tsaka ang tapang niya para umamin ng ganun ah. Nakakabilib kaya yung ginawa niya."pag hanga niya pa.
"Nagulat kapa dun?"tumango siya. Sa totoo lang hindi naman na kabigla bigla na may gusto itong si Elaine kay Johanne. Naalala ko kasi nung dati, nag heart to heart girls talk kaming tatlo nitong si Elaine at Jessi kung may gusto ba siya kay Johanne, nung una, hindi siya makasagot at tinatawanan lang kami ni bessy. Nag hinala na ako nun pero unti unting nawala yung hinala ko kapag normal feeling yung pinapakita niyang pakikitungo kay Johanne.
"Bakit? Ikaw ba hindi?"umiling ako."Hindi na. Well, kanina, ang nakakagulat yung biglaan niyang pag amin on the spot."pag sasalita ko."Pero hindi na ako nagulat sa part knowing na may gusto si Elaine kay Johanne, kasi dati pinaghinalaan na natin siya diba?"napaisip siya at mukhang naalala niya na nga yung heart to heart girls talk namin na tatlo nung nandun kami sa set ng photoshoot ni Yassi.
*BUZZ*
From: Burn
Hi ma. Nakauwi na ako. Ingat ka ha. I love you ma.
Nireply ko naman siya agad. Luh, feel na feel ang pag tawag sakin ng ma. Kala niya naman mag asawa na kami. Huehue
"So kinareer mo talaga yung ma? Ingat ka rin jan. I love you too pa!" reply ko sa kanya
"Oy bessy, yung labi mo mapupunit na."paninira ni bessy sa kilig moment ko."Bawas bawasan naman natin bessy."pangangaral niya pa.
Napahagikgik tuloy ako."Etong si Burn kasi. Masyadong kinareer ang tawag sakin na ma."
"Asus. Kala mo naman mag asawa na."natawa pa siya."A bitterly bessy reminder, walang forever!!!! Hahahahaha."ayan nanaman si bessy, pinairal nanaman ang kaampalayahan. Sus. Wish ko lang talaga, magkalove life na tong babaeng to.
"Ma--malay mo diba? Balang araw."asang asa kong pananalita.
"Hay Bessy, hindi natin alam ang life. Malay mo bigla nalang--"
"Oops. Bessy, stop na."pamumutol ko sa nega niyang gustong sabihin."Ayoko marinig yun. Nega ka naman masyado! Bitter! NBSB kasi!"pang-aasar ko pa pero todo deny lang siya na hindi naman daw siya ganun. Talagang hindi pa siya ganun sa lagay na yun? To talagang si bessy di maintindihan minsan e."E kamusta ka naman bessy? Balita ko nagkakaigihan na kayo ni Cad ah? Di ka man lang nagkwekwento sakin. Nakakatampo kana."
"Wow, ako pa talaga nakakatampo? Eh ikaw nga tong nakakalimot na, palagi mo nalang kasama yung bf mo."nag crossed arms pa siya. Pati boyfriend ko pinagselosan. Sarap gawan ng love life netong isang to e.
"Sus naman bessy. Iba naman si Burn. Uy, ano ba kasi yung nangyari sa inyo ni Cad?"pang-iiba ko ng topic."Yung dun sa lab, yung wala kami! May nangyari daw eh!"
"Ha? Ano yun?"maang-maangan pa tong babaeng to.
"Yung nag disect daw kayo, basta may narinig akong nangyari daw sa inyo! Nakakakilig!"pagpapaalala ko sa kanya. Subukan niya lang talagang i-deny yan. Mababatukan ko talaga ng di oras to. Kalat na kalat kaya yung harutan nila ng kaporeber niyang si Cad sa campus kaya wag siyang mag mamaang-maangan jan.
Nag isip pa siya ng konti bago nag salita."Kasi, takot siya sa palaka, tas nung isusumbong ko na siya, bigla niya akong niyakap at sinubsob sa dibdib niya."pangkwekwento niya."Tapos tinadyakan ko siya para isumbong siya uli, tas binulungan niya ako pag tinuloy ko daw, hahalikan niya ako. Buti nga di natuloy eh. 1 inch nalang kaya, magkakadikit na."
"Omgeeeee bessy!!!! Grabe, nakakakilig!"i-deny niya naman pala o hindi, pareho lang pala ang mangyayari. Nahampas ko parin siya, ng dahil naman sa kilig."Bessy, nakikita ko na ang future niyo ni bebe Cad! Hahahahah. Yihee bessy!"
"Aray ko, kalma bessy."hinilot hilot niya pa ang bumbunan niya."Best boy friend ko lang yun. As in lalaking kaibigan."pag lilinaw niya.
"Aba, aba, lumevel up yata. Dati kaibigan lang, ngayon biglang best boy friend? Ano to, laro? May level? Kayo ah!"muli ko siya tinulak sa higaan pero wala naman epek. Jusko tong mataba kong bessy pero maganda naman, nakakaexcite ang love life. Hihihi.
__________________________________Vote.Comment.Share
@Dwaeji_princess