___________________________________
Omygesh ms. Author, andito nako sa school gym. Nakita ko na siya. Haha. Dalawa lang kami dito. Excited na ako mag training kasama siya.
"What took you so long?"nakakunot ang noo niyang nag tatanong at mukhang bad trip."Kanina pa'ko nag aantay dito ah. Tagal tagal mo." Walang hiya tong lalaking to, hindi man lang napansin yung napulot kong isang pirasong hair clip sa cr na nakasuot sakin ngayon? Pasalamat siya inayusan ko siya ah, siya lang ang lalaking inayusan ko ng wala sa oras sa buong buhay ko tas di man lang napansin?
"Pasensya na ha, natagalan kasi ako sa cr." sabi ko nalang with matching pa-hair flip.
"Oh, anong meron jan sa buhok mo?"tinaasan niya ako ng kilay, pakipot pa to, e napansin niya naman talaga yung napulot kong hair clip.
"Wala naman."inirapan ko siya.
"C'mon, let's start the training." aya niya kaya naman pumwesto na kaming dalawa sa court.
"Okay, first, I'll throw the ball to you."drinibble pa niya ang bola ng konti."Tamaan mo ha. I want to know how you control the ball. Kung gaano ka kalakas mag mag recieve. Okay?" tumango ako at pumunta sa kabilang side ng court
1st recieve- Jessi sabi ko tamaan mo yung bola.
2nd- Jessi ano ba! Sinabi ko bang iwasan mo?
3rd- I said hit the ball!!
4th- Stop avoiding the ball! Just focus!
5th- What the hell? I said look at the ball!
6th- Concetrate! Hindi ka ba makaintindi?
Sunod sunod na lecture niya sa sunod sunod kong pag recieve ng bola. Shemay mas stricto pala to kay sir Chris. Dinaig si sir eh.
7th-Ang tanga tanga mo talaga!
At sa 7th recieve na yun, umupo na ako sa bleacher. Tahimik akong nakayuko dun. Pumunta na siya dito sa court side ko. Grabe naman siya, sinabihan pa akong tanga. Nakakaiyak naman. Kailangan niya ba talaga akong sabihan ng ganun dahil lang hindi ko matamaan ng maayos yung bola?
"Ano bang ginagawa mo? Diba sinabi ko itira mo yung bola? Nakakaintindi ka ba o nag tatanga-tangahan ka?"mas lalo akong naging emosyonal nang isupalpal niya sa mukha kong ang tanga tanga ko. Ang sakit niya pa lang mag salita. Hindi ko alam kung bakit ang init init ng ulo niya ngayon at kailangan niya pang ibunton ang galit niya sa akin.
"Hey, are you crying?"he tried to to chin me up but I didn't let him.
"Ang sakit mo naman mag salita. Kung di mo na ako kayang turuan, sumuko ka nalang hindi yung sasabihan mo ako ng tanga.garalgal na ang boses ko at naramdaman ko ng pumapatak ang luha ko.
"I'm sorry okay?"yumuko siya at hinawakan ako sa magkabilaang pisngi ko."Sorry na. Mainit lang talaga yung ulo ko eh. Ipasensya mo nako, may problema lang kasi ako."
"May problema ka pala, hindi mo sabihin sakin. Anong silbi kong best girl friend mo?"nag iwas ako ng tingin."Ewan ko sayo."
"Okay sige na. Im sorry kung nasigawan kita nasabihan kita ng tanga. Hindi ko sinasadya yun Jessi."napayuko siya.
Hindi ko siya sinagot. Nanatili kaming ganun ng ilang minuto. Hinintay ko siyang mag salita at sabihin sa akin ang problema niya pero hindi niya yun ginawa.
"Wala ka bang balak sabihin yang problema mo?"hindi siya sumagot kaya tumayo na ako sa bleacher. Aalis na sana ako nang hawakan niya ako ng mahigpit sa dalawang braso ko."Ano ba! Bakit ba hindi mo masabi? Ano ba talagang problema mo?"
Tumingin siya ng seryoso sa akin."Paano ko sasabihin sayo problema ko kung ikaw mismo ang problema ko."
"Sa akin?"tinuro ko pa ang sarili ko. Wala akong alam na kasalanan na ginawa ko sa kanya."Ano bang problema mo sa akin?"
"Namromroblema ako kung pano ko liligawan yung babaeng sa tingin ko mahal ko na."hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Nabibingi ba ako?
"Hindi kita maintindiha--"
"Oo. Inlove na ako sayo Jessi. Gusto na kita and I have no idea how it started. It just happened." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya, gusto niya daw ako? Mas lalo akong hindi makapaniwala. Natutulala nalang ako."Ayun ang problema ko. Now, happy? Alam mo na."tumalikod siya sa akin.
"Pwede ba, wag ka na munang mag biro ng ganyan?"nag pakawala ako ng isang bungisngis."Hahaha. Patawa ka Cad."
Tinignan niya ako ng masama."Jessi, do you think I'm joking? Im saying the truth. Gusto kita, gustong gusto."lumapit siya sa akin at hinawi niya ang buhok ko."Mahal na yata kita Jessi."
Napahakbang ako patalikod."Alam mo ba kung ano yang sinasabi mo?"
"Ofcourse Jessi. I really do. I like you so much. I can't keep you off my mind."tinuro niya pa ang sentido niya na para bang gusto niyang pabuksan sa akin yun at i-pacheck sa akin na ako palagi ang laman nun.
"Gusto kong lagi ikaw ang kasama ko at ako ay nagiging masaya ng sobra sayo. Naiinis ako and to be honest selos na selos na ako jan sa secret admirer mo."lumalakas ang tibik ng puso ko sa sinasabi niya. Grabe? Totoo ba tong mga naririnig ko ngayon? Si Cad talaga na naging crush ko lang kahapon, mahal na daw ako? Ayun nga ba ang tunay ba dahilan kung bakit ang wierd ng mga kilos niya sa akin lately? Imposible. Imposibleng may magkagusto sa akin. Ang hirap paniwalaan ng sinasabi niya.
"Jessi, mag salita ka naman."busisi niya."Nag mumukha na akong tanga dito oh. Nag mumukha na akong tanga sa hiya sayo. Hiyang hiya ako to admit na na-inlove ako sa best girl friend ko."
Niyugyog niya pa ako."Pe--pero Cad, ba--bakit ako? Ba--kit sakin pa? Marami namang iba jan? Bakit ako pa yu--"
"Jessi, please. Wag kanang mag tanong kung pano ako nainlove sayo, kasi di ko alam isagot."napapikit pa siya at napabuntong hinunga."Kahit ano pang question yan, bakit ikaw mataba, bakit palagi kang nadadapa, bakit mahal kita, seriously, I really don't know why. So pwede ba Jessi, wag ka nang mag tanong sa akin kung paano nangyari ang lahat ng ito, because I have no idea. I really don't know how to answer you."nag dikit ang noo naming dalawa."All I know is, I love you and I like you the way you are and I am willing to lift you up whenever you fall."
Hindi ako makasagot sa mga pinagsasabi niya. Isa pa, hindi ko alam kung ano bang sasabihin ko. Grabe, hindi nako makapagsalita, kinakabahan ako.
"A--ako talaga? Ang dami naman ibang babaeng sexy--"
"I dont care Jessi."mariin na pamumutol niya."Yes, you're right. There are millions of sexy girls out there, but you have the most perfect curves among them all. I dont care about their sexy bodies. Your curves are perfect to me. You're the perfect girl for me."
Palakas ng palakas ang tibok ng puso ko sa mga binibitawan niyang salita. Ganito ba talaga kabilis ang swerte ko? O pinaglalaruan lang kami ng tadhana? Parang kahapon lang ako nakaramdam ng kakaiba sa kanya tapos ngayon pinagtatapat niya na sa akin na mahal na daw niya ako.
"Ehhh---uhm. Anong balak mo ngayon?"ayan nalang ang naisambit ko. Pinagpapawisan ako sa kinatatayuan ko. Feeling ko nag wowork-out ako ngayon at si Cad ang gym equipment ko.
Huminga siya ng malalim."Gusto kitang ligawan Jessi. Pwede ba?"
"Ha? Agad agad?"napaawang nalang ang bibig ko.
"I know, but can you blame me? Ayoko lang na maunahan ako ng secret admirer mo, natatakot ako pag sumusulat siya sayo, na aagawin ka niya sa akin."narinig ko ang pagka-threatened sa boses niya."Jessi, please give me a chance. I PROMISE. I WILL NEVER HURT YOU. PLEASE TRUST ME."
Shet. Ano na ba ang dapat kong isagot sa kanya? Readers, di parin ako makapaniwala sa mga pinagtapat niya sa akin ngayon. Parang ang bilis ng mga pangyayari. Pakikurot naman yung bilbil ko, panaginip lang ba to?
____________________________________
VOTE.COMMENT.SHARE
@Dwaeji_princess