Yerdi's POV
Ewan ko talaga dito kay Burn kung ano nanaman gagawin nitong kabaliwan. Bigla bigla nalang akong hinatak at inalayo kay bessy eh. Baka naman mag propropose na to ng kasal sa akin? Di kaya? Ano sa tingin niyo? Hahaha.
"Burn, ano ba, san mo ba ako dadalhin kanina pa tayo palakad lakad?"tanong ko sa kanya habang pinapadyak yung paa ko dinadaanan namin.Ang sakit na kaya ng paa ko. Kanina, tumatakbobkami dahil umuulan, ngayon naman, lumalakad kami ng paramg shungang magkasintahan.
"Wala, mag lalakad lakad lang."bored na sabi niya pero nakangiti.
"Mag lalakad?"gulantang kong sagot sa kanya."Burn okay ka lang ba? Ang sama nga ng panahon oh."
"Okay na okay."madalihan niyang tugon."Syempre, kasama ko yung mahal ko eh. Yiiee."
Napailing nalang ako sa kacornihan na inasal ng boypren ko. Hindi bagay sa kanya mag pick up line dahil ang sosyal niya eh, mga jejemon people lang yung naririnig kong mag pick up lines. Pero sige nanga, medyo kinilig naman ako eh
"Banat ka ng banat hindi mo naman bagay."supalpal ko sa kanya. Napakunot ang noo niya sa sinabi ko."Kasi ang sosyal sosyal mo."
"Psh. Ako? Sosyal?"parang hindi pa siya makapaniwala sa yaman niya."Hindi kaya."
"Di kaya bagay sayo."pagsasabi ko ng totoo."Masyado kang gwapo para bumanat. Yiee. Haha."
Tawa lang siya ng tawa, hindi na siya tumigil parang baliw. Kinikilig yata to?
"Oh, bat ayaw mo nang tumigil sa kakatawa?"natatawang tanong ko
"Kinikilig ka noh?"patay malisya kong tanong sa akanya."Yieee. Gwapo mo. Hihi. "Pinisil ko mukha niya. Ang gwapo eh, nakakagigil.
"Aray ko naman."napahawak siya sa mukha niyang namula tapos tinignan ako ng masama."Tignan mo oh, namumula tuloy."
"Patingin nga?"inangat ko ng konti ang mukha niya tsaka ito sinuri
Tinabig niya yung kamay ko."Ang sakit oh. Wag mo nangang hawakan."
"Asus, nag tatampo naman tong boyfriend ko."napailing nalang siya."Oh eh anong gagawin ko?"
Nag nguso siya ng parang bata.
"Kiss agad? Grabe ka naman. Bata pa natin noh."sabi ko
" Okay. I respect you."naka-frown na siya ngayon.
"Sorry na ha?"tumango siya pero malungkot parin at nakahawak parin sa mukha niya."I love you Burn?"
Inantay ko ang sagot niya habang nag iisip siya."Okay."
Tinalikuran ko nga siya, masyado naman to."Oh, ikaw naman ang nag tampo. I love you to Yerdi ko."kinilig naman ako kaya humarap na ako sa gwapong mukha niya.
"So ano nga ba talagang gagawin natin dito?"pag iiba ko ng topic dahil namumula nanaman ang aking fezz."Bakit bigla bigla nalang natin tinakbuhan si Jessi?"
Napaisip muna siya ng konti bago ako sinagot."Uhm, ano kasi eh. Trinatry ko silang i-build up? Lam mo na, sila lang pareho yung walang lovelife sa barkada diba?"
Bigla akong napaisip. Oo nga noh. Lahat kami may kapares parang datu puti pares.
Dahil mas masarap talaga, kapag pares! Sing a long! K. Korneh
"Oo nga noh!"bigla akong napatili ng bonggang bongga."Waaa!!! Excited na akong magka-lovelife si bessy!!"sigaw ko sa tuwa.
"Pero dapat, sekreto lang muna ha, para magka-chemistry yung dalawa."pagpapaalala niya tsaka ako tumango.
Elaine's POV
Hanggang ngayon, sa pag higa ko, yung yakapan parin ni Yassi at Johanne ang naaalala ko. Kahit na anong gawin ko, naaalala ko parin yung nakita ko kaninang hindi ko inasahan.
Siguro nga, totoo yung sinabi nila Yerdi, na switiching of partners na. Dahil si Johanne at Yassi talaga ang para sa isa't isa. Pero paano naman ako? Si Johanne lang ang gusto ko. Mabuti pa si Johanne, masayang masaya siguro siya dahil ang inaasar sa kanya ngayon yung matagal na niyang gusto, nararamdaman niya siguro ngayon yung nararamdaman ko dati nung kami pa ang tinutukso ng barkada.
Napabuntong hininga nalang ako sa mga naiisip ko. Ako lang naman ang nasasaktan dito eh. At hindi naman alam yun ni Johanne maski si Yassi. Tanging si Bricks lang naman ang nakadiskubre sa sekreto kong pagtingin kay Johanne at siya lang rin ang nakasaksi sa katangahan na ginawa ko kanina sa gitna ng kalsada.
"Oh bunso, ang lalim nun ah."lumapit sakin si kuya Pete at tumabi tsaka siya tumabi sa sofa na inuupuan ko."May problema ba bunso?"tumaas ang balahibo ko ng marinig kong nag seryoso ang boses niya. Malamang nag sumbong na yung dalawa kong magaling at asungot na kuya. Walangya talaga yung mga yun, kahit kailan walang silbi sa kwentong to. Kainis. Broken hearted nanga ako eh.
Inayos ko muna ang sarili ko bago mag salita."Ah, kuya, nakarating kana pala."sabi ko sa kanya habang pilit kong tinatago mukha ko."Hindi, wala naman akong problema."
"Oh, bakit mo tinatago yang mukha mo? Patingin nga."Pilit niya akong ipinapaharap sa kanya."Teka, namamaga mata mo ah, umiyak ka noh."
"Hindi po ako umiyak."pagsisinungaling ko kahit nahawakan niya na ang konting luha ko sa gilid ng mata ko na hindi pa natuyo."Eh ano to? Laway? Na nangagaling sa mata mo?"patay malisya niyang tanong
Di na ko makasagot at naluha nanaman ako. Ano ba naman tong luha na to, bigla nalang bumagsak. So nakita na tuloy ni kuya Pete.
"Oo nga, bongga ka Elaine ah. Hahaha."pang eepal ni kuya Aj
"Oy Elaine baka nag aadik kana ah?"nag tawanan silang dalawa."Hinihilimos mo na yang laway mo sa mata mo."mas lalo pa silang nag tawanan kaya tinignan silang dalawa ni kuya Pete ng masama na nag sasabing, umalis kayo dito mga ulul, ganon. Kaya natakot sila at umalis na.
"Bunso, gusto mo bang pag usapan natin yan?"umiling ako agad kahit na patuloy parin akong umiiyak ng parang batang musmos."Sige, bukas nalang natin yan pag usapan, matulog kana ng maaga."hinatid na ako ni kuya Pete sa kwarto ko tsaka na niya ako iniwan dito. Buti nalang talaga, understanding tong si kuya Pete at malayong malayo sa dalawa kong abnormal na kuya.
*BUZZ*
New text message
From: BricksHi Elaine. I hope you're okay now.
Napangiti ako ng mabasa ko ang text sa akin ni Bricks. Buti pa siya, may malasakit sa nararamdaman ko. Tama nga siya, observant nga talaga siyang tao at malabong hindi niya malaman ang mga nakatagong sekreto ng isang tao. Alam niya rin kaya na matagal ng may gusto si Johanne kay Yassi?
Hay. Ayoko na munang mag isip ngayon. Naiiyak lang kasi ako at naaalala ko nanaman si Yassi at Johanne na magkayakap sa isa't isa kanina. Hindi ko naman kasi mapigilan eh.
_____________________________________
Thanks for reading
@Dwaeji_princess