~
Ang hirap pala patahanin to. Parang tanga umiyak. Tahimik lang pero todo ang hikbi, parang bata. Ilang balde na yata ng sipon ang nailabas neto e.
Pag ito, hindi pa tumigil, Kukuhanan ko na talaga to ng isang truck ng tissue. Wag siyang ano jan, hindi ako nag bibiro. Crush kaya ako nung truck driver ng Joy brand tissue. Niregaluhan nga ako nun ng dalawang truck ng tissue nung birthday ko e. Guess what? 2-ply pa mga bolshet kayo. Ikinasexy ko na kaya yon noh.
"Tahan na."sabi ko sa kanya at tsaka niya ini-angat ang ulo niya tsaka umupo na ng maayos, halatang nahihiya siya sa paghahagulgol niya at pag oopen-up niya sa akin.
"Sorry talaga Jessi. Nakakahiya tuloy sayo, nag-open up pa ako ng wala sa oras."binigay ko yung panyo ko sa kanya para may ipangpunas naman siya. Napapansin ko kasi singa siya ng singa sa sleeves ng uniform ko e. Namimihasa na to ah, pero deadma nalang muna, kasi nag dradrama yung lolo niyo ngayon e.
"Ano ka ba, hindi naman kailangan may timing yun."sabi ko."Tsaka, normal lang yan."napakunot lang ang noo niya."Syempre, Responsibilidad ko yan bilang kaibigan mo. At, handa naman akong makinig sayo at damayan ka kahit kailan mo pa gusto."
"Ta--talaga Jessi?"parang hindi pa talaga siya makapaniwala sa simpleng bagay na sinabi kong yun kaya tumango ako."So, can we be more than friends?"bigla akong kinilabutan sa sumunod niyang tanong.Hala, manliligaw ba to? Omgee grabe ang sexy ko naman? Manliligaw daw siya jeskelerd."Ha--ha? More than friends? As in mag syota?"
"No."tugon niya. Shete. Kala ko naman gusto niya na ako maging girlfriend, hahahaha. Masakit mag assume. Hurt hurt ako litsi."I want you to be my bestfriend Jessi. Okay lang ba?"
"Ako? Gusto mo'kong maging bestfriend?"pang-uulit ko. Ano naman kaya ang naisipan nito, e mag tropa rin lang naman kaming dalawa."Eh parang wala rin lang mag babago eh. Dahil pare-pareho naman tayong tropa tropa chill sa barkada eh."
"Tropa tropa chill?"kumunot ang noo niya. I bet hindi niya alam yon. Hindi siguro siya fan ng JulQuen. Lels."What do you mean by that?"
"Tropa tropa chill. Pantay lang naman tayo kaya parang ganun lang rin."pahayag ko. Sabi ko nanga ba e. Hindi niya talaga alam yon dahil hindi siya kabilang sa JulQuen cupcakes gaya ko.
"No. Gusto kong ikaw yung maging pinaka-close ko."tumango nalang ako. Wala naman masama dun diba, isa pa, wala rin akong lalaking kaibigan kaya napag isip isip kong pumayag nalang sa gusto niya."Really? So, can you be my best girl friend?"
"Best girl friend?"pang-uulit ko nanaman, natawa pa kasi ako sa term niya."Oo naman, sure."pag payag ko agad.
"Thank you so much Jessi."pasasalamat niya at nagulat ako ng bigla niya akong niyakap ng sobrang higpit. Hinug back ko nanga lang siya para walang masabi baka mamaya mag away nanaman kami dito. Grabe ipit na yung boobs ko ah. Nananantsing ba to? Aba, wag niyang sinasamantala ang aking boobs, kung hindi, aawayin ko talaga siya."Cad, wait, wait lang. Yung boo-- ay, masikip."
"Oh, I'm sorry."napabitaw na siya sa pag yakap sa akin."Jessi, can I be your best boy friend?"
"Best boy friend? Oo nanga lang."sabi ko nalang. Ano ba kasi tong mga term niya, naloloka tuloy aketch. Ahy wait! Parang nagkaroon na ako ng idea tungkol sa yumaong girlfriend niya."Your situation gave me an idea!"
"What?"gulantang tanong niya
"Yung second song natin, about sa pag momove on nalang! Oh diba astig? Tapo--"tinaas taas ko pa ang dalawang kilay ko dahil tuwang tuwa akong isinusuggest ang naisip kong idea for the second song.
"No."mariin niyang pamumutol. Binigyan ko nalang siya ng isang nag tatakang mukha."Bakit naman?"
"Ayoko."naging seryoso nanaman ang mukha niya ngayon.
"Ano ba yan, pero nung sakin, pumayag naman ako dun sa idea mo galing sa sitwasyon ko, pero ikaw."kunyare patampo tampo na yung boses ko, bwisit siya. Ang unfair niya. Aawayin ko siya. Ako nanga lang ang nag isip ng idea e, choosy pa siya. Kajirits lang mga prens.
"Basta. Ayoko. Ikaw yun. Hindi ako."may pag susungit nanaman sa tono ng boses niya."Ayoko Jessi."
"Grabe ka naman!"bulyaw ko sa kanya. Nakakainis lang, dahil ako nanga lang nag suggest at hindi siya, tapos parang nagagalit pa siya e gusto ko lang naman na magkaroon kaming ng magandang second love song para sa music na yon."Hindi naman natin isasakto eh. Iibahin natin yung lyrics. Hindi isasakto na di ka maka-move on sa gf mong na--namatay."
"Jessi, I said I don't like the idea."napaiwas na siya sa akin ng tingin ngayon at mukhang nairita na. Seryoso na ba tong mokong na'to.
"Oh? Nagagalit kana?"usisa ko.
"Hindi."matipid niyang sagot.
"Ikaw pa tong may ganang magalit, akala ko ba best girl friend mo ako. Hindi mo man lang ako mapagbigyan. Sobrang daya mo."kunyare dumabog dabog effect ako at napabalikwas ng balikwas ng upo. Kunyare iniiwasan ko siya, sana lang gumana tong acting ko. Acting ko, premyo ko. Pasok na ako sa showtime mga ulul.
"Jessi, it's not like that."paglilinaw niya."It's just that, I don't wanna remember any part of it."napabuntong hininga siya. mukhang mag dradrama nanaman yata to."Jessi ayoko nalang maalala. Kasi nasasaktan lang ako."
"Bakit? Sa tingin mo ba, hahayaan kitang masaktan lang ng ganun?"busisi ko."Ikaw panga ng sabi, ano pang silbi, naging mag best girl friend and boy friend tayo kung hahayaan natin ang isang may masaktan."
"Okay, I'm sorry Jessi. Sorry na."hinawakan niya na yung balikat ko at ihinarap ako sa kanya."Wag kana mag tampo. Let's make the second song."napilitan rin lang siya."But, iibahin yung situation."
"Oo naman."agad kong tugon."Best boy friend kita, hindi ko hahayaang masaktan ka lang ng isang kanta."
Napangiti na uli siya sa sinabi ko. Tss. If I know, kinilig siguro to. Lol."Talaga? Jessi, can you promise me one thing?"
"Ano naman yun?"tanong ko.
"Pwede bang wag mo akong iiwan?"nag taka lang ako sa sinabi niya. Makapagsalita naman to ang OA, parang mawawala na ako."Ha? Hindi pa naman ako mamatay ah."natawa pa ako ng konti.
"Hey, wag kangang mag salita ng ganyan. It's not funny."nilakihan pa niya ako ng mata. OA talaga nitong best boyfriend ko ever.
"Eh ano ba kasi? Anong hindi kita iiwan?"
"Pagod na kasi akong maiwan eh. So, can you promise me that you'll never leave my side?"itinaas niya pa ng konti yung pinky finger niya.
"Promise. Promise ko yan Cad."
*PINKY PROMISE*
_________________________________Thanks for reading.
@Dwaeji_princess