Chapter 38

483 16 4
                                    

Yerdi's POV

Matapos kaming kumain na dalawa ni Burn sa mcdo, pumunta na agad kami ng parking lot.

Nawalan na rin lang ako ng gana sa nakita ko kanina kaya mas minabuti ko ng mag pahatid na kay Burn. Tutal eh nag aantay na rin naman si Mang Arthur dito sa parking lot.

"Yerds?" tawag sa akin ni Burn. Tunmingin lang ako sa kanya. Napansin niya yatang natahimik na ako simula nung umalis kami ng mall. Alam ko naman na napansin niya na ang pag iba ng mood ko simula nung makita namin si papa.

Papa ko yung nakita namin ni Burn kanina. Yung kaninang sumalubong sa amin palabas ng mcdo. Matagal na akong iniwan ni papa dahil nagkaroon na siya ng ibang pamilya bago pa maaksidente si mama. Kaya galit na galit ako sa kanya, hanggang ngayon hindi ko parin siya napapatawad. Nag papadala nalang siya ng sustento para sa akin na karapatan ko bilang anak niya naman ako.

"Okay ka lang ba?" Sabi ko nanga ba, mag tatanong nanaman to eh. Paniguradong curious to.

"Oo naman. Siyempre kasama kita eh." mahinhin kong pagsisinungaling sa kanya at tsaka nalang ako nag fake smile pero hindi parin siya kumbinsado.

"Hindi, seryoso? Bakit nga? Ano, may problema ba?"sunod sunod na tanong niya pero umiling lang ako."Eh ba't, ang tahimik mo kasi simula nung--"

"Burn, please."mariin kong pamumutol."Tsaka ko nalang sasabihin sayo. Ihatid mo nalang ako sa dorm. Pagod na ako."

"Okay. Sige, kung yan ang gusto mo." pahiyang sabi niya nalang sakin

Tahimik lang kaming dalawang nag biyahe sa sasakyan. Hindi ko siya tinitignan pero alam kong nag aalala siya. Alam ko yun dahil nahuhuli ko ang nag aalala niyang pag sulyap sa akin.

"Yerds, sorry ha."nag lakad na kami papunta sa dorm namin ni Jessi."Hindi ko sinasadya."

"Okay lang. Wala ka naman kasalanan eh."pagsusumaamo ko. Nakita kong naguilty siya sa pag pilit niya sa akin kanina kaya naawa ako sa mukha niya."Sorry rin dahil nasungitan pa kita kanina, eh hindi pa ako handang sabihin sayo eh."paliwanag ko

"Wala yun. Sabihin mo nalang sakin pag ready kana."ngumiti nalang ako sa kanya tsaka hinawakan ko ang kamay niya."I love you Burn."

"I love you too, bati na tayo?"tumango ako ng mabilis tsaka sumandal sa kanya habang nag lalakad.

Ng makarating kami sa tapat ng dorm namin ni Jessi, kumakatok kami pero walang sumasagot. Nakailang katok na kami pero wala parin eh. So binuksan nalang namin yung pinto.

Pagkabukas namin,

Omg, magka-eye contact sila! Syete. May ka-sparks na'tong si bessy.

"Ehemm ehemm."paninira namin dalawa ni Burn sa titigan moment nila. Napatayo sila sa kama at tsaka napatingin sa amin.

"Ahy. Nanjan na pala kayo."patay malisyang sambit ni bessy. Asus. Biglang nailang. Hahaha.

"Oh, ano tapos na ba kayo?"pag singit ni Burn."Oh baka naman gusto niyo pang i-extend ang paggawa ng kanta?"natatawang suhestyon pa niya.

"Hindi na."agad na tugon ni Jessi."Mag gagabi na rin kasi eh."

Si Cad naman ay tulala lang don at walang salitang nilalabas sa bibig niya.

"Hello? Kanina pa kaya gabi."pagapparealize ko sa kanya. Eh totoo naman kasi, busy kasi sila sa titigan nila masyado eh."Palibhasa di na namalayan dahil nag enjoy kayo."

Nilakihan ako ng mata ni bessy kaya nanahimik na ako. Mahirap na. Baka maging sumo restler ito mamaya.

Elaine's POV

Matapos akong i-comfort ni Bricks sa bahay nila, hindi na ako nag tangkang mag pahatid pa sa kanya. Pinipilit niya nga ako pero hiyang hiya na talaga ako kaya pinasakay niya nalang ako since todo tanggi ako sa kanya.

Mabuti nga, pinuntahan ko siya sa bahay niya kahit na alam kong nakakahiya yun pero pag hindi ko pa ginawa yun kanina, ay malamang sumasabog na ako ngayon sa sobrang sama ng loob na kinikimkim ko.

Kaya ang ginawa ko ngayon, sumasayaw na muna ako ng malibang naman ang isip ko.

Usually, sabay naming ginagawa dati to ni Johanne, sa tuwing magagalit kami, pag pasaway yung mga kinochoreo namin.

Diyos ko Elaine! Johanne nanaman! Ano ba kasi ang meron ang lalaking yun at hindi mo siya makalimutan?

May kumatok sa pintuan ko pero bigla din naman binuksan. Ano to? Kumatok pa sa pintuan, bubuksan din pala agad? Wala din lang kwenta ang pag katok eh.

Nako sigurado si kuya Gadian o kuya Aj to sigurado ako.

"Hi bunsoooo!!!!!!"sigaw ni kuya Gadian at tsaka niya binagsak ang katawan niya sa kama ko. Sabi na eh, si kuya Gadian or kuya Aj to eh, halatang walang modo kumatok di gaya ni kuya Pete.

"Oh, ano nanamang ginagawa mo dito sa kwarto ko kuya Gadian?"mataray na bungad ko sa kanya. Nakatalikod lang ako sa kanya habang nakaharap sa speaker kasi nga nag papatutog ako at tsaka paniguradong papansinin nanaman niya yung mata ko. At Sigurado pang aasar lang ang ipinunta neto dito.

"Sunget naman neto." nilagay ang dalawang palad niya sa ulo niya."Oh di papanuorin kang sumayaw! Ano pa nga ba?"

"Oh di aasarin ako!"singhal ko."Yun lang naman ginagawa mo pag pumupunta ka dito sa kwarto ko."

"Bakit ba ang sunget mo?"napabangon na siya sa kama ko."Inaano ba kita?"

"Bwinibwiset."inirapan ko nga kahit nakatalikod pa ako. For sure damang dama nuya ang irap ko noh.

"Nyenyenye, bwinibwiset."panggagaya niya."Sige na, sumayaw kana nga lang."pamimilit niya pa pero pinatay ko na ang pinapatugtog kong kanta."Nawalan na ako ng gana."

"Oh tignan mo'to? Buti nga pinapanuod kapa eh."panunumbat niya pa. As if naman diba.Neknek niya. Buti nga sinusuportahan kapa ng kuya mong gwapings."

"Una sa lahat, hindi ko kailangan ng suporta mo, dahil si kuya Pete lang naman ang nag aalaga sakin."ang bastos na ng tono ko pero wala talaga akong gana makipagasaran sa kanya. Pero alam ko naman na hindi masasaktan to dahil di naman siya sensitive eh.

"Ang sakit mo naman mag salita."bigla siyang nag seryoso pero tumawa rin lang."Ikaw pa ba yung kapatid ko? Oh naging si Johanne kana?"

"Ano ba kuya Gadian, umalis kana nga!"sigaw ko sa kanya tsaka hinampas hampas siya.

"Oo na. Aalis na. Palibhasa, na-friendzone ka lang ni Johanne mo."panunupalpal pa niya kaya tinulak tulak ko siya palabas ng kwarto ko at nilock ko na yung pintuan ko. Bad trip talaga yung ugok na yun.
________________________________

Thanks for reading!

@Dwaeji_princess

My MotivationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon