Chapter 82

334 9 0
                                    

Jessi's POV

Antok na antok pa ako nang mag tangka si ate Zirri na pag tripan ang precious kong bilbil para lang magising ako.

Ang aga aga kaming ginising ni ate Zirri ngayon na talagang pinagalaw niya lahat ng taba sa katawan ko para magising lang ang dugo ko. Takang taka tuloy ako kaya napilitan nalang ako na bumangon sa higaan ko at tanungin siya.

Inaantok pa ako at namamaga pa mata ko sa kakaiyak ko kagabi. Syempre, kinimkim ko na naman to dahil wala naman na akong napaglalabasan ng sama ko ng loob ngayon. Yung bessy ko, busy sa pagiging star varsity player niya. Pero yung best boy friend ko naman na palagi kong kasama lately, siya pa ang dahilan kung bakit ako umiiyak so paano ako mag o-open sa kanya kung siya mismo ang nakasakit sa akin unintentionally?

Napabuntong hininga nalang ako tsaka ko tinignan ang alarm clock.

"6:00 pa lang ate. Ang aga aga pa, bakit mo na kami ginising?"inalis ko pa ang muta ko.

"Hala. 6:40 na? Aga ka jan? May training pala kami sabi ni sir Chris ng 7, sige ah. Maliligo muna ako!"bumangon agad si Yerdi sa kama niya at dali daling kinuha ang towel niyang nakasabit sa likod ng pintuan.

Psh. Training na naman. Kung sa bagay, buhay varsity nga naman. Kahit kailan wala ng nasa utak ng babaeng to kung hindi training. Dati naman ang 6:40 maaga pa sa aming dalawa. Habang tumatagal talaga hindi na nag tutugma ang paningin namin sa bagay bagay.

"Mauti panga. Bumangon na kayo diyan para masabi ko na sa inyo. Halina kayo, kumain na rin kayo dito."aya ni ate kaya naman umupo na ako sa harap ng hapag-kainan.

"Hindi na pala ako kakain ate Zirri. Malelate nako eh."pagtanggi ni Yerdi. Dali dali itong tumakbo papunta ng banyo.

Napailing-iling nalang ako sa inaasal ng best friend ko. Nakakainis isipin na nag babago siya ng lubusan sa hindi ko maintindihan na kinalalabasan.

Ibinaling ko nalang ang tingin ko kay ate Zirri na ngayon ay nakaupo na sa harapan ko."Ano nga pala yung sasabihin mo ate Zirri?"

"Wag ka na munang pumasok ngayong araw dahil mag iimpake na tayo."seryosong sabi niya.

Kumunot ang noo ko habang ipinapalaman ang itlog na niluto niya sa pandesal."Bakit naman tayo mag iimpake ate? Saan tayo pupunta?"

"Aalis na tayo dito sa dorm at lilipat na tayo sa bago natin na titirahan."nanlaki ang dalawang mata ko sa narinig kong sinabi niya na tila mailuluwa ko na ang pandesal na sinubo ko.

"Ano? Bakit? At tsaka ate di ako pwede umabsent ngayon ate. May minor test kami sa chemistry."nag aalalang sabi ko. Saan naman kaya kami titira ni ate Zirri? Naguguluhan ako. Bakit naman biglaan itong mga nangyayari?

"Anong oras ba kasi yang test niyo?"tanong niya.

"Basta after recess yata."panghuhula ko. Hindi rin kasi ako sigurado. Tamad na rin akong i-check ang schedule namin.

"Sakto naman pala eh. Oh di sa recess ka nalang pumasok."sabi niya."Eh kasi du'n na daw tayo titira sa bahay nung may ari nung nag bigay na nung restaurant kay tita, diba sinabi ko na sayo yun."

Unti unti kong naalala ang minsan naming napagkwentuhan ni ate Zirri. Nung nakaraang gabi pa yata yun.

Yun kasi yung minsang knocked down yata si bessy galing training at wala akong maka-chikahan kaya inantay ko nalang ang pagdating ni ate Zirri at nabanggit niya sa akin ang bagay na yun. Pero hindi ko naman akalain na bigla-biglaan naman pala at ganito kabilis.

"Pero bakit naman ate parang bigla-biglaan naman?"pagtataka ko.

Nagkibit-balikatblang siya."Ewan ko nga rin, basta ayon lang ang sabi sa akin ni tita."

"Pero kung gano'n, ang swerte naman natin. Binigay na nga yung pwesto ng restaurant nila, pati bahay pa?"

"Ayun nanga eh. Eh mangingibang bansa na nga kasi. Wala naman na silang kamag-anak na mapag-iiwanan dito."sabay kagat sa pandesal sandwich niya."Nabigla nga rin ako kagabi nung tumawag si tita eh."

"Kagabi?"pag-uulit ko."Eh ba't hindi ko alam yan?"oo nga pala. Tsaka ko lang naalala, todo emote pala ako kahapon pagdating ko. Nagising nalang ako kaninang madaling araw kakaiyak.

"Eh ikaw nga jan eh. Nakapagtataka, ang aga mong natulog kagabi."sabi niya.

Ibabalik niya na sana ang tingin niya sa kinakain niya nang masulyapan niya ang mga mata kong namumugto.

Patay malisya tuloy akong napayuko."Teka teka, namamaga yang mata mo ah? Sino nag paiyak sayo?"

"Ah, eto? Hindi ah."pag dedeny ko. Kung bakit ba naman kasi tinanong ko pa kung bakit hindi ko naabutan yung tawag ni tita kagabi. Nakalimutan ko kasing emotera pala ako kagabii kaya nakatulog ako ng wala sa oras.

"Nakagat lang siguro ng lamok yan."gasgas na pagappalusot ko pa.

"Nakagat ng lamok? Utot mo. Ikwento mo sa'kin yan mamaya ah."uminom na siya ng tubig at nag simulabng ligpitin ang mga pinagkainan namin.

"Ihh, wala to!"todo deny pa talaga ako.Naka-huling kagat pa ako sa pandesal hanggang sa tumayo na rin ako atbsinaluhan siyang mag ligpit.

"Wag kanga, palusot."singhal niya."Sige na, mag impake ka na nga."

Nag impake na kami ng mga gamit namin at sakto naman lumabas na ang nag mamadaling si Yerdi mula sa banyo. Pumasok naman dito si ate Zirri dahil nakaramdam ito ng sakit ng tiyan.

"Oh, ba't kayo nag iimpake? Saan lakad?"tanong niya habang nag pupunas ng buhok.

"Mamayang recess na pala ako papasok,Bessy, aalis na kami dito sa dorm."sabi ko sa kanya. As if naman may care pa siya eh okay nga lang na hindi na kami masyadong nag uusap ngayon eh.

"Ha? Ano bang sinasabi mo? Bakit kayo aalis dito sa dorm?"pagtataka niya nang nakakunit pa ang noo niya.

"Kasi may lilipatan na kami ng bahay eh. Naalala mo yung kay tita, yung nag bigay sa kanila ni uncle Ben ng restaurant, pati yung bahay binigay na rin nila."pagkwekwento ko.

Ewan ko nga kung may naalala pa tong babaeng to sa mga ilang bagay na napagkwentuhan namin tungkol do'n. Eh ang naaalala niya lang naman yung pagiging star player ng volleyball varsity.

"Ano ba yan, wala na akong kasama dito? Paano na ako?" nag aalalang sabi niya. Nalulungkot lang naman siya dahil iniisip niya yung sarili niya kasi wala na siyang makakasama dito sa dorm kapag umalis kami dito ni ate Zirri."Kawawa naman ako. Mag isa nako. Bigla biglaan naman kasi yan."

"Bessy, mamimiss kita." mangiyangiyak kong busisi habang siya ay patapos ng nag susuklay at handa ng umalis.

Lalapit na sana ako sa kanya para yumakap man lang sa kanya nang pigilan niya ako.

"Ahy pwede ba wag ka na mag drama, wala nakong panahon pakinggan yang drama mo eh."nilapag niya na ang suklay niya."Papagalitan na kasi ako ni sir Chris. Alam mo kasi first game na namin bukas against Genesis. Grabe nga eh. Nakakakaba. Sige, bye bessy!"paalam niya tsaka tuluyan ng umalis habang iniiwan ako do'n na nakatunganga lang at matutuloy na ang luha.

Tahimik ko siyang pinagmasdan habang papalabas siya ng dorm.

Ang laki laki na talaga ng pinagbabago niya simula ng maging varsity siya. Habang tumatagal talaga, hindi ko na siya nakikilala. Basta simula nung nag varsity siya naging ganyan na siya. Nakakalimutan niya na ako. Hindi nanga kami nagkakausap masyado eh. Tapos mas lalo pa ngayong aalis na ako ng dorm, hindi ko matanggap yung reaksyon niya kanina. Worried lang siya dahil wala na siyang makakasama dito sa dorm. Hindi man lang siya nag sabi na mamimiss niya rin ako. Ni hindi niya nga lang ako niyakap eh, inuna niya pa talaga ang training niya kaysa sa sarili niyang bessy.

___________________________________

VOTE.COMMENT.SHARE

@Dwaeji_princess

My MotivationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon