Yerdi's POV
Bigla nalang akong hinatak ni Burn kanina palabas ng classroom, hindi ko na tuloy nahintay bessy. Hindi ko nga alam kung bakit eh. Ang sakit na ng kamay ko sa higpit ng pahkakahawak niya.
"Aray ko Burn, masakit na yung kamay ko."sabi ko habang hinahawakan yung wrist ko. Sakop kasi ng kamay niya ang buong kamay ko pati na rin sa wrist ko."Saan mo ba talaga ako dadalhin?"walang idea kong tanong sa kanya.
"Sorry Yerdi."paumanhin niya."Basta, sumunod ka nalang."sumunod nalang ako sa kanya para makapunta na kami sa dapat namin puntahan.
Gulantang naman ako ng dinala niya ako campus. Tapos nakapalibot pa ng circle ang lahat ng estudyante dito.
"Paraan kami, excuse me."binigyan naman nila ng way si Burn para makaraan kami. Dinala niya na ako sa sentro at nandito na kami sa loob ng circle.
* BOOGSH *
Biglang nag paputok ang mga iba ng party popper tapos may nag pasibuyag pa ng maraming bulaklak.
"Handa ka na ba?"seryosong nakatingin sa akin si Burn.
Kumunot naman ang nuo ko, takang taka ako sa mga nangyayati dito."Burn, ano to? Birthday party? Matagal pa birthday ko ah."inalala ko ang date ngayon, next year pa ang birthday ko at malayong malayo pa sa araw na to.
Hindi niya pinansin ang sunod sunod na tanong ko sa kanya. Biglang lumuhod si Burn sa harapan ko."Alam kong masyadong mabilis Yerdi." Nag simulang kumanta lahat ng nakapalibot sa amin ng simpleng tulad mo.
Alam mo bang may gusto akong sabihin sayo
Magmula nung makita ka'y naakit ako
Simple lang na tulad mo ang pinapangarap ko, ang pangarap ko.Kaya sana'y maibigan mo
Ang awit kong ito ay para sayo
Dahil, simple lang ang pangarap ko, mahalin ang katulad mo, ang tanging ligaya ko
Dahil simple lang ang pangarap ko maging ikaw at ako, ang tanging ligaya ko, sinpleng tulad mo.Lalalalalalalalalala. . . . .
"But I want you to know that, I really really like you since first year pa tayo. I don't even know the real meaning of courtship then. Pero ngayon, alam ko na at malinaw na sa akin ang lahat."
Nag simulang mag hiyawan lahat ng tao dito sa campus. Mapa-girl, boy, bakla at tomboy. Shet, hindi ko ineexpect kay Burn ito.
Inilapat niya ang mga tingin niya sa kanang kamay ko na hawak niya tsaka niya ito hinalikan."Yerdi, gustong gustong gusto kita."napalunok siya ng matigas."Gu--gusto mo rin ba ako?"
"Waaaahhhhhhhhh!!! Shet shet!!!"
"Omg! Burn! Ako nalang!!!!!!"
"Shet! Ang swerte ni Yerdi!!"
"YERDICA MAE S. BERNARDINO, WILL YOU BE, MY GIRLFRIEND?"mas lalong nag hiyawan ng malakas ang mga tao. Shems naman. Ano namang isasagot ko dito?
Ang iingay ng mga students dito. Lalo nman sila Jessi, daig pako kiligin
"BURN IKAW NAAAAA!!!"sigaw ni Jessi habang nag tatalon talon, deadma nalang siya sa bilbil niya.
"Say Yes Yerdi! Woohoo! Go BurDica!!"si Elaine naman yan.
"Yerdi, sagutin mo na!"dagdag ni Bricks.
Sasagutin ko nanga ba si Burn? Sige nanga, gusto ko na rin naman na si Burn eh.
"Yes Burn."nakangiting sagot ko sa tanong niya.
"Really? Sinasagot mo na ako?"napatayo siya sa pagkaluhod niya na dahil hindi siya makapaniwala sa sinagot ko.
"So bingi ka? Gusto mong bawiin ko?"sarkastikong pagbabanta ko.
"Woooooohhhhhhhh!!!!Sila na! Yehey!!!!"masayang masayang sigaw nila bessy.
"Hi--hindi."madalihan siyang umiling."Dinig na dinig ko nga eh."inikot niya ang paningin niya sa kanilang lahat."Kayo? Narinig niyo ba? Kami na! Kami na ni Yerdica Mae S. Bernardino! Wooohhh!!!"
~
Hinatid na kaming dalawa ni Jessi ni Burn at ni Cad pagkatapos ng nangyaring ek ek sa buong campus.
Hindi ko maiwasan mapangiti habang ka-holding hands ang boyfriend ko. Natatameme nalang ako sa kakiligan ko.
"Oy Burn, ingatan mo bessy ko ah, pag sinaktan mo siya, dadaganan talaga kita."pagababanta ni Jessi kaya napatawa kaming lahat.
"Talagang dadaganan?"natatawang tanong pa ni Burn."Oo. Hindi ko papaiyakin girlfriend ko."paninigurado niya.
Napacrossed arms si bessy."Siguraduhin mo lang Burn ah. Lagot ka talaga sa akin."nag patunog pa ng kamao si bessy.
"Sige sige."sabi niya."Aalis na kami. Bye Jessi."tumingin siya ng malagkit sa akin. Hay, bakit ba ganito kagwapo ang boyfriend ko?"Yerds, Thank you."may pahabol pa siyang kindat, ngiti nalang ang nagiging babye ko sa kanya. Di kasi ako makapagsalita eh.
"Nagkakahiyaan pa tong mga harot na to.Mukha kayong mga ewan, alam niyo ba yun?"nag tinginan lang kami ni Burn at syempre nag tawanan. Ganyan talaga pag inlove noh. Hihi. Syempre, pakipot effect muna ako, pero pagkapasok ng pagkapasok namin ng dorm mamaya, humanda ang tenga at braso ni Jessi sa tili at mga hampas ko. Hahahaha.
"Bye Burn."paalam ni Jessi."Sorry, nahihiya kasi yung bessy ko eh. Uy, congrats uli ah."dagdag niya.
"Wow, buti pa si Burn may babye, nandito din kaya ako, hello?"kumaway kaway pa si Cad sa harap ni Jessi. Itong dalawang to, feeling ko rin may pyuchur tong mga to eh.
"Ay ano yun? May hangin may hingin?"luminga linga pa si bessy ng parang ewan. Tsaka pumunta mismo sa harapan niya si Cad."At kailan pa nag karoon ng gwapong hangin na tulad ko?"supalpal ni Cad, nganga si bessy. Hahaha.
"That's enough dude."sabat ni Burn."Let's go home, paghalikan ko kayo jan eh."pagbabanta niya pa."Bye Yerdi, let's go dude."bago pa sila umalis nag patayan muna sa tingin si Cad at Jessi.
Pagkapasok namin ni bessy sa loob ng dorm,
"Ahhhhhhhhhhhh!!!!!!!! Bessy, kinikilig ako!!!"sabay namin sigaw na dalawa."Bessy! Omygas! Kami na talaga ni Burn! Hindi talaga ako makapaniwala!!"nag wala wala ako dun at nag papadyak, wala akong paki kahit ma-band ako dito sa dorm punyemas, basta mailabas ko kaharutan ko leche. Wag lang gagaya sa talon ko si bessy dahil tiyak na papasukan na kami dito ng caretaker ng dorm na'to."Pero bessy, ang haba ng hair mo kanina. Lalo na yung mga nasa likod, namamatay sa inggit sayo."pangchichismis pa niya."Talaga?"hindi ko makapaniwalang sabi."Aba, talagang mahaba ang hair ko noh."tsaka ako ng hair flip.
"Biruin mo, isang Watsons, nag propose maging bf mo? Sabi na totoo yang BurDica Loveteam eh."tinaas pa niya ang dalawang kamay niya."Wooohh, I ship BurDica!!"
"Eh kamusta naman ang JessCad?"pang-iiba ko ng topic, siya naman aasarin ko ngayon."Alam mo kayo, bagay kayong dalawa. "
"Yak! Bessy? Kadiri ka ah!"OA na reaksyon niya tsaka naman napakunot ang nuo ko."Makayuck naman to, Bakit, gwapo naman si Cad ah."
"Oo, gwapo nga siya."pagsang-ayon niya."Eh ang ugali, gwapo rin ba tulad niya?"
Napabuntong hininga nalang ako sa kapaklaan niya kay Cad."Ah, Basta, JessCad love team. Abangan mo yan. SOON."
"Whatever BurDica."inirapan niya ako.
Nag asaran kami ng nag asaran hanggang sa sumakit na yung tiyan namin, humiga higa na kami sa sahig.
____________________________________________
Thanks for reading.
@Dwaeji_princess