Chapter 76

335 9 0
                                    

____________________________________

Nag decide muna kami ni Cad na mag volleyball training muna at wag muna pag usapan yung kanina. Lalo na pinag-iisipan ko pang mabuti yung mga sinabi niya.

Natuwa naman ako dahil naiintindihan niya ang sitwasyon ko. Na nabibigla pa ako sa mabilis na pagtatapat niya sa nararamdaman niya.

Kaya ito, sa training na muna ang focus naming dalawa.

"Paano ka ba mag tama ng bola? Can I see your hands?" Pinakita ko naman yung way ko kung pano ako tumama ng bola.

"Mali naman pala yang ginagawa mo kaya hindi maganda ang tama ng bola."sinuri niyang mabuti ang kamay ko."It should be like this," tsaka niya ginaya yung bend ko, nasa likod ko na siya ngayon, inaayos niya yung kamay ko na kung titignan mo ay parang nakayakap siya sakin. Tapos nag tititigan pa kami. Napaka-swerte ko, una gusto namin ang isat isa tsaka gusto niya pa akong ligawan. Hahahaha. Ito po ba yung purpose kaya ginawa niyo po akong mataba? Hahaha. Thank you lord! Ang sarap maging mataba! Lasang Cad lol.

"Jessi, are you listening?"napatigil tuloy ako sa pag eenjoy sa moment namin."I said look at my hands. Not at my face."sita niya pa.

"So--sorry."napa-ismid ako."Oo, nakikinig ako sayo."

Napabuntong hininga siya. Bumalik uli siya sa pwesto niya kanina.

"Okay, let's go back to start, una, place your hand like this, wag mo ipa-cross, kasi ang tinatama mo yang thumb mo, pangit ang tama pag ganun.-----blah blah--"tuloy tuloy na pag dedemonstrate niya. Tae naman, hindi ako maka-concentrate mabuti sa tinuturo niya kasi ang tinignan ko yung nakapaka gwapo niyang fez. Nanginginig pa yung kamay ko kasi hinahawakan niya ito ngayon, inaayos niya. Kinikilig na ako masyado. Hayys. Hindi ko mapakalma yung sarili ko, ano ba to.

"Oh, mag laro tayo. Tamaan mo yung bola ha."sabi niya tsaka lumipat nanaman siya dun sa courtside niya

Sinerve niya na yung bola, natamaan ko ng maayos. Hahaha. Tapos good sabi niya pa emeghed talaga. Sunod sunod na tama ko hahahaha. Ang galing ko. At ang galing ng gwapo kong coach/suitor/best boy friend/crush ko hahaha. Shemay, ang hot niya sa pawis niya. Kyaaaaahhhhh!!

"Come on, let's just rest for awhile. You did good."inakay niya ako papunta sa bleacher. Pinaupo niya ako dun.

Nanlaki nalang ang mata ko sa sumunod niyang ginawa. Tumayo siya sa harap ko at hinubad ang basang suot niya. Waaaaahhh!!! Cad ang sarap mo!!!! Haha jokek. Andugyot ko na, napapanganga nalang ako dito.

Nabuntong hininga nalang ako."Hay, nakakapagod! Gusto ko ng malamig na malamig na tubig!"

"Where's your water?"tanong niya habang hawak hawak ang hinubad niyang damit.

"Ubos na e."bored na tugon ko.

Uminom siya sa tubig niya. Pagkatapos ay inabit niya sa akin ito."Here, drink on my bottle." omyghad parang mag iindirect kiss kaming dalawa?

"Hindi na. Okay lang ako."tanggi ko. Kahit hindi naman na talaga, tuyong tuyo na nga yung lalamunan ko.

"Sige na. Baka mamaya magkasakit kapa."pamimilit niya pero tumanggi parin ako sa alok niya."Baka naman gusto mong ako pang magpainom sayo?" Tinutok sa bibig ko yung bottle niya.

"Hindi na. Sige na, iinumin ko na."kinuha ko agad ang bottle niya at diretsyuhang nilaklak to. Walang hiya tong lalaking to, hindi na tuloy virgin ang lips ko dahil para na kaming nag kiss.

Nung matapos akong uminom, sinara ko na ang wattle bottle niya gamit ang takip."Thank you."inabot ko sa kanya yon."Ikaw, anong gusto mo?"

"Ikaw."kaswal na tugon niya.

"Ano? Paanong ako?"tinuro ko pa ang sarili ko.

"Ikaw nga."inis na pag-uulit niya.

"Sabi ko ano."pag lilinaw ko. Baka kasi nabingi siya at nagkamali ng pangdinig."Anong gusto mo?"

"Ikaw nga lang. Ikaw lang ang gusto ko. Ikaw ng buong buo."napakamot pa siya sa ulo niya habang ako, eto, napaiwas na naman ng tingin dahil sa kilig na nararamdaman ko. Langya to, ang lakas makabanat e.

Johanne's POV

"Johanne," tawag sa akin ni Yassi. Tinabihan niya ako sa inuupuan kong bench malapit sa canteen.

"Hmm?"

"May good news ako sayo!"masiglang sabi niya, parang excited na excited pa siyang sabihin sa akin yon kaya na-excite ba rin ako.

"Yung dun sa tungkol sa atin, pinaalam ko na kay mommy."hinawakan niya yung kamay ko."Pumayag na siya."

"Ah. Okay."tumango tango ako tsaka pinisil ko yung kamay niya.

Nataranta naman ako nung makita kong nag bago yung expression niya. Yung kaninang maaliwalas niyang mukha, naging malungkot na ngayon.

"Bakit parang malungkot ka?"inangat ko ang mukha niya."May nagawa ba akong masama sayo?"

Umiling siya."Ganyan lang reaksyon mo? Tayo na kaya."

Nanlaki ang dalawa kong mata sa sinabi niya."Ano? Tayo na?"ang lakas lakas pa ng pagkasabi ko sa pagkabigla.

"Oo. Kakasabi ko nga lang diba? Late reaction, parang di ka naman masaya."may pagtatampo pa sa boses niya. Niyakap ko siya agad.

"Hi--hindi. Yassi, sorry. Na-late reaction lang ako. Pero seryoso ba to, tayo na?"pag-uulit ko. Hindi ako makapaniwala. Kami na talaga ni Yassi.

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at hinarap ang tropa."Guys!!! Kami na ni Yassi!!!!" sigaw ko sa buong tropa. Nag hiyawan silang lahat at tinungo kami. Agad kaming napa-group hug ng wala sa oras. Ang saya lang dahil pati sila, masayang masaya para sa amin.

"Wow! Congrats pre!"kinamayan ako ni Bricks."Ingatan mo yang modelo ko ha?"natawa kaming pareho.

"Oo naman, girlfriend ko na e. Ako na ang manager niyan." pagbibiro ko pa. Inakbayan ko pa si Yassi at napansin kong namula siya.

Hinila rin nila Elaine at Yerdi si Yassi at nag papadyak padyak sa galak. Kilig na kilig silang nag titilian kahit na nasa harapan nila kami.

"Wow! Finally bro."si Burn naman ang naki-appir sa akin."I think this calls for a celebration?"

"Oo nga Johanne! Manlibre ka naman!"sigaw ni Elaine.

"Hala, bat ako?"pagtataka ko.

"Malamang. Sino kaya ang may bagong girlfriend na dito noh?"asik sa akin ni Yerdi.

"Oo nga tol. Alangan naman si Yassi ang manlibre eh ikaw lalaki."si Bricks naman yan. So ano pa ang magagawa ko? Wrong timing, nakalimutan ko yung ipon ko sa bahay. Pambayad kasi sa varsity uniform yung dala ko ngayon pero sige na nga. Gagastusin ko na muna para kay Yassi naman e.

"O'sige na nga, saan tayo?"

"May alam akong restaurant! Yung pinagtratrabahuan ni ate Zirri. Dun nalang tayo kumain."suhestyon ni Yerdi

"Teka, yun yung ate ni Jessi diba?"sabi ko.

"And speaking, asan na pala si bessy?"pag tataka ni Yerdi. Nag paikot-ikot kami ng tingin sa isa't isa.

"At si Cad?"dagdag pa ni Yassi. Hindi nga pala namin sila kasama, ngayon lang namin napansin.

"Nag tretraining pa daw silang dalawa ni Jessi kaya siguradong hindi rin lang makakasama yung dalawang yun."saad ni Burn.

"Ganun, sayang naman pero saan training?"si Yassi yan na nasa tabi ko na ngayon.

"Oo nga? Hindi naman siya varsity ah."pagtataka ni Elaine.

Nag kibit balikat nalang kaming pare-pareho hanggang sa natapos kaming mag tanungan, napagpasyahan na namin pumunta ng restaurant para i-celebrate ang first day namin ng girlfriend ko.

____________________________________

VOTE.COMMENT.SHARE

@Dwaeji_princess


My MotivationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon