Chapter 63

348 12 1
                                    

Jessi's POV

Nag taka kami ng buong barkada habang papasok kami ng madatnan namin si Yassi na palabas nag ospital at umiiyak.

Hindi kaya nag away nanaman sila ni Elaine? Pumasok na kami sa room niya para malaman kung ano ang nangyari.

"Oh, Elaine? Umiiyak ka rin?" nadatnan namin siyang nakayakap kay Bricks at patuloy itong humikbi sa bisig niya.

"Bricks, ano bang nangyayari dito?"nilapag na muna ni Yerdi ang hawak niyang bag.

"Alam na ni Johanne."seryosong pagsasalita habang nag iisip ng malalim.

"Na matagal na siyang mahal ni Elaine?"si Burn naman yan. Umupo siya sa sofa na malapit sa kama ni Elaine.

Tumango si Bricks bilang sagot."Alam na rin ni Yassi."

"Ang alin?"usisa ko.

"Na matagal na rin siyang mahal ni Johanne."pagbubunyag niya kaya sabay sabay nagsilakihan ang mga mata namin.

"So, Elaine is inlove with Johanne the same thing that Johanne is inlove with Yassi?"napakamot pa ng ulo si Cad.

"Exactly bro."

"Ano ba tong nangyayari. Ang gulo gulo!"OA na sigaw ni bessy. Napahawak pa siya sa ulo niya na parang ikinakastress niya ang mga nalalaman niya ngayon. Pero nakakagulat naman kasi talaga.

"Puros mahal mahal mahal. Ano ba naman yan."bitter na pangongomento ko nanaman. Sorry naman. Ganyan talaga pag nabasa ang kili kili kakaantay, nauntog sa car window, pag mataba, at higit sa lahat, pag walang love life, che.

"Bespren, wag kanang bitter. Mahal naman din kita eh. Hahaha."tinagiliran pa ako ni Cad. Tignan mo to? Nakuha pang mag biro. Panay ang banat sakin. Parang shunga lang. Kanina pa to sa sasakyan e. Nakikigaya naman.

"Oy, kayo, yang love life niyo ah."pagpapaalala ni Burn."Baka kayo ang sumunod.

"Ano ba kayo, bespren lang kami nitong si Jessi, diba?"inakbayan pa ako ng loko. Nairita naman agad tuloy ako nung pinisil niya pa ang malaking braso ko.

"Pwede ba Cad?"nag pumiglas ako ng konti."Ba't ba bespren? Ang baryotic naman."reklamo ko pa. Okay na kasi e. Umakbay nanga, kinawawa pa yung malaking braso ko.

"E anong gusto mo, tawagang breezy? Asawa kuh? Mahal quh?"humagikgik pa ang loko tsaka ko siya tinagiliran para manahimik na.

Nang bigla uli mag salita si Bricks."Guys, may hindi pa kayo alam."

"Ano yun?"kaming lahat yan.

Tinignan niya ang yakap yakap niyang si Elaine."Ma--mahal ko rin si Elaine."

And we were like, what? Di ko na matake tong mga nangyayari ghash. Gulantang din ang reaksyon naming lahat na parang hindi kami makapaniwala sa mga confession ni Bricks.

"Eh nasan na ngayon si Johanne?"pagsasalita ni Cad habang nakaakbay parin sa akin.

"Kanina hinabol niya si Yassi nung nag walk out siya. Pero ngayon, di ko na alam kung nasan na yun eh."saad naman ni Bricks

Biglang may nag text sa phone ni bessy kaya sabay sabay kaming napatingin dito."Bessy hindi ka daw matawagan ni ate Zirri. Sumunod ka daw sa kanya sa grocery."

"Osige, pupunta nako."paalam ko.

"Sure ka, ayaw mong samahan kita bessy?"alok pa ni Yerdi pero tumanggi nalang ako. Pinipilit pa ako ni Cad na samahan niya ako pero tinakasan ko nalang kasi baka kung anong isipin ni ate Zirri sa amin e.

~

"Asan yung phone mo? Hindi kita ma-contact ah."bungad sa akin ni ate Zirri pagkarating ko ng cashier 9 dito sa may grocery.

My MotivationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon