Jessi's POV
*SA BENCH TREE*
Kami lang ang naiwan ni Cad sa barkada. Dahil puros sila pinatawag sa gym. Sila Yass at Johanne may practice. The rest na naiwan, feeling varsity, ayun. Di na rin nag klase. Walang klase kaya naisipan namin ni Cad na gawin yung second song dito sa bench tree.
"Tapos mo na ba yung first love song natin?"tanong ko kay Cad habang nilalabas ang piraso ng papel at isang lapis para pang-sulat ng lyrics.
"First love song natin?"bigla siyang ngumisi.
"I mean, first song."pag lilinaw ko agad. Baka mamaya, assum-in pa nito na crush ko siya at feeling ko love song talaga namin yung ginagawa namin e. Feelingero pa naman tong animas na to."Hindi ba sabi mo ikaw nalang ang mag tatapos?"
"Nasa Bridge part na ako."sabi niya."Ta--tapos matatapos na yung first love song natin."
"Ah, sige mag start nanga lang muna tayo sa second love song."aya ko. Hay, ano kaya ang magandang idea? Shete naman kasi, wala talaga akong kaalam alam dito. Dahil alam naman kasi ng lahat na no experience pa ako sa mga love na yan. Oo ako na talaga ang bitter mga walangya. Oo, ako na. Ako ng mag isa. Teka nga lang, nagiging Jennelyn Mercado na ang peg ko dito e. Tanungin ko nanga lang tong partner ko kung ano ang naging love life niya, baka mamaya masiraan ako dito e. Sigurado naman na nagka-love life na tong gwapong to e. E ano panga ba? Edi siya na ang may ka-poreber. Litsi."Hmm, anong love story niyo ng girlfriend mo?"
"W-wait what?"gulat na tanong niya. Tinignan niya pa ako ng masama. Animal na to, nag tatanong nanga lang para may idea ako pasalamat siya."Kwentuhan mo nalang ako."sabi ko sa kanta.
"Bakit ba? I have no girlfriend."mariin na sabi niya."Ang kulit mo naman."tinarayan niya pa ako. Todo deny pa siya e imposible naman na hindi siya nagka-girlfriend."Yang gwapo mong yan wala kang-- ay-- di halata ah. Edi Naging girlfriends? Wala din?"muli kong tanong.
"There is only one. One girl."seryosong pag amin niya."I only sticked to one girl whom I thought that will stay with me for the rest of my life."
"Eh anyare? Natauhan? Brineak ka?"sunod sunod na okray ko. Tinawanan ko nga siya ng bongga. Paserious face pa tong gagong to, e halata naman na pinaka-gago siya sa lahat ng gago. Gago rin to e noh. Laptrep ampota.
"No."umiling pa siya tsaka napayuko. Sumerious pa talaga mas lalo ang fezz ng gago. Feel na feel niya naman dahil ikinakagwapo niya yon."She's-- she's dead."nautal na sabi niya. Bigla ako napatigil sa pag bungisngis ko ng bongga.
"Oh my god. So--sorry. Im Sorry talaga."naguilty tuloy ako. Tinawa tawa ko pa ng malakas pero patay na pala yung girlfriend niya. Demonyita rin ako minsan e noh. Tae, ang sama ko. Sumalangit ka man girlfriend ni Cadrianne. Hindi kita kilala, pero utang na labas at na loob, wag mo akong multuhin. Huhu, iyak na me. Ajujujuju.
"It's okay."napangiti siya ng peke."Hindi mo naman alam e."sabi niya. Seryoso na pala siya, mygully. Ang sama ko talaga kanina. Hayys. Ang sama ko talagang mataba ako, me is so rude talaga.
"Pwe--pwede ko bang malaman kung paano siya namatay?"nahihiyang tanong ko."Kung okay lang sayo."
"Gusto mong malaman?"tumango nalang ako."It's supposed to be our 4th anniversary then, pero nakalimutan niya yata, nag-hang-out sila friends niya. Pumunta sila sa isang island gamit ang yatch nung isa niyang friend. Hindi nila napansin malayo na pala tsaka ito nag sink, tapos, hi--hindi na siya nahanap."kwento niya. Ngayon ko lang siya nakita ng ganto ka-seryoso. Nakaka-sad naman pala nangyari sa kanila nung gf niya.
"Ba--ka naman bu--buhay pa siya."binigyan ko pa siya ng false hope. Napaka-gaga ko talagang mataba ako."Hindi niyo naman nahanap yung katawan niya diba?"'
"Yes, it happened five years ago."malungkot na pag bubunyag niya."I dont know what to do then. I had neither the strenght nor the will to go on. I had no reason to live."paninumula niya uli na parang may inaalalang napakasakit niyang nakaraan."Namatay rin yung mom ko dahil di niya kinaya nalaman niya tungkol kay daddy. Mas lalo pa akong nag rebelde kaya nga repeater ako ng 2 years kaya rin pinadala ako dito ng dad ko."humugot siya ng isang malalim na hininga, parang nag pipigil na siya ng luha."Until days, weeks, years, passed, di parin ako naka-move on. And because of that, it ruined everything. It ruined a big part of me. It almost ruined my life."pagtatapos niya, and this time nag wawatery eyes na siya. Grabe susulat na yata ako kay Mel Tianco from magpakailanman ir kay Madame Charo from MMK?
"Omg, grabe life story mo."ayun nalang ang nabusisi ko sa haba ng madrama niyang kwento. Sobrang mala-teleserye talaga. Nakapag-desisyon na ako, mamaya talaga tatawag na ako kay madam Charo. At ipapakwento ko ang kwento ng buhay ni Cadrianne James Watsons. Pero charot lang mga fans. Wala akong load e.
Napangiti siya ng may kirot."I wonder how I survived after what happened to me."sumilay sa akin ang mga mata niyang matinding kalungkutan. Papatak na yung mga luha niya pero hindi ko hahayaan na matuloy ito."Cad, wag. Wag mong ituloy yan."pagbabanta ko.
"Don't worry. Hi--hindi ko talaga itutuloy to."sabi pa niya pero isang blink pa ng eyes niya, tutulo na ito. Pero I made sure na hindi na matutuloy yun. Inabangan na ng thumb ko yung papabuhos niyang luha.
"Wait."sinalo na ng hinlalaki ko ang luha niya papapatak pa lang."Sabi ko sayo wag mong ituloy yan e."
"Yeah, thanks for stopping it."napatingala na siya ngayon sa ere dahil siya rin mismo tinulungan niya ang sarili niyang pigilan ang mga luha niya."I- I just can't."
"Alam mo ba kung bakit ayoko ng ipatuloy?"umiling lang siya ng parang bata at ng parang hindi niya talaga alam ang isasagot niya."Kasi, Im sure. Naiyakan mo na yan dati."
"Oh tapos? Anong connect?"nag tatakang tanong niya.
"Kasi, ako, minsan lang ako umiyak. At pag naiyakan ko na ang isang bagay ng sobra, sinisigurado kong hindi na ako iiyak over the same thing. Kasi tapos na yun eh."pagpapahayag ko.
"Oh, you must be very brave enough then."papuri niya sa akin. Hindi ko alam na sa ganun na sinabi ko ay natapangan na agad siya sa akin. Hindi rin ganito ang impression ko sa kanya. Naging emotional siya sa pagkwekwento ng masakit na karanasan niya dati. Kadalasan kasi sa lalaki, takot umiyak sa harapan ng isang babae dahil iisipin nila na ang bading nila for that. Pero si Cad hindi, pinakita niya yung tunay niyang saloobin sa nangyari sa kanya. Marahil siguro sa sobrang kapunuan niya. Baka kasi ngayon lang niya nailabas yung the feels niya."Jessi, thank you ha, And I'm sorry for this shitless topic."tinawanan niya pa ang sarili niya.
"Ano ka ba, okay lang yun. Minsan kasi sa pag iyak natin, hindi naman ibig sabihin, weak tayo."sabi ko."Ika nga nila, people cry sometimes not because they are weak. It is because they've been strong for too long."nagiging mala-Mama Jack tuloy ako dito. Tounge in a disc mga mare. Hindi ko kinakaya tong kadramahan na to."Sandal ka lang Cad, andito lang ako sa tabi mo."Sumandal sa balikat ko at pinatahan ko siya sa pag iyak niya.
____________________________________
Thanks for reading!
@Dwaeji_princess