Chapter 11

862 27 4
                                    

Yassi's POV

Sinundo ako ni mommy ngayon sa school masi Mag didinner daw kaming dalawa sa restaurant. Since, nag bakasyon sila kuya at ate kila lola, quality time with mommy.

"How was school?"nakipag-beso ako kay mommy pagdating ko ng sasakyan.

"Okay lang naman po mommy."masayang tugon ko sa kanya.

"That's good."sinarado ko na ang pinto ko."San mo gustong kumain?"tanong niya

"Kahit saan po."I answered, smiling at her.

Pinaandar niya na ang sasakyan niya."Dun nalang tayo sa favorite restaurant natin."pumayag naman na ako tutal matagal na rin akong hindi nakakakain dun. Namiss ko na rin kasi ang mga pagkain dun eh.

Mabilis naman kaming nakarating sa favorite restaurant namin kasi hindi naman traffic sa high way.

Umorder na kami ni mommy at nag hintay.

"Mommy, kailan po pala balik nila ate at kuya?"tanong ko kay mommy habang umiinom ng free service water. Hindi ko maiwasang malungkot sa tuwing naiitotopic ko sila ate at kuya. Hanggang ngayon kasi, hindi parin nag babago ang trato nila sa'kin.

"Hindi ko pa alam eh."kaswal niyang sagot."Anak, wag kana sanang malungkot, gulat lang yun nung ipakilala kita sa kanila eh."paliwanag niya.

"Okay lang po yun mommy."napangiti ako ng mapakla at iniba nalang ang topic."Aalis nga po pala ako bukas."

"San ka pupunta?"dumating na yung mga order namin pagkain kaya nag simula na kaming kumain habang nag kwekwentuhan.

"May pictorial po ako sa bago kong endorsement."pagpapaalam ko sabay kagat sa steak na inorder ko."Kasama ko po si Bricks."

"Yassi, pinapayagan kitang mag model, pero sana wag mong pabayaan ang studies mo."bilin niya tsaka naman ako tumango.

Zirri's POV

Nakarating na rin ako sa restaurant na pagtratrabahuan ko. Malas naman, first day ko pa naman ngayon siguradong malilintikan ako kay sir Garnette.

Tinignan ko ang orasan ko, 30 minutes na pala akong late, lecheng traffic kasi sa Edsa e.

Nakakapag taka, pag dating ko ng restaurant kasi walang mga tao. Bakit walang kumakain? At asan ang mga trabahador?

"Have you even notice the time?"bungad sa akin ni sir Garnette na magkasalubong ang dalawang kilay the moment na nakita niya ang pretty fezz ko. Charot lang

"Ah, eh, sir. Kasi p---"

"Follow me."maangas na pamumutol niya sa dapat na paliwanag ko. Edi ano pang magagawa ko, di sumunod na ako sa boss ko sa kusina niyang empyerno. Lewl

"Hay. Salamat, dumating na rin."sambit nung isang babaeng mafiling dun, sinabayan niya pa ng pag buntong hininga at pag paypay ng sarili niya gamit ang kamay niya. Hoy ate, hindi mo kinaganda yang ginagawa mo, sarap tsinelasin ng mukha mo ulul. Kala mo naman siya ang boss.

"Steff, tama na yan. Kabago bago ni Zirri, inaaway mo na. "sabat ni madame Charito tapos napa-rolled eyes nalang ang ate niyo.

"Zirri, si John Ray, Vincent, Donald, Kenji, Nadine, Doreen, Erisa, Nicole, at si Steff, sila ang makakatrabaho mo."pagpapakilala ni madame Charito sa mga waiter and waitress buddies ko. Ngumiti silang lahat at yun din ang ginawa ko, except si StefEELER.

"Ito si Chef Andy,Chef Andrew, at si Chef Rosebuds. Si manong Benny ang guard natin, at si mang Canor,ang janitor."pagpapatuloy niya. Mukha naman silang mababait lahat, yung isa nga lang ang naligaw ng landas. Kaya pala napagkamalan kong impyernong kusina to kanina eh, may alagad pala si Satanas dito.

"Good evening po."nakangiting bati ko sa kanila."Sana maging magkaibigan tayong lahat."

"Sige na, pwede na kayong mag simulang lahat."tugon ni sir tsaka siya lumabas ng kitchen.

Napa-poker face naman ang isa dun na si John ray."Eh wala naman pong tao eh, ano pong gagawin namin?"

"Oo nga po manang."dagdag ni Kenji."Eh wala namang kumakain dito eh."

Pinandilatan naman sila ni madame Charito ng mata."Wag nanga kayong maingay jan, mamaya mapagalitan uli kayo."sita niya sa kanila.

"Kahit naman po hindi kami marinig ni sir, palagi naman galit sa amin e."dagdag ni Donald.

Nag sitayuan ng matuwid ang lahat ng iluwa ng kitchen door si sir na kanina pa yata nakikinig sa little talks ng workers niya."Sige, ipamukha niyo pang walang kinikita ang restaurant na to!"sigaw niya. Sabay sabay tuloy napalunok ang mga epleyadong nag bigay ng opinyon."Pano kikita? Puros mga wala kayong silbi!"dagdag niya pa."Nasasayang lang ang mga binabayad ko sa inyo!"bulyaw niya pa at umuusok na talaga ang ilong niya."Ano? Tutunganga lang kayo jan?"

"Ano pong gagawin namin?"bobong tanong ni Donald, ang tanga naman nito.

Napaface palm na tuloy si sir, sobrang init ng ulo."Ano?"seryosong usisa niya."Halika nga dito Donald,nang malaman mo kung anong gagawin niyo!"

Lumapit naman ang tangang si Donald."Ah, ba-bakit po sir?"

"Pumunta kayo sa labas at mag tawag kayo ng customers!"mariin na utos ni sir. Kikilos na sana silang lahat ng mag salita ako."Wait lang po sir, meron po akong suggestion?"

Tumingin silang lahat sa'kin."Ano yun?"tanong ni sir

"Magpakulo po kaya tayo?"suhestyon ko."Kung mag banda po kaya tayo at mag special promo po sir, sa gabi po, may mga kantahan po para maraming maakit na customer po, tapos po mag special promo po tayo ng meal na m------ "

"Alam mo, puros gastos lang yang s----- " pinutol ni Steff yung sinabi ko di pinutol ko rin yung kanya. Kala niya, di ako mag papatalo ngayong naconfirm ko na parehas lang kaming waitress dito.

"Excuse me, I am not yet done talking and suggesting my plan, if you'd allow me, can I continue?"nganga ang ate niyo sa taray line ko. Ano ka ngayon StefFEELER edi nganga.

"Buti nga sa kanya, nakahanap siya ng katapat niya"

"Maldita kasi."

bulungan nila.

"Mag dagdag rin tayo ng bagong recipes. Ituturo ko po kay chef yung mga bagong recipe na alam ko po."pagpapatuloy ko

Tumango tango si sir at mukhang napaisip sa plinaplano ko."So, saan tayo makakakuha ng banda?"

"Dito po sa atin."tumingin ako sa mga co-workers ko."Meron po bang magaling kumanta, tumugtog ng instruments? "

"Ako! Mag guitar at mag beat box"

"Ako! Mag drums!"

"Ako rin! Mag piano!"

"Kami ni Vincent, kumanta!"

"Ako po, mag vovolounteer din po ako."sabi ko.

"Kakanta rin ako."pangeepal ni StefFEELER, tignan nalang natin kung sinong mas magaling satin.

"Alam mo Garnette, mukhang maganda yang suggestion ni Zirri."singit ni madame Charito."Mukhang bebenta yan."

"Sir, tama po."masayang pagsang-ayon ng katabi kong si Vincent. Kanina pa ako tinataasan ng kilay neto at nginingitian, siguro crush ako nito.

Lahat sila sumang-ayon na sa naisip kong plano at pinilit na nilang lahat si sir.

"Dalhin niyo lahat mga kailangan bukas."kaswal na wika ni sir tsaka na lumabas ng kusina.

Plinano plano na namin ang lahat, nag arrange rin ng chairs tapos nag linis at nag save ng space for the band.

Pagkatapos namin umuwi nako.

_____________________________________________

Thanks for reading.

@Dwaeji_princess

My MotivationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon