__________________________________________
~
Nag bibihis kami ngayon ni Yerdi. Ewan ko ba dito kung bakit ng mamadali ngayong araw.
"Bessy, bessy! Dalian mo naman jan!"pag-aapura sa akin ni bessy.
Ewan ko ba kung bakit atat na atat pumasok to ngayon. Baka kasi may training na naman sila. #VarsityProblems nga naman.
Sa totoo lang, may tampo parin ako sa kanilang tatlo nila Yassi at Elaine. Pero lalo na sa kanya. Masyado niya kasing ipinaglalandakan sa ibang tao sa University at isinusupalpal sa mukha ko na isa na siyang varsity.
Hindi niya naman kailangan ulit-ulitin 'yon dahil alam na alam ko na hindi ako nakapasok. At tanggap ko na 'yon nang dahil sa presensya ng best boy friend ko. Na unti unting nag rereplace mismo kay bessy. Mabuti pa nga 'yon may paki sa akin. Samantalang siya mismo na bessy ko, wala.
"Oo na, eto nanga oh, nag susuklay na."binilisan ko pa ang pag susuklay ng buhok.ko."Bakit ka ba kasi nag mamadali ngayon?"
"Bessy hindi mo ba naririnig? Ang ingay ingay kaya oh. May pinagkakaguluhan sa university!"excited na excited na sambit niya habang pasilip silip pa mula sa bintana ng dorm namin.
"Oo nga noh."nakisilip din tuloy ako. Ang dami dami ngang estudyanteng nag kukumpulan parang may lalabas na artista eh."Bakit ba? May artista ba jan? Si Enrique Gil?"
"Hindi artista. Nag balik na daw si Gelo Andrada! Yung nagka-crush sayo mula kinder!"sabi niya.
"Ba't ganyan ang nga reaksyon nila? Kailan pa naging campus hearthrob yung si kuya Gelo?"pag tataka ko.
Sa pagkakaalam ko, dati, kapag napaka-ingay ng buong campus nang dahil kay kuya Gelo, binubully nila ito. Pero sa lagay ngayon, mukhang kilig na kilig ang mga babae sa pag dating niya. Hindi kaya may kasamang hollywood si kuya Gelo, baka nga! Galing pa naman siya ng states.
"Dalian mo na kasi! Para malaman natin!" at sakto tapos na rin akong mag suklay, bigla bigla na akong hinatak ni Yerdi papunta sa University.
Ang daming tao. Tae naman. Ang iniit! Napapa-paypay na mismo ako sa sarili ko gamit ang kamay ko.
Tinignan ko kung sino yung paparating, and oh my god lang, ms. Author. Ang gwapo! Parang artista! Ang hot niya! Sino kaya siya?
"Omy G! Ang gwapo!"napatakip pa kaming dalawa ni Yerdi sa bibig namin. "Pero bessy nasaan si kuya Gelo? Bakit parang artista lumabas?"grabe napapanganga talaga ako dito ng wala sa oras.
"Gaga! Si Gelo yan! Si Gelo Andrada!!"pagbubulgar niya habang tumatalon."Ang gwapo niya bessy! Sana pala, ako nalang ang nagustuhan niya dati! Chos!"
"Ha? Diba mataba yu--" naputol ko na yung dapat kong tanong kay bessy dahil pagka tingin ko dun sa mukhang artista, nasa harapan ko na siya, at ng mas malapitan, ngayon ko lang narealize, si kuya Gelo nga talaga!
Ibang iba na siya, yung dating overflowing niyang bilbil ay napalitan na ng abs na halatang halata sa fitted niyang v-neck shirt. Oh my god ang gwapo talaga, tapos may dala pa siyang bouquet and chocolate. Mukhang may sulat pa. Nakapagpaagaw pa ng pansin sa akin yung hawak niyang pig stuff toy. Ang cute kasi talaga. Kanino niya kaya to ibibigay? Swerte naman 'nun.
"Hi Jessi." bati niya sa akin habang tinatanggal ang shades niya. Bakit ganito ang kinagwapo niya? Napaka cute niya nung mataba pa siya dati pero hindi ko inimagine na magiging ganito siya kagwapo at hindi ko rin akalain na mag papapayat siya.
"Kuya Gelo? Ikaw ba yan? Ibang iba kana ah."napaawang ang bibig ko habang tinitignan siya at syempre, ang katawan niyang nag bago ng sobra.
"Katawan ko lang ang nag bago. Bukod dun ay wala na."sabi niya, kinindatan niya pa ako. He's still the same cute as before. Ngayon nga lang, nadagdagan pa lalo ang charm niya dahil nagka-abs pa.