Chapter 55

361 12 3
                                    

Johanne's POV

Mag stastart ng sumayaw sila Yassi dito sa dating school nila kung saan sila mag peperform at kung saan nagaganap ngayon ang school fair.

Nakita kong humugot ng malalim na hininga si Yassi na parang sa tingin ko ay kinakabahan siya sa presentation na gagawin nila kaya nilapitan ko siya.

"Ayos ka lang ba?"tanong ko sa kanya.

"Kinakabahan kasi ako e."nanginginig niyang sabi. Mukha nganga kabado siya at pinagpapawisan pa siya ng malamig.

"Oo nga noh, nanginginig ka nga oh."tumingin ako sa kamay niya."Anong gusto mo? Gusto mo ba ng maiinom?"

"Ayos lang ba sayo kung humingi ako ng favor sayo?"nahihiya pa siyang humarap sa akin habang nag iinhale at exhale.

"Oo naman."agad na tugon ko."Kahit ano para sayo, Yassi. Anong pwede kong maitulong para hindi kana kabahan?"

Seryoso siyang tumingin sa akin habang may takot sa mata tsaka niya ibinaba ang tingin niya sa akin. Ako naman ngayon ang nanginig. Tinitignan niya ako ng malalim. Para ngang awkward tuloy ang feeling ko e.

"Yassi okay ka lang ba?"

"Magiging okay ako kung nandito ka lang." Tugon niya ng may malaking ngiti.

"Yassi tara na, mag stastart na."tawag sa kanya ni Yassi kaya bumitaw na siya sa kamay ko.

"Good luck ha."bilin ko tsaka siya ngumiti ng muli sa akin bago pa sumabak sa stage.

Kahit papaano, naituro ko parin yung steps na hindi nilang makuha kuha sa tulong ni Yassi. Ang bait talaga niya, kaya mas lalo ko siyang nagugustuhan. Nag eye contact nga kami kanina eh, nakita niyo ba yun? Haha. Tapos sinabi pa ni Jady bagay kami. Hahaha.

Mag sasalita na yung emcee,

"And the last special number for our school fair, the alumni presentation. Let's give them a big warm round of applause!" nagsipalakpakan na ang mga tao at tumugtog na yung remix, sumayaw na sila.

5 minutes and 34 seconds lang yung remix at may mash up na ginawa ko Kaya di naman na sila masyadong natagalan. Okay naman ang kinalabasan nung dance presentation. Kahit papaano kanina, nakisama na sila at nakinig samin ni Yassi. Ang ganda ganda talaga niya. Nakakatuwa siyang panuorin.

Bumaba na sila stage at ng group hug sa harapan ko. Ang saya saya nila dahil naging successful ang presentation nila.

"Oh, Johanne? Ano pang tinitingin tingin mo jan?"tanong sakin ni Yassi

"Oo nga, jumoin kana dito sa amin!"dagdag ni Jady

"Hay nako. Ganyan talaga yan, kaya pag kami sa barkada nag grugroup hug, napaka-KJ niyan!"dagdag pa ni Yassi.

"Sige, kayo nalang. Haha. Okay nako."sabi ko nalang sakanila. Pero nilapitan ako ni Yassi, at nagulat ako dahil niyakap niya ako. Aba, swineswerte yata ako ngayon sakanya ah, nakakailang points nako. Kanina, titigan, tapos holding hands, ngayon yakapan, ano pa kayang susunod?

"Thank you."bulong niya sa tenga ko.

"Para naman saan?"

"Kasi naging successful yung dance presentation namin ng dahil sayo."mas lalo niya pa ako niyakap.

"Wala yun. Lahat naman tayo nag effort eh."niyakap ko rin siya mas lalo. Parang ayaw ko na tuloy siyang bitawan. Ang sarap kasi sa pakiramdam nung yakap ng babaeng mahal mo tapos naging masaya siya ng dahil sa effort na ginawa mo.

"Uuuuuuuuuuuyyyyyyyyyy!!!!!!" sigaw nila Jady sa amin dahil hanggang ngayon kasi magka-yakap pa kami. Hahahaha. Kaya inaasar nanaman nila kami.

"Grabe ka naman Yassi!"

"Oo nga! Ang swerte mo naman!"

"Johanne! Pwede ako rin!!! Hahaha"

"Uy!!! Ako din!"

"Huy! Ano ba kayo! Hindi naman kayo bagay ni Johanne! Haha. Hayaan niyo na sila!"sita ni Jady sa kanila

Matapos nun, ay bumitaw na kami sa isat isa habang tawa ng tawa sa mga naririnig namin. Nang may humila sa aming dalawa ni Yassi.

"Ah, ate, kuya, san niyo po kami dadalhin?"gulat at nag aalalang tanong ni Yassi dun sa dalawang estudyante na humila nalang bigla bigla sa amin.

"Basta sumunod nalang po kayo ma'am sir!"sagot nung estudyanteng lalaki. Nag tinginan tuloy kaming pareho na walang ka-ideya ideya sa gagawin ng mga estudyanteng ito.

"Sige na po ate, kuya, mapapagalitan po kami pag walang nakitang nakiki-cooperate dun sa booth namin!"sabi naman nung estudyanteng babae at tsaka nila kami pinosasang dalawa ni Yassi.

"Ha? Bakit? Ano to?"nilalayo ko pa yung kamay ko sa posas pero nalock na nila ito kaya hindi na makakilos ang kamay ko.

"Ate, Kuya, bat kailangan pong may posas?"nakakunot pa ang noo ni Yassi na halatang naguguluhan din sa ginagawa ng mga estudyanteng ito.

Pero inignore lang nilang dalawa yung tanong namin at tsaka kami pinatakbo ng mabilis papunta sa booth nila

And guess what? Pareho kaming gulat ng makita namin yung booth

*THE KISSING BOOTH*

"Ate! Bakit niyo po kami dinala dito sa kissing booth?"nanlaki ang mata namin pareho ni Yassi.

"Ma'am sir, pasensya na po talaga. Couples naman po kayo eh."nakapout pa yung babae habang humihingi ng pasensya sa ginawa nilang pag hila bigla bigla sa amin.

"Ate hindi po kami--"

"Sir sige na po, anjan na po yung school fair organizer! Papagalitan na po kami!"pamumutol nila.

"Eh ano bang kailangan naming gawin?"usisa ko

"Mag kiss!!"chorus na sagot nila.

Hala, ito na ba yung susunod na ka-swertehan ko ngayong araw? Ang makahalikan si Yassi?

"A--ano?"sabay at gulat naming tanong ni Yas

"Sige na po ma'am. Please po! Maawa po kayo samin! Demonyo po yang magalit!"napatingin tuloy kaming dalawa ni Yassi sa papalapit na mukhang demonyong fair organizer yata nila. Nakakatakot nga ang mukha.

"O'sige, sige nanga."nagulat ako ng biglang mag salita si Yassi.

"Ha? Papayag ka? Okay lang sayo?"tanong ko sa kanya."Mag hahalikan tayong dalawa?"

"Eh nakaka-awa naman sila eh. Mukhang demonyo pa naman yung school fair organizer oh, ayan na! Gawin na natin!"pagmamadali niya.

Lord, thank you lord. Ang swerte ko po talaga! Pero kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung paano ko siya hahalikan.

"Ngayon na?"inosenteng tanong ko ulit

"Eh ano balak mo? Bukas pa? Dali na! Halikan mo nako!"

Tinignan ko na muna siya sa mata niya"O'sige, hahalikan na kita ah?"pamamaalam ko.

"Andami mo pang sinasabi eh."tsaka siya na ang kusang humalik sakin,ang awkard nito para sakin dahil gusto ko siya. Sa kanya kaya? Awkward din kaya? Gusto niya rin kaya ako kaya pumayag siyang magpahalik sakin?

__________________________________

VOTE.COMMENT.SHARE

@Dwaeji_princess

My MotivationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon