Burn's POV
Papunta pa lang kami ni Cad sa classroom. Etong si Cad kasi nalate nanaman ng bangon eh. Ewan ko ba kung anong pinagkakaabalahan nito pag gabi.
Papasok na kami ng classroom ng marealize namin, na wala yung mga classmate namin. Sa exit ng school kasi kami dumaan para hindi na kami mapagkaguluhan, mahirap na.
Asan naman kaya yung mga yun?
"Oh, bakit walang tao dito?"tanong ko kay Cad
"I don't know."nagkibit balikat lang din siya."What's our first subject ba?"
Nilabas ko ang schedule ko at tinignan ito. Research ang first subject namin pero wala naman na kaming gagawin dun dahil tapos na namin lahat ng product namin. Matagal pa naman ang defense kaya hindi pa namin minamadali ang paper works. May sample copy naman kami eh, so hindi na mahirap sa amin gawin yun. Nag focus lang talaga kami sa sari-sarili naming product. Patapos na rin ang research time at 20 minutes nalang, second subject na which is Science.
"Research, pero malapit na mag second subject, Science."tugon ko.
"So, who bought the frog in our group?"chineck din ni Cad ang schedule niya.
"Si Johanne na lahat ang nag dala kasi marami yun sa kanila eh. Magaling manghuli yun, at tsaka masarap mag fried frog yung lola nun."pagkwekwento ko."The best kayang pulutan yun."
Napansin kong parang nandiri ang hitsura ni Cad sa sinabi ko."What's with your face dude?"umiling iling lang siya like he was grossed about the frog thing.
"Ofcourse not."pagpapalusot pa niya. Mukhang diring diri siya eh, pero di niya pinapahalata."But, uhm-- are you, are you afraid of frog?"naiilang niyang usisa
*KRING!*
New CALL
From: Yerdi
DRAG DOWN TO ANSWER.
Sinagot ko na agad yung tawag ni Yerds
*ON THE PHONE*
"Burn, nasaan na kayo ni Cad?"
"Kayo? Nasan kayo? Ba't ang ingay jan?"
" Omg. May issue dito sa campus! Pumta a ky to! "
"Ano? Ang ingay?"
"Pmua kayo io sa cpus!"
"Ano? Hindi kita Marinig. Ang ingay."
"Ang sabi ko pumunta na kayo ngayond dito sa campus."
"Ngayon na?"
"Eh kailan niyo balak? Bukas pa?"
"Pwede rin. Hahaha."
"Burn naman eh! Dalian niyo na kasi!"
"Ano bang meron jan?"
"Basta, may tsismis! Pumunta na kayo!"
"Okay, papunta na kami."
"Bye. Dalian niyo!"
*CALL ENDED*
Elaine's POV
Aray ko naman! Pawis na pawis na talaga yung kili kili ko kakasiksikan sa mga tong mga to. Ang lakas pang makatapak ng paa eh, parang mga kabayo lang eh.
"Aray ko naman yung paa ko!"sigaw ko dun sa isang babaeng tinapakan yung little finger ko. Langya to, dinaig pa ang takong sa dinulot ng sakit sa little pinky ng paa ko.
Makatulak naman yung mga babae dito, ano bang meron dito sa campus? Nakisiksikan pa ako sa maraming chismosa. Eh nagkakagulo lang naman ng ganito pag dumadaan sila Burn, Bricks, Cad, at Johanne eh. Rally panga eh. Nag rarally yung mga harot sa buong campus.
"Secret Admirer?"
"Grabe, siya? I don't think so, beh."
"Omg? Is that true?"
"I don't know either and I don't believe it, like duh?"
Bakit puros secret admirer ang naririnig ko dito sa campus. Sino kaya ang may secret admirer at parang hindi makapaniwala tong mga babaeng to at inis na inis pa na parang kinaiinggitan yung babaeng may secret admirer.
At nakita ko sila Jessi dun sa may locker. Nakisiksikan ako mas lalo para malaman ko kung sino yung babaeng may secret admirer.
Nakita ko sila Jessi sa may locker, tinignan ko ang orasan ko, malapit na ang second subject. Mukhang bongga nga ang chismis na to at nagsilabas ang students sa campus pati na rin ang mga barkada ko kaya nilapitan ko sila
"Omg girl, may secret admirer ka?!"talon pa ng talon si Yassi at Yerdi.
"Wow. Naks naman Jessi. Sumesexy ka ah. Hahaha. Joke."saad pa ni Johanne tsaka nakipag appiran kay Bricks."Oo nga, umaasenso na. Hahahahha."
"Mga sira ulo."singhal sa kanila ni Jessi."Di rin noh."
"Anong di rin ka jan? Bessy ano ba, sinulatan kanga oh."tinaas pa ni Yerdi ang papel. Mukhang kagulat gulat nga talaga, dahil may secret admirer si Jessi omyghad!
"Jessi! Ikaw yung may secret admirer?"pag singit ko. Tsaka naman nag si-lapitan silang lahat sa akin.
"Oh, Elaine anjan kana pala. Namiss kita." sabi ni Yassi sa akin at yumakap siya. Kaya yumakap na rin lang naman ako.
"Wait, totoo ba? Jessi?"hindi ko makapaniwalang tanong. Tumingin lang si Jessi sa akin ng inosente ng parang hindi alam ang isasagot niya. Ang humble humble talaga nitong babaeng to kahit kailan eh."Uy, gerbe, congrats friend."tsaka ko siya niyakap. Ang saya saya ko talaga para kay Jessi.
"Wow talagang congrats? Langya ka naman."tinawanan ko pa ang mukha niya."Wala naman yan eh."
"Bakit naman wala?"tanong ni Johanne
"Eh sigurado naman akong nangtritrip to kung sino man ang nag sulat nito eh."agad na tugon ni Jessi. Kahit kailan talaga, maliit ang tingin niya sa sarili niya. Hayy. Ang ganda ganda nga ni Jessi sa katunayan eh. Medyo mataba nga lang kasi perovpag pumayat to, naiimagine ko na na sobrang ganda niya."Eh sino naman kaya ang magkakagusto sa isang tulad ko?"
"Bakit? Hindi ba pwedeng ako?"tumingin kaming lahat sa nag salita na nag dulot ng katahimikan sa buong campus. Si Cad. Omgee maprens.
Spell Awkward? J E S S I AT C A D
Isama mo na ang buong campus. Omg, gerbe tong dalawang to ah. Infernes, nabibuild up ang chemistry! Hahahahaha.Hooray for Jessi!!
"What is going on here? Go back to your classroom! Now!" sabat ni ms. PrincEpal.
Ano Ba naman to, panira ng moment. At lalong panira ng moment ni Jessi. Epal talaga to kahit kailan. Ang Ganda ganda nanga ng eksena eh, sisirain pa, kainis naman. Nanunuod pa kasi kami ng Jessi and Cad's love story eh. Sisingit pa tong matandang to, bakit hindi nalang kaya siya mag payaman sa mga tuition na nakukuha niya mula sa amin. Ugh. Okay, Im so mean na.
So ano pa ba ang magagawa namin? Eh di bumalik na kami sa mga classroom namin. Kainis naman kasi eh.
______________________________________
Thanks for reading
@