Bricks' POV
Hindi na muna ako pumasok ngayon, wala parin naman kaming ginagawa dahil nga katatapos lang ng sportsfest namin kaya eto, napag usapan namin ni Elaine kagabi na ngayon ko na ligawan yung mga kuya niya kaya nag punta ako ngayon dito sa bahay nila
"Good morning po kuya. Hi Elaine." bati ko sa kanila ng pag buksan ako ng gate ni Elaine. Ang ganda ganda nanaman ni Elaine. I like the way how she look so plain with her hair ponytailed yet she look so cute.
"Maka-kuya ka, hindi pa tayo close ah."bungad naman pabalik ni kuya Aj.
"Oo nga."pagsang-ayon ni kuya Gadian."Akala mo naman pumayag na kaming ligawan mo si bunso namin."
Sinamaan sila ng tingin ni Elaine."Kuya naman, tumigil na nga kayo."iritang sabi pa niya tsaka nag peace sign pa.
"Sorry po sir."paumanhin ko.
Ngumiti sa akin si Elaine ng malapad.
Natutuwa ako na pagkatapos ng nangyari lately, nakangiti uli siya ng ganyan. Pagkatapos ng mga nangyari sa kanilang dalawa ni Johanne pati na rin ni Yassi.
Alam ko naman na mahirap yung ginawa niyang pagpaparaya kagabi. Alam kong masakit sa kanya ang ipagtulakan si Yassi at si Johanne sa isa't isa. Pero para sa kasiyahan ng dalawang best friend niya, sinakripisyo niya ang sariling kaligayahan niya.
Sang-ayon ako sa ginawa niyang desisyon at saludo rin ako dun. Hindi naman kasi birong mag paraya e. Knowing tge fact na matagal niya ng mahal si Johanne.
Matagal tagal ko na rin na-obserbahan si Elaine tungkol sa nararamdaman niya kay Johanne pero nanatili akong tahimik tungkol dito dahil doubts pa lang ang meron ako nun. Pero nung nakita kong nasasaktan na siya, dun ko siya nilapitan dahil sa pagkakaalam ko, hindi ko gustong hayaan na masaktan siya at sarilihin niya ang problema niya.
Binigay ko kay Elaine yung binili kong fresh flowers sa isang flower shop. Binili ko rin siya ng dalawang malaking supot ng maltesers, tatlong malaking supot ng reeses, ferrero rocher, Macademia, at Toblerone. Hindi ko kasi alam ang favorite chocolate ni Elaine kaya binili ko nalang lahat ng nakita ko at alam kong masarap para sa kanya. Sana nga magustuhan niya tong mga pinamili ko e.
"Uy, nag abala ka pa Bricks."nahihiyang sabi niya habang tinitignan ang mga tsokolateng pinamili ko."Ang dami naman neto, balak mo ba akong bigyan ng diabetes?"
Natawa ako."Hindi no. Bakit? Sweet na ba masyado?"
Hinuhuli ko ang tingin niya pero ayaw niyang mag pahuli."Ano ka ba."hinampas niya ako ng konti sa braso."Ang dami kasi nito masyado e. Beng beng lhanq zhapat nuah."
"Anong ikaw lang sapat na? Wag nga muna kayong mag landian."paningit uli ni kuya Gadian. Napahagikgik tuloy kaming dalawa ni Elaine tsaka niya tinagiliran ang kuya niya.
Napatayo ako ng matuwid at napatigil sa pag hagikgik nang makita ko ang panganay niyang kuya na si kuya Pete."Gusto mo ba talagang ligawan tong bunso namin ha Bricks?"
"Opo sir. Gustong gusto ko po talaga si Elaine. Mahal na mahal ko po siya. Gagawin ko po lahat para sakanya." agad agad kong sagot.
Pero nag tawanan lang silang tatlo ng kuya niya. I know I sounded cheesier than ever but I don't care. Mahal ko si Elaine. At kung kinakailangan kong maging mais para lang mapatunayan sa mga kuya niya na sincere ako kay Elaine, gagawin ko yun at aaraw-arawin ko para sa kanya.
"Talaga lang ah. Sige. Tignan natin kung naiintindihan mo talaga yang mahal na yan."napailing iling si kuya Pete habang natatawa parin sa sinabi kong yun.
"Talaga bang lahat gagawin mo? Baka mag sisi ka sa sinabi mo."pagbabanta niya pa."Habang maaga pa, pinapayagan na kitang mag back out."
"Hindi po sir. Kahit ano po, kaya kong gawin. Ano po bang gagawin ko?"tanong ko.
Napatingin sa paligid ligid ang tatlong kuya ni Elaine tsaka nag salita si kuya Aj "Ah, kami kasi, maarte kaming mga lalaki pag nililigawan kami, gusto namin yung karaanang paraan."
"Which means?"
"Which means?"ginaya pa talaga ni kuya Gadian ang tono at accent ko."Gusto namin, gawin mo yung tamang paraan ng panliligaw. Alam mo ba yun?"
Napaisip ako ngunit napakibit balikat rin nung mawari kong wala akong alam sa mga karaanang panliligaw."Uhm, give them sweets, flowers, and some stuffs?"
Nag sitawanan nanaman sila ng marinig ang sinagot ko.
May corni nanaman ba sa sinabi ko? I guess no. O baka talagang mali lang ang sinagot ko? E wala naman kasi akong alam talaga sa mga ganyan e. In the first place, I wasn't raised by my parents being taught by those old ways of wooing a girl.
"Ano? Sweet kendi an stapps? Ano bang sinasabi mo? Hahaha. Manliligaw ka ba talaga?"tumango ako kay kuya Gadian.
"Eh bat hindi mo yata alam kung pano yung tamang panunuyo?" si kuya Aj naman yan."Alam mo kasi brad, dati, yung mga lalaki, pag nanliligaw, nag iigib ng tubig, nag sisibak ng kahoy, mga ganun."
Napanganga ako ng konti."So, are you saying I have to do it all?"
"Opcourse braderhud. Oh dali, simulan mo na."utos nila.
Tsaka na ako nag simula mag igib ng tubig. Sampung balde pa yata ang pupunuin ko bago ako tumigil e. Joke. Ewan ko kung anong trip ng mga kuya ni Elaine pero pag liligo yata buong araw ang gagawin nila.
~
Mga anim na timba ang iigibin ko. Pang lima ko na ngayon, isa pa. Tagaktak na ang pawis sa buong katawan ko. Wooh. Kaya mo to Bricks.
"Oh ano, pagod kana ba?"umiling lang ako kay Kuya Aj.
Kumagat pa siya sa binigay kong tsokolate kay Elaine."Ang sarap nito ah. Anong tawag dito brad?"
"Macademia po sir."sagot ko.
"Ano? Makadonya?"kumunot ang noo niya.
"Hindi po sir, Macademia po."pag-cocorrect ko.
"Parehas lang naman yun ah."sabi niya."Mag dala ka uli ng ganito bukas ah."tumango nalang ako ulit ng nakangiti at umalis na siya.
Pagkatapos kong mag igib, pinagsibak naman ako ng kahoy.
"Kuya, ba't mo naman siya pinagsisibak ng kahoy?"gulat na tanong ni Elaine kay kuya Gadian.
"Para sa Belen." bored na sagot ni kuya Gadian.
"Belen? Eh matagal pa pasko ah."pagtataka ni Elaine.
"Eh trip kong pagsibakin siya eh. Bakit ba?"inisnob lang siya ng kuya niya tsaka siya napatingin sa akin."Uy okay ka lang? Kaya mo pa ba?"
"Relax ka lang. Kaya ko pa to."ngumiti ako ng matamis sa kanya.
Pagkatapos ko naman mag sibak ng kahoy, pinaglaba ako ng mga kuya niya. Nakakapagod pala manligaw ng lalaki. *sigh*
"Ano? Suko kana ba?"tanong ni kuya Pete tsaka sila umalis at nagsihalakhakan kasama pa ang dalawang kuya ni Elaine.
"Uy, pawis na pawis kana ah. Mag hubad ka na. Baka magkasakit kapa niyan." kitang kita ko ang pag aalala sa mukha ni Elaine.
"Hoy, hoy anong hubad?"paningin ni kuya Gadian
"Kakayanin ko to para sayo. I love you."kinindatan ko siya.
"Oy, anong aylabyu yan? Hindi panga kayo aylabyu, kelalandi niyo."piningot ni kuya Aj si Elaine at hinila palayo sa kinatatayuan niya.
Nag flying kiss naman siya bago tuluyan mawala sa paningin ko.
Nakakagaan sa pakiramdam ang ngiti niya. Oo. Pagod nako physically, pero hinding hindi ako mapapagod gawin to gaya likewise, di rin ako mapapagod mahalin si Elaine kahit anong mangyari.
___________________________________
VOTE.COMMENT.SHARE
@Dwaeji_princess