Chapter 14

840 22 3
                                    

Johanne's POV

Nag huhugas ako ng plato ngayon, sigurado nag tataka kayo dahil hindi naman gawain ng isang lalaki to at kahit ako ang loko loko sa barkada matino ako sa bahay. Eh kasi Tinutulungan ko si lola Martha sa mga gawaing bahay eh.

Si lola at ang papa ko na ang nag palaki sa akin. Sabi ni papa, wala pa daw akong isang taon, iniwan na ako nung mama ko. Kahit anong pilit ko ayaw niyang sabihin sa akin yung reason kung bakit eh.

Ramdam kong galit parin siya sa ginawang pag iwan sa amin ni mama dati pero alam ko naman na mahal parin ni papa si mama kasi nahuli ko siyang nakatingin sa litrato ng isang babae pero hindi ko na mahanap kung saan kaya hindi ko nakita yung itsura ng babae, sigurado naman akong si mama yun.

Pero somehow, kahit ganun ang ginawa niya sa amin ni papa gusto ko parin siyang makita at makilala.

"Siya nga pala, may good news ako sayo apo."biglang nag salita si lola Martha habang nag sasandok ng niluto niya giniling.

"Ano po yun?"tanong ko naman tsaka ako nag punas ng kamay gamit ang isang towel na naka-hang sa refrigerator dahil tapos na rin naman na akong mag hugas ng plato.

Umupo na kaming dalawa sa harap ng hapag-kainan."Yung amiga ko kasi, yung apo niya at mga dati niyang kaibigan, gagawa ng dance presentation sa school fair nila, tinatanong kung pwede kang mag choreo."tuwang tuwang pag kwekwento niya. Natuwa naman ako dahil may bago nanaman akong tuturuan. Bukod sa gusto ko kasi yung ginagawa ko, may kinikita pa ako so doble ang allowance ko lalo na pag bibigyan pa ako ni papa. Haha. Astig diba? Dami kong pera.

"Oo naman po lola."agad kong tugon."Pwedeng pwede. Kailan po ba yan?"napatingin siya sa 3310 niyang phone niya. Sosyal tong lola ko diba, kahit ganyan ang phone niya kaluma marunong mag laro yan ng sudoku noh. Magaling kaya tong lola ko sa math kung hindi niyo naitatanong.

"Sabi nga sakin, kung pwede bukas na kung pumayag ka."

"Sige po."sabi ko naman agad tsaka binigay niya sa akin yung number nung apo ng amiga niya.

Ng matapos kaming kumain ni lola, nag ligpit na muna ako ng pinagkainan namin at tsaka nag walis ng kusina.

"Pa, anjan na po pala kayo."nakarating na pala si papa galing trabaho. Sea man kasi siya kaya once a week lang siyang umuuwi dito.

Nag bless na agad ako kay papa."May dala nga pala akong sugpo galing sa kaibigan ko."inabot niya sa akin ang mga sariwa at nagsisilakihang sugpo na naka-plastic.

"Mukhang masarap po yan ah."sabi ko."Pa,meron po pala akong good news sa inyo."

"Ano yun?"agad niya naman tanong habang nag mamano kay lola.

"May offer po kasi yung amiga ni lola kung pwede daw akong mag choreo. Nangangailangan kasi ng choreo yung apo niya para yata sa isang event sa school."tuwang tuwang pagkwekwento ko.

"Mabuti kung ganun."sabi niya naman."Mas maganda yan para makapag-ipon ka pa sa sarili mong sikap."proud na dagdag niya.

Bigla ko tuloy naalala si mama. Siguro kong nandito siya, kwinekwento ko rin sa kanya itong maliit na achievement na nagagawa ko."Siguro kung nandito si mama, magiging proud rin siya sa akin."nag tinginan naman si papa at si lola sa sinabi ko.

Napabuntong hininga na lamang si papa at tsaka nag iba nanaman ang timpla ng mukha."Diba, sinabi ko na sayo, kalimutan mo na ang mama mo? Hindi ka ba masaya samin ng lola mo?"seryosong usisa niya

"Hindi naman po sa ganun."paglilinaw ko."Pero syempre iba parin pag meron akong mama."

"Alam mo, hinding hindi mo na makikilala ang mama mo."seryosong sambit niya habang nag tatanggal ng kanyang sapatos.

Napatingin din ako sa kanya ng seryoso. Na-curious nanaman kasi ang utak ko kaya gusto ko nanaman ungkatin ang nangyari kay mama."Pa, ano ba kasi nangyari kay mama?"tanong ko sa kanya uli. Ayan ang paulit ulit kong tanong pero kahit kailan wala siyang sinabi sa akin ni katiting na impormasyon tungkol sa tinatanong ko.

"Wag mo ng alamin."napailing pa siya."Iniwan niya tayo. Iniwan ka niya."

"Pa, please sabihin niyo na po sa akin."pamimilit ko."16 nako. Siguro naman kaya ko ng maintindihan ang nangyari sainyo."

"Ayokong sabihin sayo dahil ayaw na kitang masaktan."paliwanag niya."Hindi porket malaki kana, kaya mo intindihin lahat."mariin pa nitong dagdag pero sadyang may kung ano sa loob ko na nag tutulak sa akin para alamin ang totoo."Pa, malaki na ako."

Bad trip na siyang tumingin sa akin kaya alam ko ng magagalit nanaman siya."Gusto mo ba talaga malaman ang totoo?"

Mabilisan akong tumango dahil hindi ko inasahan na ayun ang susunod niya sasabihin."Opo pa. Kaya ko ng intindihin."

"Nabuntis ko ang mama mo nung 18 pa lang siya. Handa akong panagutan ka nun kahit na alam kong masisira ang kinabukasan ko at magagalit ang lolo mo. Pero yung mama mo, ikinahiya niya akong ipakilala sa family niya dahil mahirap lang kami."pagkwekwento niya."That's why I sent you to a great school, dahil ayaw kong matulad ka sakin. Pagkatapos ka niyang ipanganak, iniwan ka nalang niya sakin. Hindi ko na siya nakita."

Natahimik ako sa narinig ko. Wala akong kasiguraduhan kung nag sasabi ng katotohanan si papa pero nasaktan ako sa mga nalaman ko.

Brick's POV

Nag bibihis na ako ngayon kasi susunduin ko na si Yassi pagkatapos ko. May 30 minutes pa ako para mag ayos bago mag 6:00  kaya mas makakapaghanda pa ako.

"Bro, saan ang mall show natin ngayon? Hahaha."nang-aasar na tanong sakin ng kuya ko, si Kuya JC, dalawa lang pala kaming mag kapatid."Sama mo naman ako oh, baka naman may chikababe pa akong makilala dun."ayan nanaman ang kuya kong babaero. Good thing Im good boy at hindi ko namana sa kanya yun.

"Di noh."agad kong depensa."May susunduin lang ako."

"Siguro si Yassi babe mo noh."natawa pa siya habang nag lalaro sa Ps4 niya.

"Tongaks."napa-iling iling nalang akk."Hindi ko yun babe. Best friend ko lang yun."paglilinaw ko sa kanya.

"Best friend mo yang mukha mo."bulyaw niya sa akin tsaka pa ako binato ng unan.

I just rolled my eyes on him."Whatever you say bro."binato ko sa kanya pabalik yung unan na tinapon niya sa'kin tsaka na ako bumaba ng stairs para makaalis na.

_______________________________________

Thanks for reading

@Dwaeji_princess

My MotivationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon