~
At matapos ang makapang-bwiset na pang-aasar nilang lahat sa amin ni Cad, pabalik na kami ngayon ng classroom para matigil na ang kadugyutan ng JessCad shippers na yan.
Kahit nga daw di na mag klase busy naman mga teachers dahil sa kakatapos ng sporstfest at pinagbigyan kami ng adviser namin since kami naman nanalo sa championship.
Ang mga boys naman, dumaan pa sa gym para kausapin si sir Kenneth.
Paparaan na kami dito sa may locker ng madatnan namin si Cad. Anong ginagawa nito dito?
"Uy Cad, anong ginagawa mo dito?"tanong sa kanya ni Yassi.
Gulat na gulat naman ang expression niya."Ako?"nag palinga linga pa siya."Wala ah. Wala akong ginagawa dito."nag tinginan kaming tatlo sa mataas na boses ni Cad eh ang ayos ayos naman ng tanong sa kanya ni Yassi.
"Eh ba't ang taas ng boses mo? Galit lang, galit lang?"patay malisyang busisi ni Elaine.
"Hindi ah."bumaba naman na ang tono ng boses niya."Sige, mauuna na ako, hinihintay na ako nila Burn sa gym eh, bye."umalis na siya agad pagkatapos nun kaya kami, deadma nalang.
"Anyare dun?"tanong ko.
"Ewan namin."tugon ni Elaine
"Omgee, hindi kaya siya ang secret admirer mo?"sabi pa ni Yassi. Nag tinginan silang tatlo at napasigaw pa ng malakas sa sobrang kaharutan sa naisip na kadugyotan ni Yassi.
"Omg, bessy! I-check natin yung locker mo!"harot na sabi ni bessy. Wala naman akong maalalang librong kailangan namin kunin na nandito sa locker ko dahil wednesday ngayon. Ang iniiwan lang kasi namin dito yung mga pang tuesday at thursday.
"Ha? Bakit pa?"nag tataka kong tanong."May libro ba tayong kukunin?"
"Jessi? Seriously?"napairap ng bongga si Yassi."Where's your common sense?"
"Bakit? Tama naman ako ah. Wednesday naman ngayon oh?"pinakita ko pa yung calendar ng phone ko sa kanila pero ang eepic ng reaksyon nila. Mas lalo tuloy akong nag taka sa mga poker face nila.
"Jessi ano ka ba, Oh di titignan natin kung may love letter uli para sayo yung secret admirer mo!"bunyag na sabi ni Elaine. Psh. Oh tignan mo tong mga girlfriends ko, mas OA pa kung umasta sa may secret admirer diba? Kinabog ako eh. Ewan ko kung bakit gustong gusto pa nilang ipursige yung pag check ng locker ko everytime na dadaan kami dito. Dahil sigurado lang naman na trip lang tong secret admirer na to eh. Napaka imposible naman kasing isipin para sa isang tulad ko. I bet pinagtritripan nanaman ako ng mga hipon prens na mga yon. Para mapahiya ako. Ayun naman palagi ang gusto nila e. Kahit wala na akong ginagawa, palagi nila akong pinapahiya.
"Hay nako. Wag na. Punta na tayo ng classroom."pagtanggi ko.
"Oh tignan mo to, umiral nanaman ang pagka-KillJoy."napakamot pa ng ulo si Elaine
"Tommmmooo!"pag agree ni Yas.
"Ano ba naman kayo, nag sasayang lang naman tayo ng oras dito eh. Pumasok nanga lang tayo, tuturuan ko nalang kayo sa calculus."KJ na sambit ko. KJ na kung KJ. Aba, ayaw ba nila yun. Libre nanga mag paturo sa akin ng calculus eh, kaysa naman atupagin pa nila yang lecheng secret admirer na yan na hindi naman talaga nag eexist sa mundong to. Wala naman talagang secret admirer na tao. Manlolokong tao, meron.
"Bessy naman eh! Sige na!!"pamimilit pa ni bessy."Please, sige na. Titignan lang naman namin kung meron eh."nag please sign pa siya at nag paawa awa pa.
"Hay nako. Bahala kayo."give up kong sabi sa kanila. Eh ano pa bang magagawa ko, andito na rin lang kami eh, at sure naman akong paulit ulit nila akong kukulitin pag dating ng classroom."Oh etong susi, gusto niyo, kayo nalang mag bukas." sagot ko tsaka ko kinuha sa bag ko ang susi ng locker ko at iniabot ko kay Yerdi
"Akin na!"hinablot ni bessy agad ang susi ng locker ko na hawak hawak ko. Napaka excited talaga ng gagang to. Hayyzzxcc
"Tsk. Tsk. Goodluck nalang sa inyo. Wala naman kayong mapapala jan."mapaklang sabi ko.
"Meron yaaaaaan."positive na positive na pahayag ni Elaine.
"Oo nga. Nega ka talaga ever."komento pa ni Yassi. Sinusian na nila ang locker ko, at merong uling nahulog na paper na maraming heart.
"Omg bessy!!!! Sumulat siya ulit!!"sigaw ni Yerdi at tsaka patalon talon silang tatlo at nag titili sabay sabay. OA naman ng mga to parang ewab eh.
"Uy, ano ba kayo. Wag nga kayong maingay.Mamaya may makarinig sa inyo."sita ko sa kanilang tatlo.
"Ano ba! Nakakakilig kasi ehh! Hayaan mo nga yung makakarinig! Hihihi."pagwalang bahalang tugon lang ni Yerdi.
"Oo nga. Wala silang paki. Hahaha."dagdag ni Yas sabay na naki-appir kila Yerdi at Elaine.
"Wala palang mapapala ah. Haha. Ano ka ngayon? Huy Yerdi! Pabasa naman! Sinasarili mo naman!!"nag agawan pa silang tatlo dun ng parang mga bata. Akala mo naman candy ang pinagaagawan eh walang kwentang sulat lang naman.
"Huy dalian niyo na kasi. Halina kayo, pumunta na tayo ng classroom."pamimilit ko sa kanila.
"Sus. Classroom ka jan. Mag aaral ka nanaman! Landi landi rin pag may time!"saad ni Elaine
"Guys. Next time nalang, tinatamad ako ngayon eh."bored na sagot ko.
"Tinatamad? So may schedule ang paglalandi? Hahahaha."si Yassi naman yan. Nag simula na si Yerdi na basahin ang sulat.
Dear Jessi,
Alam ko wala kang idea kung sino ako. I just want you to know that, I really really like you so much from the first time I laid my eyes on you. Please Jessica. Believe me. Hindi ako nangtritrip. Gustong gusto kita Jessica matagal na. I hope you don't mind if I'd ask for your response.
Sincerely,
Your Secret Admirer~
Bumalik akong mag isa ng locker ko dahil naiwan ko yung Values book ko dito nung nakaraang araw. Pinauna ko na sila Yerdi dahil malapit na rin mag time at para meron mag palusot kung madatnan man ako ni Ms. Jane sa klase. Yari nanaman kasi ako kay Ms. Jane kapag nakita niyang wala akong libro eh. Baka ipareport niya na sa akin yung buong Unit ng libro namin. Strikto pa naman yung teacher namin na yun, palibhasa kasi walang love life e. Yung school janitor nanga lang ang kasparks niya, nag resign pa. R.I.P to ms. Jane's love life nalang. Charot lang.
Nakapagtataka ng makita kong muli si Cad na nakatagilid. Mas lalo akong nag taka ng makita kong may isinisiksik siya sa locker ko. Tama nga. Hindi ako nagkakamali. Locker ko nga yung pinagsisiksikan niya ng mga makukulay na papel at may design na heart at flower pa.
Omylerd god. Don't tell me, si Cad nga talaga ang secret admirer ko?
*PAK!*
"Ms. Rigell, report the whole unit 3 and 4! Tulog ka ng tulog!"na-alarma ako ng batukan ako at talakan ako ng values teacher naming walang ka-sparks.
Bakit ganun yung napanaginipan ko, parang totoong totoo talaga? Parang totoong si Cad nga yung secret admirer ko.
_______________________________________
Thanks for reading!
@Dwaeji_princess