Chapter 54

402 13 2
                                    

Zirri's POV

Alam mo yung bagong ligo? Ako yun eh. Bagong ligo ng pawis. Ang dogyot dogyot ko na. Gusto na umuwi at maligo sa dorm!

Yung kili kili ko, damang dama ko na talaga yung kalagkitan. Yaks. Feeling ko nga live na live akong naliligo ng pawis sa harap ng maraming customers dito sa restaurant e.

Ilang oras ka ba naman kasing mag waitress, mag cook at the same time. Hassle nanga e. Dapat dito kay sir Garnette dinadagdagan yung sweldo ko sa pagpapawis ko ng kili kili minu-minuto. Hindi lang naman ako waitress dito sa tingin ko, dahil ngayonblang ako aware na pang-all around ang peg ko dito. Hayy. Juskufo.

"Oh, pahinga muna." biglang sabi ni Sir Garnette habang dumadaan ako sa table #6 kaya napahinto ako.

"Nanjan po pala kayo. Okay lang po ako sir. Kaya ko po ito."positibong saad ko sa kanya. Todo ngiti pa ako at hindi ko pinapakitang pagod na pagod na ako. Baka kasi mamaya, mabigyan uli ako ng bonus nitong si sir kaya magpapakabait muna ako.

"Come, rest for a while. Sit beside me."tinapik niya pa ang upuan na nasa tabi ng lamesang pinagsasandalan niya.

"Si--sir?"pag-uulit ko. Maka-aya naman neto, parang ano lang e. Nakakailang na talaga si sir pagkatapos ng mga nangyari  sa amin lately.

"Mag pahinga ka muna sabi ko. Halika."aya niya."Basang basa kana ng pawis oh."pero napanganga lang ako. Parang awkward parin kasi eh. Di ako sanay na pinapalapit niya ako sa kanya. Actually, kanina pa siya tawag ng tawag sa akin pero kunyare wala nalang akong naririnig. Iwas iwas sa kailangan pag may time. Pero this time wala na yata akong takas. Inabangan niya yata talaga ako sa last serve ko.

"Zirri, are you deaf?"tinaasan niya ako ng kilay.

Umiling ako habang hindi siya tinatapunan ng tingin."Hi--hindi po sir."

"I said come here."mariin na utos niya kaya pumunta na ako sa table at umupo sa upuan na nasa tabi niya. Nakita ko namang tumingin ng masama sakin si Steff the bruha. Eto talaga inggit nanaman sa akin. Palibhasa kahit anong gawin niyang paglalandi kay sir hindi umuubra sa basura niyang ugali e.

Tahimik lang kaming dalawa na umupo dun. Nakatingin siya sa akin pero ako naman ay nakatingin lang sa mga customers na nagsisialisan at nagsisidatingan.

"Hmm, uso umimik diba?"tinabihan niya na ako ngayon sa upuan.

"Sir so--sorry po."nahihiyang paumanhin ko."Hi--hindi po talaga kasi ako sanay eh."

"Masasanay ka rin."tumingin siya sa akin ng seryoso kaya umiwas nalang ako."Oh bakit parang naiilang ka parin sa akin?"tanong niya

"Sorry talaga di po talaga ako sanay ng ganito. Pasensya na po kung sobrang naiilang po ako sa inyo."hindi parin ako makatingin sa kanya pero parang pinapaharap niya ako sa kanya.

"Look Zirri, pwede ba wag ka ng mailang sa akin. Kasi nahihirapan ako sayo eh."humarap nalang ako sa kanya ng nakayuko dahil hiyang hiya parin ako sa mga ginagawa niya. Damang dama ko pa yung inggit na inggit na tingin ni Steff bruha at dinig na dinig ko rin ang padyakan ng mga paa ng lahat ng co-waitress ko dahil sa kilig. Lahat naman kasi sila kaibigan ko dito maliban nalang sa isang hater ko dito na si Steff bruha na sobrang insecure at inggit na inggit sa akin.

Huminga ng malalim si sir."Tutal, pumayag ka naman na diba?"tanong niya

Bigla tuloy akong napaisip kung saan ako pumayag na sinasabi niya."Pumayag po saan sir?"

"Na, na ano, ligawan kita."pagbubunyag niya habang nakangisi pa.

"Po?!"nanlaki ang mga mata ko tsaka niya ginanti sa akin ito.

"Oh, ba't parang gulat ka? Na parang hindi mo alam ang nangyari sa atin kagabi?"mas lalong lumapad ang ngisi niya ngayon.

OMg, hindi na ba ako virgin? May nangyari daw sa amin kagabi? Hala. Wait, hindi ko maalala."Ha? Ano pong nangyari sa atin kagabi sir? Hindi ko po maalala eh."napakamot pa ako ng ulo ko.

"Hindi mo maalala?"nilakihan niya pa ako ng mata."Zirri naman, kagabi lang natin ginawa yun? Tapos nakalimutan mo na agad yung nangyari sa atin?"kinakabahan na talaga ako.Hala, tama yata ako, hindi na ako virgin? Ano ba yan kasi, hindi ko talaga maalala, nagka-amnesia yata ako.

"Sir? Hindi ko po talaga ano--Ano po yun?"tanong ko ulit.

"Yun na yun. Alam mo na yun."muli akong napaisip sa nangyari sa aming dalawa kagabi. Pero wala talaga akong matandaan na intercourse na nangyari. Ang alam ko lang naman nag uusap lang naman kami. Pero yung sinasabi niyang nag ano? Ano ba talaga. Meron nga ba talaga?"Nag ano po tayo sir?"kumunot lang ang noo niya."Nag s--sex po tayo kagabi sir?"

Mas lalo niya akong pinandilatan ng mata."What the hell!? How did you arrive in such situation?" Napabuntong hininga ako. Yes! Virgin pa pala ako! Akala ko inano niya na yung ano ko. Langya naman kasi to, nung kagabing isa ninakawan ako ng halik which means hindi na virgin yung lips ko, tapos kagabi? Ano ba yan, hindi ko talaga maalala.

"Eh kasi sir sabi niyo po may nangyari po sa atin eh. Ano po ba talaga?"

"Pumayag kana nga na ligawan na kita."sabi niya. Ayun naman pala ang tinutukoy niya ang dami dami niya kasing sinsabing ano e. May paligoy ligoy pa siyang ano jan e.

"Oo nga po pala. Pasensya na po sir ah. Makakalimutin po kasi ako eh."natawa ako sa sarili ko tsaka niya ako sinaluhan."Oh ano, okay na? Naalala mo na?"

"Opo sir."tumango ako."Naalala ko nga po yung drama lines niyo sakin eh. Yung Mga ka-cornihan niyo kagabi. Hahaha."

Tumigil na siya ngayon sa pag tawa niya."What? What did I say?"

"Yung may payakap yakap pa kayong nalalaman, mga sinasabi niyong, 'Zirri, please, bigyan mo'ko ng pagkakataon para mag mahal uli. Achuchuchu. Zirri gusto ki--"

"Wait, wait, stop. "pamumutol niya na parang naiirita siya ginagawa kong panggaya sa kanya kung gaano siya kacorni kagabi.

"Bakit sir? Ayaw niyo na po bang maalala kung gaano kayo ka-corny?"patay malisya kong sabi sa kanya tsaka nag salubong ang kilay niya ng tawanan ko siya.

"Zirri, I said stop."mariin niyang busisi.

"Bakit sir? Haha. Ano pong gagawin niyo?"panghahamon ko. May pagalit galit pa tong nalalaman e napaka corni naman ng peg kagabi. Akala niya siguro nakalimutan ko yung mga linya niya kagabi, ang ganda niya kayang pikunin.

"Hahalikan kita ulit."ngumisi siya."Gusto mo ba yun?"

"Kaya niyo? Dito sa harap ng maraming tao?"inikot ko pa ang paningin ko sa restaurant at nag crossed arms pa.

"Oo naman."buong loob niyang pag sasalita. Nilapit niya ang sarili niya sa akin."Hinahamon mo ba ako?"

Konting lapit niya pa ay magkakadikit nanaman talaga ang labi namin. Kaya bigla akong napaisip. Feeling ko kasi itutuloy niya e. Makapal pa naman tong manyak na to."Ahy sir, joke lang pala. Alam ko kasi may pagka-manyak kayo eh. Hahaha. Ninakawan niyo nga po ako ng halik nung isang gabi eh."

"Anong sabi mo? Ako manyak?"tinuro niya pa ang sarili niya.

"Joke lang po sir."paglilinaw ko."Next time nalang po pag sinagot ko na kayo."

"Ibig mo bang sabihin may pag-asa ako?"nginisian niya nanaman ako.

"Pwede na rin po sir." tumango tango ako.
_______________________________________

Vote.Comment.Share.

@Dwaeji_princess

My MotivationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon