____________________________________
~
Kanina pa ako hinihingal sa tuloy tuloy kong pag tatakbo. Exercise yata ang ginagawa ko ngayon eh. Guess what kung anong klaseng excercise?
The Takbuhan Si Cad Excercise.
Kasi ang kulit niya, ayaw niya nanaman akong tigilan eh. Nahihiya akong harapin aiya dahil alam ko naman na pipilitin niya akong umamin sa inasal kong kagagahan kahapon. Alam kong nakita niya akong naluluha nung tumakbo ako kahapon.
"Jessi, bakit ka ba tumatakbo?"hingal na hingal na tanong niya.
"Eh bakit ka ba kasi habol ng habol?" pilosopong tugon ko pabalik.
"Wait, Jessi! Stop! Pagod na ako. Ang bilis mo palang tumakbo." sigaw niya.
Eh may awa naman ako, so ayun. Huminto naman ako. Pagod na rin naman ako dahil kanina pa talaga kami. Bet ko ilang balde ma ng taba ang nailabas ko dahil dito sa lalaking 'to.
Napahinto at napaupo kami dito sa bench tree na naman. Ang dami ko talagang scene dito. Eto talagang lugar na 'to kung saan nag simula ang lahat, ito ang may kasalanan ng lahat eh! O'sige push! Sisihin ang bench tree!
Nanahimik muna kaming dalawa dun. Walang imikan. Pahinga lang hanggang sa mag tangka siyang basagin ang katahimikan na namumuo do'n."Why did you walked out and cry yesterday? Namamaga pa yang mata mo."
Nag iwas ako ng tingin. Sabi ko na nga ba, ayun agad ang itatanong niya e."Ano bang sinasabi mo? Hindi naman ako umiyak. At yan, nakagat yan ng lamok."pagpapalusot ko na naman. Gasgas na gasgas pa talaga yung napili kong alibay.
"Ako ba niloloko mo?"umiling lang ako."Jessi, will you stop lying to me."
"Hindi naman talaga ako nag sisinungaling sayo ah."pagsisinungaling ko na naman.
"Jessi pwede ba? Aminin mo na."iritang pamimilit niya.
"Ang alin?"pagmamaang-maangan ko ulit. Ano ba yan, nakakainis. Sana pala pinagpatuloy ko nalang ang pag takbo kanina hanggang sa hindi na niya ako mahabol. Nakaiwas na sana ako ng sakut ng ulo, nakabawas pa ako ng taba ko.
"I know you know what I mean."mariin niyang sabi. Inirapan pa niya talaga ako.
"Kamote ka. Ano nga yun?"pinanlakihan ko siya ng mata.
"Jessi wag nanga tayong mag lokohan dito. It's not even--"
"Oo na. Mahal din kita."nadulas na pag amin ko. Wala na akong magawa sa kakulitan niya. Alam kong paulut-ulit niya akong kukulitin dito kaya no choice na ako.
"Nag walk out ako kahapon, dahil hindi ko kayang makitang nag lalandian kayo sa harapan ko. Selos na selos nako kahapon, oh masaya ka na?"mahaba kong explanation.
Pero tangina lang. Tinawanan niya lang ako. Aba gago to ah, ang haba habang ng sinabi ng dialog na ginawa ni ms. Author para sa akin, tapos tatawanan niya lang ako? Ipaalis ko kaya siya sa cast ng storyang to?
"Eh kasalanan ko bang nilalandi niya ako? Nakita mo naman diba, siya ang humahalik sa akin."tawa lang siya ng tawa. Malamang siguro tinatawanan niya yong ka-immatur-an ko na nalaman niyang nag seselos ako.
Pulang pula na siguro ako sa kahihiyan ngayon."Oh anong nakakatawa?"iritadong tanong ko.
Napailing-iling aiya."Nag selos ka na agad dun?"
"Ano naman sa tingin mo? Eh kung halikan ako ni kuya Gelo sa harap mo?"nilakihan ko siya ng mata. Tatanong tanong pa siya diyan e."Parang hindi ka nag seselos kay kuya Gelo eh mas grabe kapa nga eh. Daig mo pa babae ang babae."