Burn's POV
Hindi ko maiwasan hindi mapangiti kahit na sa pag uwi ko. Sobrang saya ko ngayon dahil sa wakas, kami na ni Yerdi. Sinagot na niya ako.
"Good evening po tita."bati ni Cad kay mommy tsaka nag beso at ganun din ang ginawa ko. Mukhang antok na si mama dahil nakapantulog na siya at mukhang matutulog na talaga.
"Oh, nalate kayo ng uwi ngayon ah."namimikit mikit na ang mata niya habang nag sasalita.
"Mukhang inaantok kana ma, goodnight mom."I gave her a good night kiss."Where's Jillian?"I asked.
"Nakatulog na kakaantay sayo eh."nanghihinayang na sabi niya."Goodnight, matulog na rin kayong dalawa after you take a bath."bilin niya.
"Sayang naman hindi ko siya naabutan."
Nag yawn si mommy."Sige. I'll go upstairs na. Good night. Tulog na kayo boys."huling sambit niya tsaka na siya tumaas sa stairs.
Hindi na muna kami tumaas ni Cad, bukod sa may insomnia siya, at ako naman ay hindi makakatulog kakaisip sa girlfriend ko. Iba na ang inspired.
Pero hindi nanaman babalakin uminom, dahil baka mamaya malate nanaman kami gaya kanina sa lakas ba naman uminom nitong si Cad tinalo na ako mismo na nag turo sa kanya.
Nag pakuha muna kami kay manang ng soda,fries, at burger. Nag stay muna kami dito sa pool side para makapag heart to heart talk, joke lang. Boy talk lang ba.
"Congrats nga pala sa inyo ni Yerdi."nakangiting sabi ni Cad sa akin habang nakatingin siya sa pool."Bagay na bagay nga pala kayobg dalawa eh.
"Thanks dude."I answered. Nilapag ni manang Sita ang pinakuha naming meryenda sa kanya."Thank you manang."Tsaka umalis na si manang sita at pumasok na siya sa loob.
"How about you dude?"napatingin siya sa akin na parang hindi narinig ang sinabi ko."What about me?"
"May nagustuhan kana ba?"I asked, sabay kagat sa cheeseburger ko.
He just shook his head."Wala panga eh."
"Sa barkada, wala ba?"tanong ko. Malungkot nga siya, at halatang hindi parin nakaka-move on kay Camille. Kawawa naman tong pinsan ko, sana magkalove life na rin siya eh ang dami rin naman lalaking nag hahabol sa kanya siya lang tong choosy. Ang arte naman kai eh. Lahat nalang ng iapapakilala ko sa kanya at irereto ko, ayaw niya. Ang gusto lang daw niya si Camille, eh wala naman na si Camille. Hindi ko n anga alam kung saan ko pa siya mahahanap ng chikababes eh."Wala kang maganda sa kanila?"napailing lang siya ulit."Sige na, amin kana."pamimilit ko
He puckered his lips and started thinking."Hmm, I find Yassi attractive."he admitted."Though, it doesn't mean anything, Di ko naman siya gusto."paglilinaw niya.
"Wag kana dun kay Yas, kay Bricks na yun."natatawang pagbabanta ko.
"Bakit sila ba?"kaswal niyang tanong.
Umiling ako."Hindi naman sila. Pero, sila ang pinepair up namin. Si Elaine naman, kay Johanne kaya nga may mga combined names ekek pa sila eh, pero mukhang nag swiswitching of partners na."pagalalahad ko habang tumatawa parin.
"At ikaw naman, kay Yerdi."saad niya tsaka siya sumakmal ng ilang fries.
"Yeah. Definitely."agad agad kong tugon. Syempre, akin naman na talaga si Yerdi, lalo na ngayon na girlfriend ko na siya.
"How about Jessi?"biglang sumilay ang tawa sa mukha niya."Wala noh? Siguradong wala pang nag attempt manligaw dun. Hahahahaha."bigla akong napaisip. Oo nga, wala pang partner si Jessi, so??? May bright idea nanaman akong naiisip.
"Yeah dude."lumaki pa ang mga mata ko sa naiisip ko."Jessi is the answer. It's Jessi"
"What the fuck do you mean?"nagugulahan niyang tanong."The answer of what?"
"To your problems."tuwang tuwa pa ako."Tama. Hayaan mo, ipepair up ka namin sa kanya."tumango tango pa ako pero siya naka-poker face lang sa akin."What the hell? Dude?"
"What? Bagay naman kayo ah."tinawanan ko pa siya sa OA niyang asal sa sinabi ko."God. Seriously? Me and Jessi? Are you out of your mine?"sunod sunod na dakdak niya, para naman babae tong pinsan ko, ang arte. Hinahanapan ko nanga ng paraan para magka-love life eh.
"Why not? Single ka, single din naman siya."supalpal ko. Tinaasan niya ako ng kilay."So?"
"Then you guys are perfect."natatawa siya na parang nandidiri sa sinasabi ko kaya napakain nalang siya ng burger."Hell no."
"Okay, ganito nalang. Let's have a deal."suggestion ko.
"What deal?"he asked.
"Ligawan mo si Jessi."halos maidura niya sa akin yung cola na kakalagok niya."No way dude!"pag aangal niya.
"Patapusin mo muna kasi ako. Ganto, pag napasagot mo si Jessi, you'll have my car."ayan ang kondisyon ko. Aba, swerte na siya noh, may love life na, may kotse pa.
"Woah."napatakip siya ng bibig niya."Your car? Paano yung mommy mo?"nag aalala ang boses niya pero may sabik dito."Ako na ang bahala dun dude."paninigurado ko."So, ano?"
"Eh pano kung--"
"Ilang months lang naman eh."kumagat ako uli sa burger ko bago uli nag salita."Madali nga lang yun eh."
"Months?"gulantang niyang pag aangal."Ang tagal nanga nun eh."
"Hindi kaya, syempre Alangan sagutin ka agad ni Jessi, eh first boyfriend ka nun pag nagkataon eh."explain ko."So, do we have a deal?"
"Yeah. Deal."
_____________________________________________
Vote, Comment, Share.
@Dwaeji_princess