Chapter 79

383 16 0
                                    

_______________________________________

Inipon ko lahat ng cholesterol, enerhiya sa katawan ko, pina-booster ko rin ang immune system ko sa pamamagitan ng pag inom ng bonna kid--este bonakid tse, este inipon ko lahat ng lakas ko para lang maalis ang pagkakahawak ng kamay ni Cad ng mahigpit sa braso ko. Pero walang epekto. Ang higpit higpit ng hawak niya, parang ayaw niya na akong pakawalan.

"Ano ba! San mo ba ako dadalhin?"pasigaw kong tanong kay Cad habang sumusunod lang sa kanya ng parang isang aso, ay joke lang, baboy pala ako.

"Basta sumunod kana lang!"sigaw niya. Hinigpitan niya pa mas lalo yung hawak sa kamay ko dahilan na nasaktan na ako masyado.

"Ayoko nga!" tsaka ko inalis yung hawak nag kamay niya dahil sa sobrang higpit na nito.

"Oh bakit parang nagagalit ka ngayon at parang ayaw mo na sumama sa akin?"ang init init ng ulo niya. Pulang pula yung buong mukha niya habang nakatingin sa akin.

"Tinataasan mo pa ako ng boses?"pang-ookray niya. Aba't ako pa talaga ang nag tataas ng boses, eh siya nga tong sobrang init ng ulo at kung kausapin ako para akong nasabkabilang building.

"Nagulat lang ako sa ginawa mo."sabi ko naman."At ano ba yung sinasabi mong may nangyari satin kagabi? Wala naman yun, hindi nga natuloy. Sinungaling ka talaga."inirapan ko siya. Totoo naman kaya. Halik nga, hindi ko siya pinayagan e, sawsaw suka pa kaya? Duh.

"Finally, edi inamin mo rin. Ayaw mo talaga sa akin sumama."singhal niya. Ano bang problema nito at napaka praning kung mag isip. Nakakaloka yung mukha niya. Parang inis na inis siya sa akin.

"Kung hindi ko ginawa yun, di malamang nandun ka parin kasama yung secret admirer mo. Gusto mo lang mag paligaw dun eh."napailing nalang siya.

"Ano namang masama kung manligaw siya?"

"Eh pano naman ako?"tinuro niya pa ang sarili niya.

"Bakit, pumayag na ba ako? Kahit sino nga sa inyong dalawa wala pa akong pinayagan eh."sabi ko. Ang problema kasi sa kanya napaka advance ng utak niya. Masyadong pinangungunahan ang lahat.

"Oh di siya nalang ang ipili mo. Tutal, mas gusto mo naman yang secret admirer mo diba?"

"Teka, nag seselos ka ba kay kuya Gelo?"natatawang tanong ko. Napaiwas siya ng tingin. Nakakunot parin ang noo niya.
"Nag seselos ka ba?" ulit ko.

"Fine! Oo na. Nag seselos ako."pasigaw na pag amin niya."What do you think? I'll be happy knowing you already met your secret admirer, and base on what I see, it seems that you like him too!"

Napanganga lang ako sa pag amin niya.Hihihihi. Ang cutie niyang mag selos! Kakilig! Ang OA naman nitong bebe ko mag selos.

"Bakit, wala naman akong sinasabing gusto ko siya ah. Ba't ka praning jan?"tinaasan ko siya ng kilay. Nag pipigil ako ng tawa ko, sa totoo lang.

"Bakit? May sinabi ba akong may sinabi ka? Wala diba?"mas tinaasan niya pa ako ng kilay. Napaka talaga nitong mag selos. Dinaig pa ang babae eh. Hahaha. Tinawanan ko nanga lang siya. Mababaliw nako sa lalaking to.

"What the hell is so funny?"iritadong tanong niya.

"Ang cute mo kasing mag selos. Para kang babae! Hahahaha." asar ko sa kanya tsaka ko pinisil yung ilong niyang ubod ng tangos.

"Aray! Ano ba!"napahawak siya sa ilong niyang namula. Tinawanan ko lang siya ng tinawanan at inasar hanggang sa mapikon siya.

~

*CANTEEN*

Lunch time namin ngayon at inis na inis lang naman ako dahil buong campus ba naman, ako ang topic. Bawat madadaanan ko, ako ang topic. Peymus na nga pala ako.

Joke.

Anyway, inaantay ko si Camille dito kasi since mag isa na naman ako dahil may training ang mga varsity kong kaibigan, mag isa na naman ako. Sakto, may chika daw si Camille sa akin.

"Hi Jessi, sorry I'm late."bati niya sa akin, nakipag-beso pa ulit siya. Ang ganda ganda na naman niya ngayon. Mukhang mamahalin na naman ang suot niyang damit. Ang yaman talaga nito.

"It's okay. Mahaba pa naman oras ko, halika upo ka."aya ko sa kanya. Naupo siya sa tabi ko."Ano nga pala yung chika mo sa akin?"

"You know what, it's a super good news! Mahahanap ko na siya!"excited pa siyang nag babalita."Finally, my fiancé and I will be together."

"Ha? Paano naging fiancé?"tanong ko.

"Eh kasi dati, before all the accident, we planned to get married as soon as we graduate highschool, I forgot to mention."kumuha siya sa kinakain kong fries.

"I hired a private investigator. And guess what, he's living with his cousin and he's studying here! Oh my gosh Jessi! I'm so happy!!" kwento niya at tsaka niya ako niyakap. Niyakap ko rin siya. Dapat maging masaya ako para sa kanya, pero bakit takot ang nararamdaman ko?

Nakakapagtaka ang mga kwento niya. Sumasakto lahat sa kwento ni Cad. Una, yung kwento niya kung paano siya nadisgrasya, tapos ngayon nakatira yung boyfriend niya sa pinsan niya. Which is si Cad nakatira kay Burn. Hindi kaya siya talaga yung girlfriend ni Cad na nadisgrasya?

Gusto kong tanungin sa kanya kung anong buong pangalan ng boyfriend niya pero bakit ganito, parang kinakabahan ako at natatakot akong malaman ang totoo. Pero kailangan ko tong tanungin, kailangan kong lakasan ang loob ko. Kailangan kong gawin to.

"Camille, pwede ko bang malaman kung anong buong pangala--" naputol ang dapat kong tatanungin dahil nanlaki ang mga mata niya sa kung anong nasa likod ko

"Adrian?"napatingin si Camille sa likod ko na tila naiiyak na sa sobrang tuwa.

Tumayo siya at pumunta sa kung sino man ang nasa likod ko. Pagkalingon ko, si Cad. Tama nga, si Cad na boyfriend ni Camille. Niyakap niya ito ng sobrang higpit. Laking gulat naman ni Cad ng makita niya ito.

"Baby? Baby, I miss you so much."niyakap siya ni Camille. Tuluyan ng naiyak si Camille.

"Bu--buhay ka?"tanong yan ni Cad kay Camille pero sa akin siya nakatingin.

"Yes baby. I'm alive. Nandito na ako."she wiped her tears away."By the way, meet my friend, Jessi."lumapit sila sa akin.

"You know her? She's, she's my--"

"I'm his classmate Camille."pamumutol ko kay Cad. Wala na dapat malaman si Camille tungkol sa amin dahil wala naman talaga. Walang kami.

"Siya yung kwinekwento kong kapareho mo ng love story."gulantang naman si Cad sa sinabi ko, nakakunot ang noo niya habang nilalambing siya ng sobra ni Camille pero hindi niya magawang alisin ang tingin niya sa akin."Sorry kung hindi ko nasabi nung una ha, ngayon ko lang kasi nalaman na fiancé mo na yung hinahanap mong boyfriend mo."

"Really? What a coincidence. Siguro kaya tayo nagkakilala para mahanap ko si Adrian."napatingin siya kay Cad, ang saya saya ni Camille habang tintignan niya si Cad. Mahal na mahal niya nga si Cad. Mahal na mahal niya ang fiancé.

" Jessi, I'm very happy. Thank you."she hugged me again so I didn't refuse to hug her back. I should be happy for Camille because she's my friend.

"Masaya rin ako para sa inyo. Dahil finally, magkakasama na rin kayo."nakangiting saad ko.

"By the way Jessi, since nahanap ko na siya, matutuloy na yung wedding namin. Punta ka ha." pagkasabi niya nun ang hinalikan niya si Cad sa labi. Pero bakit ganito? Ayoko silang makita. Nasasaktan ako. Sa harap harapan ko pa sila nag halikan. Eto na naman, bakit nanaman ako naiiyak. Jessi please. Pigilan mo, hindi ka dapat umiyak. Hindi pwede. Hindi ka dapat nag seselos o nasasaktan dahil wala ka namang karapatan.

"Su--sure."garalgal na ang boses ko at nararamdaman ko na ang luha ko kaya pinili kong mag paalam na sa kanila."Sige Cad, Camille. Mauna nako ah, bye."

Pagkatalikod ko, bumagsak ang luha ko.

Lumabas ako agad ng canteen. Nahihirapan akong makita sila, hindi ko alam kung bakit, wala naman akong karapatan.

________________________________________

My MotivationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon