Chapter 56

370 15 6
                                    

Elaine's POV

Hanggang ngayon wala parin sila Johanne at Yassi dito. Nag start na yung dance competition. #5 pa naman kami. Kanina pa kami nag aantay sa kanila dito. Hindi naman sila ma-contact.

Kinakabahan ako. Kanina ko pa gustong maiyak pero nararamdaman kong may isang piraso ng matang nag babantay sa akin kaya ayokong ituloy ito.

Biglang hinila ni Bricks yung kamay ko at itinakbo ako dito sa dulong part ng back stage."Huy, ano ba, ba't mo ako dinala dito?"

"Ayusin mo yang sarili mo. Ayoko ng nakikita kang nagkakaganyan."sabi niya at tsaka niya inayos yung bangs ko at inalis ito sa mata ko.

"Oh, umiiyak ka nanaman. Tahan na."pinunasan niya ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

"Hindi na yata siya dadating Bricks."pinatahan niya lang ako saglit bago siya mag salita.

"Halika, "hinila niya ako paalis at sumakay kami ng kotse niya.

"Saan tayo pupunta?"nagtataka kong tanong sa kanya

"Kila Johanne at Yassi." sagot niya at tsaka niya pinatakbo ng mabilis ang sasakyan kaya madali kaming nakarating sa kinaroroonan nila Johanne at Yassi

Nakita ko si Jady at may mga kasama siya pero nag tataka ako kung bakit hindi nila kasama sila Johanne at Yassi.

"Oh, hi Elaine. Andito ka rin pala. Kamusta na?"si Jady yan. Minsan na siyang ipakilala  sa akin ni Yassi kaya hindi ito ang unang beses na makita.

"Hi Jady."nginitian ko siya."Nag mamadali kasi kami eh, pero asan sila Johanne at Yassi?"

"Ayun oh! Nasa kissing booth!!!"kinikilig na sagot niya."Ang sweet nila diba? Bagay na bagay! Hahahaha."

Hindi na ako nakasagot.

Kusang hinanap ng mga mata ko kung nasaan naroroon ang kissing booth na itinutukoy nila.

Nakita ko si Yassi at si Johanne sa kissing booth na iyon, nag hahalikan habang nakapikit pa.

Nung unang nakita ko silang magkayakap,tumulo lang ang luha sa isa kong mata, pero ngayon, ibang iba. Halos di ko magawang gumalaw ngayon.

Huminga ako ng malalim at pinigilan kong tumulo ang luha ko pero kusa itong pumatak ng sabay.

Nakita na nila akong dalawa dahil tapos na silang mag halikan.

Inalis ko agad tingin ko dun sa kissing booth at tumalikod para tumakbo sana pero naka-abang na ang dibdib ni Bricks dun kung saan sanay na bumabagsak ang palagi kong luhaan na mukha. Pero ayoko ng manghina at humagulgol na lamang kaya pinilit kong inalis ang braso ni Bricks na yumayakap sakin at tumakbo ako papalayo sa kanila.

Tumakbo ako ng mabilis para malayo lamang sa kanila dahil ayokong humarap ng ganito sa kanila. Hinahabol ako ni Bricks, hindi ko matanggal ang tingin ko sa kanya dahil papalapit na siya kaya hindi ko magawang tumingin sa dinadaanan ko hanggang sa nakalabas na pala ako ng gate ng school

"Elaine! Wag!"sigaw ni Bricks sa akin habang si Johanne at Yassi ay nakatunganga at gulat na gulat lang ng bigla kong narealize, may sasakyan na pala sa dadaanan ko.

~

Pagkamulat ko ng mata ko, Nakita kong nasa ospital na ako.

"Pare kanina pa kami nag aantay dun ni Elaine! Di ka man lang nakapagtext!"

"Eh sa hindi ko nga naalalang ngayon pala yung competition! Sira nga yung phone ko!"

"Ano lang ba yung makitext ka kasama mo naman si Yassi? Ikaw may kasalanan lahat nito!"

"Eh ano bang gusto mong mangyari?"

Dinig kong sigawan nila Bricks at Johanne.Nakita kong nakahanda na ang kamao ni Bricks kay Johanne at gigil na gigil na ang dalawa sa galit.

"Bricks wag, please. Wag mong saktan si Johanne."naiiyak kong pagpipigil sa kanila at bigla naman silang napatingin sa akin.

"Oh ayan, nagising na tuloy si Elaine, dito pa kasi kayo mag aaway eh."inis na lumapit sa akin si Yerdi.

"Cad, pakilabas nga muna si Johanne."utos ni Yassi kay Cad. At tsaka naman ito sumunod at ilinabas si Johanne sa kwarto.

"Okay kana ba?"tanong ni Jessi habang si Yassi ay nananahimik lang na para bang iiyak na ito pero kinocomfort lang ito ni Burn. At si Bricks naman na patuloy lang nag papalamig ng ulo.

"O--okay nako. Me--medyo masakit lang yung ulo ko."napahawak ako sa ulo kong kumikirot.

Tumayo si Yassi sa kinauupuan niya at lumapit sakin ng umiiyak.

"Elaine, Hindi ko sinasadya. Patawarin mo'ko."humahagulgol niyang sabi. Pero ano ba tong nararamdaman ko, parang gusto kong magalit sa kanya kahit alam kong si Johanne ang may kasalanan ng lahat. Gusto ko siyang sumbatan.

"Okay na. Tapos na eh."sagot ko sa kanya na tila ba nakahanap ako ng bitter na tono sa pananalita ko.

"Maniwala ka sakin, hindi ko talaga sinasadya. Hindi ko alam na ngayon yung dance competition niyo, hindi ko ala--"

"Alam ko na, lahat naman hindi mo alam eh kaya wag kanang mag paliwanag."mariin kong sambit habang hindi siya tinatapunan ng tingin.

"Elaine, please. Hindi ko kayang magalit ka sa'kin."pinipilit niyang humarap ako sa kanya pero hindi ko siya tignan sa ngayon.

"Hindi mo na kayang ibalik, hindi mo na kayang ibalik na sana sumasayaw kami ngayon sa dance competition at nag hihintay ng awarding. Hindi mo kayang ibalik yung sana hindi ako nag aantay sa inyo ni Johanne na nag hahalikan lang pala si kissing booth."sa ngayon tinapunan ko siya ng isang malamig at seryosong tingin."Ikaw yung best girlfriend ko pero hindi mo alam na ngayon yung competition ko. Ni hindi mo nga alam na nasasaktan ako sa tuwing nakikita kayong magkasama ni Johanne!"mahaba kong pamunumbat. Hindi ko alam kung dapat ko ba tong sabihin sa kanya pero ang lakas ng loob ko ngayon, na para bang wala na akong pakialam sa magiging reaksyon na barkada.

Nanatili lang nanahimik ang kwarto sa narinig nila.

"Gu--gusto mo si Johanne?"pautal utal na pananalita ni Yassi.

"Oo! Gusto ko si Johanne!"pag amin ko."Hindi lang gusto! Mahal ko pa siya! Matagal na! Hindi mo man lang naramdaman yun bilang best girl friend ko!"

"Elaine, sorry hindi ko alam. Akala ko--"

"Alam ko na, hindi mo nanaman alam."pamumutol ko. Puros siya sorry, hindi naman na maibabalik yung nangyari."Hindi mo kasi alam ang lahat sa akin."

"Elaine I'm so sorry."paumanhin niyang muli at tsaka na siya nag walk-out palabas ng kwarto ko

"Finally."nag pakawala ng ilang tipak si Bricks pagkalabas ni Yassi."You've speak about the truth. Kulang nalang, masabi mo kay Johanne."

"Dude? You knew about this?"tanong ni Burn sa kanya.

Tumango siya."Matagal ko ng alam."

"Hay nako Elaine, matulog ka muna."pinahiga na ako ni Yerdi sa kama ko.

"Mabuti panga mag pahinga kana, kami na ang bahala mag ayos dito."dagdag ni Jessi.

"Burn, gabi na. Hahanapin kana ng mommy mo. Buti pa umuwi kana."sabi ni Yerdi kay Burn.

"Sure kayo? Kaya niyo na to?"tanong ni Burn sa kanya.

"Kaya na namin to ni bessy. Ikaw Bricks, di kapa ba uuwi?"

"Mamaya muna. Ayoko pang umuwi. Anjan pa yung gagong Johanne na yan eh."mainit parin ang ulo niya.

"Oh pauwiin niyo na rin yun si Johanne. Umuwi na rin kayo ni Cad. Si Yassi ihatid niyo na rin."bilin pa ni Yerdi

"Opo mama."tinawanan siya ni Burn.

"Mama ka jan. Sige na, Ingat kayo."pamamaalam ni Yerdi.

"Bye mama. I love you. Ingat kayo dito ah. Pagaling ka Elaine."tinanguan ko nalang si Burn tsaka na siya umalis.

_________________________________

VOTE.COMMENT.SHARE

@Dwaeji_princess

My MotivationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon