Hi guys. :) I just want to dedicate this to my special friend and my first fan, thank you so much ate @Stepee, you have no idea how much you inspire me for those messages I have recieve from you. Hart hart talaga ate!!
________________________________________
Yerdi's POV
Feeling ko nandito ako sa isang mega mega mega mall. Hahaha. Nandito kasi kami ni Burn sa mall nila. Nag dedate kami. Hindi man lang nga ako nakapagbihis eh.
"Ano ba yan, hindi ako nakapagbihis."sabi ko habang iritang iritang pinupunasan ang batok kong pawis."Ang baho baho ko pa tuloy sa first date natin."
"Ano ka ba ma, ayos na yan."paninigurado niya."Kahit ano pang maging amoy mo, ayos lang sa akin."hinalik halikan pa niya ako sa leeg hihi. Pinagtitinginan nga kami dito eh. Pero so what. Oo, malandi ako, at ang gwapo ng boyfriend ko. Palibhasa walang mga love life che.
Ang lawak talaga nito parang tatlong mega mall na pinagsama. Dumiretsyo muna kami sa HandyMan para bumili ng disecting tools.
"Ang laki talaga ng mall niyo Burn."papuri ko sa mall nila habang palinga linga pa at nag eenjoy sa mga nakikita ko."Ganito ba talaga kayo kayaman?"
"Hindi naman."napailing siya at napatawa."Kami? Baka Malaki talaga tong mall NATIN?"nakangising busisi niya.
I was like, whuuuuuuuuut?? Shet. Di ko nagets yun ah. Hindi kaya, nawawala akong kapatid ni Burn kaya Kami ang sabi niya? Hala. Wag naman sana. Gusto ko pang magkaanak sa gwapong to.
Napakunot ang noo ko."OMG! Wag mong sabihin nawawalang kapatid mo ako?"
Bigla siyang natawa sa reaksyon ko."Ano bang sinasabi mo? Magiging sayo rin lang ang akin pag dating ng panahon."
"Bakit naman?"walang idea kong tanong
Tumingin na muna siya sa kawalan ng parang may iniimagine na kung ano."Siyempre, pag nakasal na tayo. Magiging sayo na rin ang lahat ng akin."
Okay, okay. Kalma lang Yerdi. Ahhhhhhhhhhh!!!!!!!!!Shemay!!!!!!!!!!! Sigaw ko sa aking loob looban at tila hindi ko na mapakalma ang sarili ko. Ano ba yan, kailangan ko si Bessy! Kailangan ko ng taong hahampasin!
Grabe, speechless ako dito sa gwapong to. Kinikilig me talaga.
Pulang pula na yung mukha ko at hindi na ako makapagsalita pa sa sobrang kilig."Oh, bakit? Hindi ka yata makapagsalita?"sinuri niya ang mukha ko pero tinatago ko parin ang nangangamatis kong mukha sa pula.Paano ba naman kasi diba? Sino ba kasing makakapagsalita pa dun?"Uy, ano ba? Okay ka lang ba?"natawa na siya sa pangalawang tanong niya. Palibhasa, alam niyang sumasabog ako sa kilig.
"Oo na!"nahihiyang pag amin ko."Ihhhhh kasi naman. Kinikilig ako sayo eh."hinampas ko pa siya sa braso niya."Mamaya, masanay na ako niyan, sige ka."pagbabanta ko."Hahanap hanapin ko na'to.
"Oh di masanay kana."bigalng nag seryoso ang boses niya tsaka tumingin sa akin."Sa tingin mo ba may balak pa akong itigil to?"
Shet. Mamatay na talaga ako sa ginagawa ng lalaking to. Hindi ko na matake. Jeskelerd.
Jessi's POV
*DORM*
Gagawin namin ni Cad yung first love song dito sa dorm. Wala pa si ate Zirri dito, nakakatampo na talaga yun, palagi nalang siyang wala. At si Yerdi naman, mag dedate daw sila ni Burn. Buwisit talaga, walang poreber. Layptym lang ang meron.
"Oh, ano, start na tayo?"tanong ko kay Cad. Nag kibit balikat lang siya habang nilalaro ang favorite kong pig stuff toy."It's up to you."
Narinig kong tumunog yung tiyan niya