Yassi's POV
Atlast, Medyo gumaan na rin ang loob ko somehow. Nailabas ko na rin yung kinikimkim kong sama ng loob kagabi pa ng dahil sa ate ko at kuya ko. Thanks to Johanne, with his assurances and warm hugs, I felt relieved.
Nakatitig lang ako sa kawalan habang iniisip ang dalawa kong kapatid na hirap na hirap tanggapin ako. Iniisip ko kasi kung ano nanaman ang isasalubong nilang masasakit na salita pagdating ko ng bahay. And I was thinking, kung ipagsisiksikan ko parin ang sarili ko sa kanila.
"Uy, Wag mo ng isipin yun."biglaang nag salita si Johanne na katabi ko at kanina pa nakatitig sa akin kahit na hindi ko siya tinitignan."Hayaan mo na muna yung ate mo at kuya mo."I just frowned to his assurance.
"Ano yan, fake smile?"hinawakan niya pa yung cheeks ko.
"Nope. It's a Frown."I politely corrected him.
"Alam mo ba, it only takes 13 muscles to smile, 72 muscles naman kapag frown."pagbibigay trivia niya."Kaya kung ako sayo, mag smile ka nalang."
Napailing nalang ako sa sinabi niyang trivia."Psh. Di naman totoo yan eh."
"Totoo yan."sabi niya agad."Saka, wag ka ngang sisimangot. Sayang naman yang mukha mo eh, ang ganda ganda mo pa naman tapos sisimangot ka lang."
Napatingin ako ng seryoso sa kanya kasi nabigla ako sa compliment niya. Habang nahuli ko naman siyang nag iwas ng tingin sa akin."Ako, maganda?"hindi makapaniwalang reaksyon ko.
Napansin kong bigla nalang siyang nailang sa tingin ko sa kanya."A-- oo naman."nauutal utal niyang sagot."Sobra. Sobrang ganda, Yassi."
Napangiti ako sa makatabang pusong compliment niya."Thank you."this time I gave him a real smile.
"You're always welcome to me Yassi."nakangiting tugon niya.
"At thank you ulit."dagdag ko pero kumunot ang noo niya sa pagtataka."For being there for me. Sa assurance mo na magiging positive ang lahat."
"Ano ka ba, Kaibigan kita."sabi niya."Dapat lang na sabihin mo sa akin yun, kahit kailan, pwede kang mag open sa akin."
Mas lalo pa tuloy akong napangiti sa sinabi niya. Buti nalang talaga andito sa Johanne, napagaan niya mas lalo ang loob ko."Sorry nanga rin pala kung nag open na ako sayo. Hindi ko na kasi natiis eh."malungkot na pag amin ko."Di ko kasi matyempuhan sila Bricks at Elaine kanina."
Parang nagulat siya sa sinabi ko na nadisappoint pero ayaw niyang ipahalata."Wait, alam din nila?"tanong niya
"Oo."agad kong sagot."Ngayon tatlo na kayong nakakaalam."
"Ahh. Ganun ba."tumango tango nalang siya.
"Uuwi kana ba? Tara sabay tayo."aya ko sa kanya.
Naging maaliwalas ang mukha niya sa sinabi ko."Ta--talaga? Niyayaya mo akong umuwi? Sabay tayong uuwi? Tayong dalawa?"
Natawa ako sa reaksyon niya na para siyang bata."Oo naman. Bawi ko man lang sayo."agad kong tungon."Okay lang ba sayo?"
Madalihan siyang tumango."Okay na okay yun."
Bricks' POV
Habang hinahatid ko Elaine, hindi kami nag kikibuan. Hanggang sa makarating na kami dito sa tapat ng gate nila.
"Bricks, thank you talaga ha."malungkot na sambit ni Elaine pagkababa niya ng sasakyan ko."Sorry na rin, kung pasaway ako."
Binuksan ko ang gate nila para makapasok na siya dito."Okay lang yun."sabi ko naman sa kanya."Next time kasi, makinig ka nalang sakin."
Nag nod nalang siya. Namamaga parin ang mga mata niya hanggang ngayon kahit tumila na ang mga luha niya tulad ng mga ulan."Bye. Ingat ka."pumasok na siya sa gate nila pero nakatingin parin siya sa akin.
"Okay, just text me."itinaas ko pa ng konti yung phone ko, para lang hindi niya makalimutan. Magaling kasi itong mag tago ng sekreto sa mga tulad ni Johanne na mahina makiramdam sa sarili niya pang bestfriend, pero hindi sa observant na tulad ko."Take care. Ayusin mo sarili mo, mukha kang aswang eh."pagbibiro ko pa, para naman kahit papaano, maging maaliwalas naman ang mukha niya.
"Baliw ka talaga."ayun lang ang tanging sinabi niya. Napatawa naman siya, yun nga lang halatang peke.
"Sorry. It's a joke."paglilinaw ko."Im just trynna make you laugh."
"Thank you ulit Bricks."this time she gave me a frown."At sa pag hatid mo na rin sa akin pauwi."
"Wala yun, ang importante naman safe ka."nakangiting busisi ko."Sige, bye Elaine.
Tuluyan ng pumasok si Elaine sa bahay nila at tsaka papalabas na rin ako ng gate nila.
Naririnig ko yung convo nila ng kuya niya at siya habang papalabas ako ng gate.
*CONVO NILA*
"OY, OY, Anong nangyari sayo ha?"
"Ba't namamaga yang mata mo?"
"Wala to, napuwing lang ako."
"Pinaiyak ka ba nung Johanne na yun? Hayop na yun ah."
"Yun, siya ba yung nag hatid sayo ha?"
"Kuya hindi yan si--"
*END OF CONVO*
"Hoy Johanne!"tawag sa akin ni kuya Aj. Nakita ko na kasi ang mga ito sa school nung hinatid nila si Elaine kasi may event nun kaya kilala ko sila pero hindi nila ako kilala."Akala niya yata ako si Johanne."Halika dito! Anong gusto mo ha? Away? Bumaba ka duwag!"
"Oo nga! Gusto mo, suntukan nalang tayo eh! Baba!"dagdag pang hamon ng isa niyang kuya na si kuya Gadian kaya muli akong bumaba mula sa sasakyan ko.
Pumasok ako sa gate nila kung saan nila ako inaabangan."Hindi po ako si Johanne. I'm John Bricks Miller and Im a good friend of Jesselaine. I-- "
"Pwede ba brad, dont english me, alam mo kasi, hindi ako magaling jan eh."pagpipigil sa akin ni kuya Aj habang itinaas pa ang kanang kamay ni sa harap ng mukha ko ng parang nanunumpa ng todo."Sigurado ka good friend ka?"
"Opo sir."magalang kong sagot sa kanila.
"Siguraduhin mo ah."nagpatunog pa ng kamao si kuya Gadian."Pag nalaman ko lang na nililigawan mo tong baby girl namin."inilapit niya pa masyado sa akin ang kamao niya kaya nanlaki ang mata ko dito na parang naduduling na ako."Sisiguraduhin namin, hindi kana muling popogi pa."pananakot pa niya.
"Kuya Aj, kuya Gadian, tama na."sita sa kanilang dalawa ni Elaine sa ginagawa nilang pang-ookray sa akin pero dineadma lang nilang dalawa si Elaine ng parang walang narinig.
Mas lalo silang lumapit sa akin. Inakbayan ako ng dalawang kuya niya at bumulong sa akin.
"Oy Bricks, bakit umiiyak yan si bunso?"pahamon na usisa ni kuya Aj
Ayoko naman sumagot dahil ayokong pangunahan si Elaine. Ayoko rin naman siyang mapahamak sa mga kuya niya."Si-siya nalang po tanungin nyo, wala po akong kinalaman jan."nauutal kong sagot sa kanya.
Tumingin si kuya Gadian kay Elaine na mas lalong naniningkit ang mata hindi lang sa pag-iyak, kundi dahil pilit niyang pinapakinggan ang taimtim namin na pag uusap ng kuya niya."Oy ikaw, gusto kong bantayan mo si bunso. May pakiramdam ako na yung gagong Johanne na yun ang dahilan kung bakit umiiyak yan eh."napailing pa si kuya Gadian.
"Bantayan mo yan ah. Maaasahan ka ba namin?"madalihan akong tumango sa kanila.
"Sige na umalis kana."pangtataboy nila kaya bumalik na ako sa sasakyan ko.
Pagkacheck ko ng phone ko,
16 missed calls and 1 message
From: Yassi :)
_______________________________________
Thanks for reading
@Dwaeji_princess