Elaine's POV
2:42 a.m
Ayan ang basa ng orasan na malapit sa air-con ng kwarto ko pagkagising ko. Andito parin ako sa ospital hanggang ngayon.
Tinignan ko kung sino yung nakahawak sa kamay ko na nakatulog na sa pag babantay sa akin, si Bricks. Kawawa naman si siya. Mukhang pagod na pagod siya at mukhang kakakuha niya lang ng tulog niya. Pero bakit siya ang nandito? Nasaan sila Jessi at Yerdi?
Naramdaman kong gumalaw si Bricks at unti untin niyang iminulat ang mata niya."Hey, are you okay?"
Niyakap ko lang siya tsaka nanaman ako naluluha. Ang sarap sa pakiramdam, itong feeling na sheltered ka sa arms niya. Feeling ko, pag kasama ko siya, safe ako at walang pwede mangyaring masama sakin dahil panatag ako na babantayan niya ako.
"It's okay Elaine. I'm here for you."hinalikan niya ang bumbunan ng ulo ko."Andito ako Elaine, para sayo."
"Thank you Bricks ha."pinunasan ko ang luha ko."Hindi ko talaga alam kung papaano kita mapapasalamatan sa kabutihan na pinapakita mo sa akin. Hindi ko alam kung--"
"Ayos na yun Elaine."pamumutol niya."Hindi mo kailangan mag pasalamat, dahil kahit hindi ka naman humingi ng tulong sa akin, mag prepresenta't mag prepresenta parin akong tumulong sayo kahit kailan."
Umayos ako ng pagkakaupo ko tsaka niya rin inayos ang kumot ko."Matulog kana uli. Nandito lang ako."sabi niya habang hinahaplos yung noo ko.
"Bakit ikaw ang nandito? Nasaan sila Jessi at Yerdi?"tanong ko.
"Kumukuha sila kanina ng damit mo. Yun nga lang, hindi ko na sila pinabalik dito."pagpapahayag niya."Delikado na rin yung daan eh. Ang lakas pa ng ulan."
Napatingin ako sa suot suot niyang damit. Ito parin yung polo niyang suot niya kanina pa nung nasa bahay pa lang kami at papunta pa lang ng dance competition. Mukhang hindi yata siya umuwi."Eh ikaw? Hindi ka ba umuwi sa inyo?"
Tumango siya."Oo. Eh kasi nag-aalala ako ng sobra sayo eh. At tsaka Hindi rin lang ako makakatulog sa bahay kakaisip sayo."pag amin niya.
"Eh paano mama mo?"nag aalala kong sabi. Bihira kasi siyang payagan sa mga overnight at makakailang pilit pa ito sa mama niya kaya laking pag tataka ko na nandito siya ngayon na nag pupuyat sa tabi ko para bantayan ako.
"Okay lang. Nakapagpaalam naman na rin ako eh. Kaya mas mababantayan kita."nakangiting sambit niya.
"Salamat Bricks."ayun nalang ang naisagot ko sa kanya. Ayun lang naman kasi ang kaya kong gawin sa kanya e. Ang pasalamatan siya ng sobra sa ginagawa niya sa akin.
"Alam mo naman na lahat gagawin ko para sayo eh."tinignan lang ako ng seryoso ni Bricks tsaka hinalikan ang hawak hawak niyang kamay ko kanina pa.
Hindi nalang ako nakasagot sakanya. Sobrang bait talaga ni Bricks. Nag stay siya dito sa ospital para lang bantayan ako. Nag puyat siya para lang mag bantay sa ospital na to. Mabuti nalang nandito siya sa tabi ko.
"Anong gusto mo? Gusto mo ba kumain? Nagugutom ka ba?"tsaka na siya pumunta sa table at nag lagay ng hot water sa cup noodles."Hintayin mo lang ng konti ah. Mabilis lang to."
"Ayokong kumain."sambit ko habang nakatingin sa prine-prepare niyang noodles para sa akin."Ikaw, kumain kana ba?"
"Hindi pa pero ayos lang ako. Mas kailangan mo to." tsaka ko nalang kinain yung sinusubo niya. Nakatatlong subo lang ako tas umayaw na ako.
"Kumain kapa oh, Nakakailang subo ka pa lang."itinutok niya uli sa bunganga ko ang isang kutsarang may laman na noodles pero umayaw na ako."Mamaya nalang. Busog na ako."
Nilinapag yung cup noodles sa tabi niya.
Nakatitig lang ako sa mga mata niya. Ang laki na ng eyebags niya at halatang puyat na puyat sa pagbabantay. Haggard na yung mukha niya. Naawa lang ako sa kanya dahil hindi niya naman kailangan gawin to sa akin e. Hindi niya naman kailangan siya ang mag stay dito at mag puyat para lang mabantayan ako pero ginagawa niya parin ng kusa.
"Oh, bakit ganyan ka makatitig?"tanong niya."May problema ba? May masakit ba sayo?"
Umiling ako."Ang laki lang kasi ng eyebags mo. Hindi ka pa yata natutulog kakabantay sa'kin."sabi ko habang nakatingin parin sa mga mata niya."Matulog kana muna. Kumain kana rin."
"Hindi na, titiisin ko na, okay lang ako."ngumiti siya sa akin tsaka muli na akong pinahiga sa kama ko."Ikaw nalang ang matulog. Babantayan kita."
Bricks' POV
Binabantayan ko parin si Elaine ngayon dito sa ospital. Pinatulog ko na muna siya para mas madali na siyang gumaling.
Ewan ko ba, itong nangyari sa kanya kagabi, parang Ayokong alisin yung tingin ko sa kanya at ayokong iwan ang siya kasi parang may mangyayaring masama. Ayokong palapitin sa kanya si Johanne dahil alam kong sasaktan lang siya nito. Nag woworry ako sa kanya masyado, at lalo na pag umuwi ako, wala akong ibang gagawin sa bahay kundi ang isipin siya. Sobrang nag aalala ako sa kanya, gusto ko siyang bantayan, gusto ko siyang alagaan hanggang sa gumaling siya, hindi ko alam kung bakit ganito ako ganito sa kanya.
May kumatok sa pintuan at tsaka pumasok ang doktor.
"Good morning po doc. Kamusta na po si Elaine?"tumayo ako habang binabati siya.
"Masyadong kulang sa tulog si Elaine, dagdag pa ng mga sugat niya, mas lalong humina ang katawan ng nobya mo hijo."tugon niya habang chinecheck ang dextrose ni Elaine.
"Ah, doc, hindi ko po-- ah. Kailan po siya pwedeng mailabas?"
Tumingin na muna siya sa gawi ni Elaine na kakatulog lang ulit."Pwede na siyang lumabas maya maya. Kailangan niya lang straight 8 hours of sleep."
"Mabuti naman po kung ganun doc. Thank you po doc."relieve na pagsasalita ko. Salamat naman sa diyos at ayos na si Elaine. Sobra kasi akong hindi mapakali habang nakikita siyang ganyan e. Nahihirapan ako pag malungkot siya, lagi nalang siyang umiiyak.
"Pagkalabas niya ng ospital, patulugin mo lang siya para mabawi niya yung lakas niya ha."tumango nalang ako at tsaka nginituan si doc."Bawal siyang mag puyat."huling bilin niya.
"Sige po doc. Thank you po ulit."pasasalamat ko ulit saka lumabas na siya ng kwarto kaya nagising si Elaine sa kaunting ingay ng pintuan na narinig niya.
*KNOCK KNOCK*
May kumatok sa pintuan at tsaka ito binuksan.
Biglang nag dilim ang paningin ko ng makita ko si Johanne.
"Oh, ano naman ginagawa mo dito?"maangas kong bungad sa kanya."Hindi ba't wala ka din naman paki kay Elaine, so why bother yourself to go here and visit her?"
Nakadapo lang ang tingin niya kay Elaine at hindi ako tinitignan."Bricks pwede ba, ayoko ng gulo."
"Ano bang---"
"Bricks, sige na. Bumili ka muna ng pagkain."pagsasalita ni Elaine."Iwanan mo na muna kaming dalawa."
Tumingin naman ako kay Elaine ng parang hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Pagkatapos ng kairesponsablehan nitong si Johanne bilang dance partner niya na may kasalanan ng lahat ng ito, gusto niya parin siya makausap. Pwes ayokong mangyari yun dahil baka pag iniwanan ko si Elaine kay Johanne, makikita ko nanaman siyang umiiyak pagkabalik ko."Elaine hindi kita pwedeng iwan dito."
"Bricks sige na, sandali lang to."pakiusap niya.
"Elaine hindi pwede--"
"Bricks please. Mag uusap lang kami."huling pakiusap niya."Please Bricks, pagbigyan mo na ako."nakita ko sa mga mata niyang gusto niya talagang kausapin si Johanne at parang nag mamakaawa talaga ang tingin niya sa akin kaya wala nakong nagawa, lumabas nalang ako ng hindi tinatanggal ang masama kong tingin kay Johanne.
____________________________________
Vote.Comment.Share
@Dwaeji_princess