________________________________________
*KRRIIIINNNNGGGG*
New call from:Bessy :))
"Excuse me Camille ha."ngumiti siya sa akin Tsaka ko na sinagot ang tawag.
*ON THE PHONE*
Siya-Hello? Bessy, nasaan ka ba?
Ako-Bessy sorry di ako nakapagpaalam, andito ako sa may coffee shop.
Siya-Kanina kapa namin hinahanap. Nag aalala kami sayo, lalo na tong si Cad mo. Bumalik kana dito.
Ako-Sorry bessy, kasama ko kasi yung new friend kong nakilala ko sa mall. Nakipagkita siya sa akin.
Siya-At kailan ka pa nagkaroon ng bukod sa amin? Ikaw bessy, pinagpapalit mo na ako. Bigla bigla ka nalang nang-iiwan.
Siya-Loka loka ka talaga bessy. Sige, sige, babalik nako jan,
*CALL ENDED*
"Sorry Camille, kailangan ko ng umalis, hinahanap nako nung bessy ko eh."tinago ko na sa mini bag ko yung phone ko."Pasensya kana ha."
"Oh, it's alright Jessi. Ako nga dapat mag apologize, naistorbo ko pa ikaw."nakangiting sabi niya.
"Ano ka ba, wala yun. Sinabi ko naman sayo diba, magkaibigan na tayo."tinap ko siya sa braso niya.
"Thanks a lot Jessi. I'm so grateful that I met you and we became friends."nakipag beso na siya sa akin."Do you want me to give you a ride? Tara, hatid na kita."
"Wag na, wag mo na isipin yun."pagtanggi ko. Ang bait niya talaga para tuloy akong nagiguilty dahil iiwanan ko siya. Ayun naman kasing sila bessy, ang O-OA e. Akala mo naman para akong batang musmos na nawala at hindi alam umuwi kung mag react.
"Diyan lang naman ako sa USC. Kaya nga ang dali ko nakarating dito e.""Do you study there?"she smiled while asking me. Napaka full package talaga nitong si Camille. Napaka bright ng aura niya. Maganda na, mayaman na, mabait pa, at down to earth. Idagdag mo pa yung pagkapalangiti niya at ewan ko lang kung sinong lalaking hindi maiinlove dito. Ang swerte naman nung boyfriend niya. Sana magkatuluyan sila."Maybe I can visit you there, sometimes. Is that okay with you?"excited na excited pa talaga siya.
"Sure. Bye Camille, sorry talaga ha. I have to go, hayaan mo next time magkwekwentuhan tayo ng matagal."sabi ko.
"It's okay. Sige, take care."paalam niya tsaka na kami nag beso at tumakbo pabalik kila bessy.
~
Tawang tawa lang naman ako ngayon habang inaasar si bessy. Inis na inis na siya sa akin. E paano naman kasi. Tinanong niya ako kanina kung bakit daw ba bigla bigla nalang akong umalis at nang-iwan dahil biglaan ngang nakipagkita si Camille sa akin. Takang taka siya kung sino yun at selos na selos siya habang kwinekwento ko kung gaano siya kabait. Kwinento ko rin kung gaano siya kadyosa at kung paano kami nagkakilala. Mas mahal ko pa daw si Camille kesa sa sarili kong bessy na sarili niya ang tinutukoy niya. Hahahahaha. Selosa.
"Huy, bessy."sinundot sundot ko ang pwetan niya tsaka niya madaling inalis ang kamay ko.
"Ano ba!"tinalikuran niya uli ako.
"Ito naman si bessy oh, ikaw lang ang bessy ko. Kaibigan ko lang yung si Camille."humagikgik pa ako."Wag kana mag selos."
"Tse. Hindi ako nag seselos."pagpapalusot niya tsaka inirapan ako."Masama lang ang loob ko dun sa dyosa part. Ako lang dapat ang dyosa!"
Tinawanan ko siya ng tinawanan hanggang sa mapikon siya, binato niya yung favorite niyang unan sa akin. Hahaha. Pikon na pikon siya tsaka niya ako tinulugan.