Chapter 80

373 14 0
                                    

_____________________________________

"Jessi! Jessi! Jessi!"

Paulit ulit ko pang narinig ang pangalan kong tinatawag ni Cad pero hindi na ako lumingon pa. Nag panggap ako at nag bingi-bingihan sa mga tawag niya.

Ayoko ng lumingon pa sa kanila sa dalawang dahilan.

Una, nasasaktan ako sa pwede ko pang susunod na makita. Kung gaano katagal na halikan pa ang makikita ko.

Pangalawa, ayokong may malaman si Camille tungkol sa aming dalawa ni Cad. Ayokong maging selfish sa kanya. Kitang kita ng dalawang mata ko kung paano siya umiyak sa sobrang tuwa nang masilayan niya si Cad. Hindi ko rin naman gusto maging selfish sa kanya, at basta nalang ipagdamot si Cad dahil nag tapat siya ng feelings niya sa akin.

Kaibigan ko si Camille at hindi ko gugustuhin na makita siyang masaktan nang dahil sa akin.

Pero ang hindi ko lang kasi mapigilan, yung nararamdaman ko sa loob ko. Ang sakit sakit kasi nung makita ko silang dalawa kaya ginawa ko ang lahat para makalayo sa lugar na yo'n.

Sa katatakbo ko ng mahaba, hindi ko na namalayan na narating ko na ang paborito naming tambayan ni Cad. Dito sa bench tree.

Unti unti akong umupo dito, at inalala ang mga maganda naming ala-ala dito. Last na moment na ba namin dito nung kinomfort niya ako dahil sa pagka-elimate ko sa volleyball varsity try-out? Last na ba yun namin na mag kasama dito sa espesyal na lugar na to?

Nakakainis isipin na hindi ko mapilit ang sarili ko na maging masaya para sa kanila. Isang kasinungalingan ang sinagot ko kay Camille kanina.

Sure. Masaya ako para sa inyong dalawa. . .

Ang masakit pa, yung nalaman kong ikakasal na pala sila. At ngayon na nagkita na sila, matutuloy na yung kasalan nilang dalawa na naudlot. Wala pa silang ka-ideya-ideya, na iimbitahin nila ang isang tulad ko na masasaktan lang pag nakita kong mag patali sila sa isa't isa.

Hindi ko na mapigilan iyak ko. Bakit ba kasi nasasaktan ako eh wala naman akong karapatan. Ang tanga tanga mo Jessi. Ang laki kong tanga para dito. Nasasaktan ako pero crush ko lang naman siya nung isang araw? Bakit naman ganito ako tamaan? Mahal ko na ba si Cad?

"Hey."gulantang ako nang maramdaman kong may tumabi sa akin.

"Ca--"napalingon ako pero hindi pala si Cad yung tumabi sa akin."Ah, kuya Gelo ikaw pala yan. Akala ko--"

"Looks like you need a shoulder. C'mere, cry yourself out."mas lalo pa akong naiyak.

Si Cad ang gusto kong mag comfort sakin, pero paano naman yun mangyayari eh kasama niya yung babaeng matagal niya ng hinahanap. Kailangan ko na yatang tanggapin na last comfort niya na yun sa akin. Kailangan ko na rin bang tanggapin na si kuya Gelo na ang mag cocomfort sa akin sa tuwing nasasaktan ako at hindi yung best boy friend ko?

"Paano yan, mahal mo na siya diba?" Napasinghap ako. Ano ba ang isasagot ko? Ni sarili ko nga, hindi ko pa nakukuha ang sagot. Pero isa lang naman ang dahilan kung bakit nasasaktan ako ng ganito diba? Mahal ko na nga siguro si Cad.

"Ha? Pa--pano mo naman nalaman yun? Wala pa nga akong pinagsasabihan nun eh."nag tataka ko naman na sabi.

"Mula kinder, crush kita, hanggang ngayon mahal parin kita. Kilalang kilala kita Jessi."napangiti siya ng mapakla."You can fool everyone by your fake smile, but spare me. Hinding hindi mo ako maloloko."

Ganito ba talaga siya kabaliw sa bilbil ko? Para mahalin niya ako ng ganun katagal?

"Hanggang ngayon mahal mo parin ako? Bakit? Tagal na ah."pagtataka ko. Hindi niya naman ako kailangan mahalin ng ganun katagal. Isa pa, sa tingin ko hindi ko kayang maibalik sa kanya ang nararamdaman niya.

He just nodded."Because I love everything about you."he admitted while looking at me."Nung nakita kita, alam ko na ikaw ang gusto ko makasama habang buhay kasama ng magiging anak natin pero--"napastop yung dialogue niya sa pero. Inlove nga talaga siya sa akin.

"Pero ano?"

"Pero mahal mo siya eh. If I can teach your heart, for you to love me, matagal ko ng ginawa pero Jessi, ikaw lang ang makakagawa nun."

"Ga--ganyan ka ba talaga kabaliw sakin? Seryoso ka ba kuya Gelo?"dalawang tanong ko sa kanya. Hindi ko akalain na ganito pala niya ako kamahal.

"I've been crazy inlove with you all these years. Seriously Jessi, ikaw lang talaga."

"Pero bakit ka ba umalis, at nag bago?"

"Gaya ng sabi ko sa letter, I came back for you. The one and only girl I'd love. Nag bago ako para sayo Jessi, hindi mo ba napansin yun?"napayuko siya at parang nalungkot pero pinipilit niya pa rin na ipakita ang pekeng ngiti niya. Marahil siguro, na nahihiya siyang ipakita sa akin ang kalungkutan niya.

"Napansin. Pero hindi ko inexpect na para sa akin. Hindi ko alam na seryoso ka talaga sa akin dati pa. Kala ko, crush lang."napakamot ako sa ulo ko.

"Kaya nga ako umalis eh. Diba, I promised you na babalik ako. Ito nako."nagkibit balikat pa siya habang pinakikilala ang sarili niya na parang isang bagong tao."I did it for you. I made it for you because I love you very much Jessi. You're my motivation."

Kung titignan ko siya sa pisikal na kaanyuan, ang laki laki nga ng pinagbago ni kuya Gelo. From his tabs to abs. It's good for him. But after all his body changes, hindi nga nag bago ang kalooban niya. Siya pa rin yung dating kuya Gelo na kasama kong nabubully sa campus.

"Pero hindi mo naman kailangan gawin yun dahil para sakin perfect ka."nakangiting busisi ko. "Ano ba yan, nagiguilty tuloy ako."

"Ha? Bakit naman?"tanong niya.

"Kasi, ikaw, sobra mong pinapakita sakin simula nung kinder kung gaano mo'ko kamahal, pero ako hindi ko masuklian yun."nakayuko na ako at hindi ko na siya matignan sa sobrang kahihiyan.

"Okay lang yun Jessi."ngumiti siya ng malapad. "Kahit masakit, kakayanin ko. Kakayanin ko yun kasi hanggang dun lang ang kaya mong gawin eh. And because I love you, I'll accept it."

"So okay kana? Mag mo-move on kana sa akin?"

"No. Bakit ko gagawin yun?"nagkasalubong pa ang kilay niya na parang gulat talaga siya sa sinabi ko.

"Bakit naman hindi?"pagtataka ko.

"Hindi nalang ako mag aasawa. Mas gugustuhin ko pang mamatay ng walang asawa. Kaysa naman mamatay ng hindi ikaw ang aking kasama."sinalubong niya na naman ang tingin ko. Hindi ko alam kung anong isasagot sa mga salita niya.

Niyakap ko nalang siya. Sa pamamagitan man lang nito, mapawi ko yung sakit ng nararamdaman niya na galingv

"Thank you. Sobra akong nag papasalamat sayo kuya Gelo. Sorry kung hindi ko mapantayan yung pinapakita mo sa'kin."sabi ko at tsaka naiiyak nanaman ako.

"Ito lang ang tatandaan mo, I'll always be your home Jessi. Kahit kailan mo pa'ko kailangan, pupuntahan kita. I don't care if you throw me like an archaic stuff when you're done. Basta alam kong matutulungan at mapapasaya kita."he wiped my tears away. Mas lalo kasi akong naiiyak sa mga pinagsasabi niya. Hindi ko alam kung gaano ito kasakit sa kanya basta alam kong nasasaktan siya kahit na ayaw niya pa ipakita.

"Mag move-on kana lang kaya.?"suhestyon ko."Kasi ako yung nahihirapan sayo eh. Nasasaktan lang ako para sayo."

"Ayoko nga."makulit na pagmamatigas niya. Napailing pa siya talaga na parang hindi talaga siya mag papapilit sa suhestyon ko.

"Diba sabi ko, ikaw lang ang babaeng mamahalin ko sa buong buhay ko? Wag kang masaktan para sa'kin, hindi ko kayang makita kang nasasaktan ng dahil lang sa'kin. Hindi ko kaya. Mas gugustuhin kong ako nalang kaysa ikaw pa."muli niya akong niyakap. Wala akong masabi."Kahit mahalin mo pa ako o hindi, mamahalin parin kita at wala akong pakialam kahit masaktan pa'ko."

Sobra akong nahihiya sa kanya. Wala akong masabi. Wala akong maitapat sa matatalinhaga niyang salita kaya nanatili akong tahimik sa bisig niya.
____________________________________

VOTE.COMMENT.SHARE

@Dwaeji_princess

My MotivationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon