Chapter 77

377 9 0
                                    

___________________________________

Habang papunta kami kanina ng restaurant, asaran lang kami ng asaran ng barkada sa loob ng sasakyan ni Burn. Pati nga rin si Mang Arthur na driver niya, nakikisali na.

Hindi ko tuloy mapigilan hindi mapangiti. Masaya ako dahil kami na ni Yassi ngayon. Girlfriend ko na siya sa wakas. Sa kabila ng pag tatago ko ng lahat sa kanya, habang si Elaine lang dati ang nakakaalam, nagawa niya parin akong patawarin sa kaduwagan at katorpehan kong mag tapat ng totoo kong nararamdaman para sa kanya.

"Oh, bakit ka napapangiti mag isa diyan?"hindi ko namalayan na kanina pa pala ako pinagmamasdan ni Yassi habang magkahawak kami ng kamay palabas ng sasakyan ni Burn.

Hiyang hiya akong napailing."Masaya lang talaga ako, kasi tayo na."

Napahagikgik siya sa reaksyon na binigay ko sa kanya. Hindi ko alam kung nabasa niya ang kilig na nararamdaman ko kahit ang bading man aminin.

Siyempre, ganyan talaga pag masaya. Hindi lang naman lalaki ang may karapatan kiligin diba?

Actually, nung una, akala ko itinutulak niya ako palayo sa kanya bukod sa masasaktan namin pareho si Elaine, e masasaktan din kami pareho dahil ang alam ko, gusto niya si Bricks, pero hindi naman pala. Kaya nalang tuwang tuwa ako nang ipaubaya ako ni Elaine sa kanya at malaman kong ako rin pala ang gusto niya.

Kaya ayun, hanggang sa hindi na kami nag ligawan, nag paalam nalang ako personally sa mommy niya nang minsan sunduin siya nito sa University, kabadong kabado pa nga ako nun dahil akala ko masungit yung mama niya at playboy ang tingin sa akin. Well, totoo naman. Dati naman talaga akong playboy, nagpapapalit-palit ako ng girlfriends dati, some called me a jerk. Pero ginagawa ko lang naman yun dati dahil ang akala ko wala akong pag-asa sa babaeng gusto ko na si Yassi na girlfriend ko na ngayon.

Andito na kami sa restaurant kung saan kami kakain ngayon at saan nag tratrabaho yung ate ni Jessi gaya ng sinuggest ni Yerdi. Masarap naman daw dito. At mukha nga, dahil sa dami ng taong kumakain dito. Nakikita ko dati ang restaurant na ito pero hindi gaanong dinadayo ng mga tao kaya hindi ito kapansin pansin.

Papasok na kami ni Yassi habang magkahawak parin ang kamay naming dalawa nang mabangga ako ng isang may edad na babae. Mukhang dito siya nag tratrabaho.

"Naku,sorry po sir."napasinghap siya."Hindi ko po sinasadya."paumanhin niya.

"Ayos lang po. Kayo po, okay lang po ba kayo?" nag aalala ko namang tanong rin sa kanya. Muntikan pa'kong nabuhusan ng juice pero parang di ko gusto magalit. Mukha naman mabait ang babaeng ito.

"Madame Charito!"kumaway sa kanya ang isang waiter.

"Okay lang po ako. Sige, maiwan muna kita ha."nag mamadaling paalam niya. Kaya tinanguan ko nalang siya. Umorder na rin kami ng barkada.

Jessi's POV

Nasa dorm na ako ngayon. Kakahatid lang sa akin ni Cad. Pinapasok ko muna siya kasi medyo umaambon.

"Get some rest. Pagod na pagod ka galing training eh."pabagsak niya ihinilatay ang katawan niya sa kama ko.

"Oo nga eh. Ang sakit ng katawan ko."tumabi ako sa kanya pero nakaupo ako.

"Ibili kita ng gamot?"

"Wag na."madaling pag tanggi ko. Ayoko naman na maabala ko pa siya. Isa pa, gabu na rin naman na. "Okay na ako, sige, umalis kana."

"Tinataboy mo ba ako?"bigla pa siyang napa-pout. Ang kyot niya tuloy, para siyang baby.

"Hindi naman sa ganun. Pero, salamat Cad ha."kumunot ang noo niya nung ngumitu ako sa kanya."Sa lahat ng ginagawa mo sakin. Palagi mo nalang akong sinasamahan at hindi mo'ko iniiwan. Tapos, trinetrain mo pa ako ngayon sa volleyball."

"Wala yun. Iginagawa ko lang ang lahat naman ng ito dahil sa mahal kita."napabangon na siya ngayon. Okay, eto nanaman tayo sa kakornihan ng lalaking to kaya bigla nanaman tuloy awkward ang moment namin. Kasi naman to, may pabanat banat pang nalalaman.

"Jessi, I love you so much."hinawakan niya yung kamay ko habang nakatingin sa akin. Hindi ko ba talaga napapanaginipan tong mga to? May gumaganito na sa akin ngayon?

"Ang landi landi mo talaga."umiwas ako ng tingin.

"Anong sabi mo?"pinanlakihan niya ako ng mata at tsaka niya ako hinila sa kama. Napahiga kaming dalawa dun habang nakayakap siya sakin na parang nire-restling ako sa kama.

"Uy, uy, ano bang ginagawa mo? Hindi ako sanay ng ganito."inalis ko agad ang pagkakayakap niya sa akin.

"Bakit? Best girl friend naman kita ah? Ano namang masama sa ginagawa ko?"

"Wala. Ang awkward."pa-inosente kong sagot. Malamang nag tapat na siya ng feelings niya sa'kin at tsaka kahit na gustovko pa siya hindi ako mag te-take advantage noh.

"Hindi ba ako ang dapat ma-awkwardan dahil ako yung may gusto sayo?"pagtataka niya. Napaisip siyang mabuti."Hindi kaya gusto mo rin ako? Kaya awkard para sayo?"napangisi pa siya. Walang hiya, di ako makasagot.

"Oh bat di ka makasagot?"

"Oy wag kang assuming, Tsaka hindi ako sanay na may ka-bed scene na lalaki."patay malisya kong saad. Hay, sana lang gumana yung palusot kong yon.

"Bed scene?"pag-uulit niya."Bed scene na ba ito?"

"Oo. Niwrewrestling mo'ko sa kama ko?"

"Oh, baka naman gusto mong magkaroon tayo ng bed scene? Bed scene na totoo?"lumapad na naman ang ngisi niya. Mas lalo niyang nilapit ang sarili niya sa akin. Nag eye contact kami. Unti unti niyang nilapit sumunod ang mukha niya, gbabalak syang halikan ako. Hindi pwede. Baka may mangyari samin. Hindi pwede to.

"Cad, wag ganyan. Hindi pwede."napaatras ako.

*LIGHTS OFF+THUNDER+LIGHTNING=BROWNOUT*

"Ahhhhhhh!!!!" Napasigaw ako at napayakap kay Cad. Bad trip naman tong mga kampon ng bagyo. Ang lakas mang-gulat. Ngayon pa na wala akong kasama dito sa bahay at aalis na tong kasama ko.

"Sige Jessi ah, aalis nako. Bye." paalam ni Cad. Lintek to, ngayon talaga aalis kung kailan takot na takot ako. Nananadya ba siya porket hindi natuloy yung gusto niyang halikan naming dalawa?

Napabangon na siya ng kama ko pero nakahawak parin ako sa braso niya."Cad, wag mo'kong iiwan dito. Wag ka muna umalis."

"Eh kung dito nalang kaya ako matulog, I heard, there are ghosts here."pagkwekwento pa niya. Aba't nag kwento pa. Ang lakas talaga manakot nito. Kainis.

"Ano ba! Wag kangang manakot jan!"hinampas ko siya sa braso niya. "Yakapin mo'ko."

"Ayoko nga."

Sinamaan ko siya ng tingin habang ngumingiti siya ng parang aso. Nakakainis na.tuloy yung mukha niya. Tinalikuran ko nga."Edi wag. Umalis kana."

Saglit lang ay nakaramdam ako ng mga brasong bumalot sa akin.

"Sorry na boss."bulong niya pa sa tenga ko.

"Akala ko ba, ayaw mo?"inalis ko yung dalawang kamay niya pero madali niyang binalik ito.

"Joke lang naman 'yon boss. Ito na po oh."paglalambing niya. Hinayaan ko na siyang gawin 'yon.

"Higpitan mo."ang bilis naman nawala ng tampo ko sa kanya. Ganun ko ba siya ka-crush? Hayys.

"At bakit boss ang tawag mo sa'kin?"nag tataka kong usisa.

"Boss kita, boss mo'ko. I love you boss!"nilalapit niya na naman ang mukha niya sa akin. Iniwas ko agad ang mukha ko dahil hindi pa ako handa. Niyakap ko nalang siya. Dito man lang, maiparamdam ko na special din siya sa akin.

_________________________________________

VOTE.COMMENT.SHARE

@Dwaeji_princess

My MotivationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon