Chapter 62

378 12 0
                                    

Yassi's POV

I just can't believe with all the things I've heard said by Elaine. Hindi man ako sigurado kung totoo, pero wala naman akong nakikitang dahilan para mag sinungaling si Elaine sa amin.

Madalas din iparamdam sa akin ni Johanne na importante ako sa kanya, palagi niya rin akong pinapatawa. In fact, mas naging close kaming dalawa lately dahil sa mga pag o-open up ko sa kanya tungkol sa pagiging bastard ko when I've got no choice. Kasi siya na ang madalas kong kasama at hindi si Elaine at Bricks na dalawa rin sa nakakaalam ng sekreto ko. I had to trust him and let out all the bad things I felt inside me.

Akala ko madalas niya lang gawin yun dahil trabaho naman talaga ng isang kaibigan yun. Ang patawanin at bigyan ka ng advice tuwing may problema ka. Ang patahanin ka sa tuwing umiiyak ka na parang bang naiisip mo minsan na hindi mo na kaya. Akala ko ginagawa niya lang yun bilang kaibigan ang tingin niya sa akin, pero hindi ko agad na ramdaman na may higit pa palang meaning sa magandang ipinapakita niya.

Siguro nga tama si Elaine. Tama nga yung sinabi niyang lahat hindi ko alam. Napaka-insensitive ko nga kung tutuusin. Pati yung feelings niya for Johanne, hindi ko man lang napansin dahil akala ko ang pakikipag-ride in niya sa mga asaran namin sa kanila ay normal lang, pero hindi ko naman alam na sineseryoso niya pala. Bilang best girl friend niya, ang tanga ko dahil hindi ko man lang pinakiramdaman yun. Ang unfair ko kay Elaine.

Likewise, hindi ko rin naramdaman na mahal pala ako ni Johanne ng matagal na. Gets ko naman na, na hindi talaga ako madaling makiramdam. Pero ang mali ko kasi, naulit pa. Naulit pa kay Johanne.

Kaya nga nung inamin ni Elaine kanina na mahal ako ni Johanne, hindi tuwa ang naramdaman ko. Kundi takot kaya tumakbo ako palayo sa kanila matapos kong marinig ang confrontation ni Elaine na galing dapat mismo kay Johanne.

"Yassi, sandali!"sigaw ni Johanne

Hindi na ako lumingon pa sa kanya at ipinagpatuloy lang ang pag takbo."Wag mo nakong sundan Johanne!"

"Yassi, please naman."pakiusap niya kaya naman huminto sa ako sa pagtatakbo at tsaka ako umupo sa upuan na pahaba ng ospital. Tinabihan naman ako dito ni Johanne. Pagod na rin naman ako kaya pinili ko nalang na huminto.

"I'm sorry Yassi. Sorry kung tinago ko sayo."ramdam ko ang sincerity sa boses niya pero ayoko parin siyang tignan."Kausapin mo naman ako Yassi."

"Kailan pa yan?"seryosong usisa ko habang hindi siya tinatapunan ng tingin.

Napahugot siya ng isang buntong hininga."Matagal na."

"Nasaktan natin si Elaine. You should've told me earlier!"this time tinignan ko siya ng masakit. Nagagalit ako kasi nasaktan yung best girl friend ko. Nasaktan si Elaine at isa ako sa gumawa nun. Sa kamanhid-an naming dalawa.

"Ofcouse I wanted to tell you, pero gaya ni Elaine, natakot din ako sa magiging reaksyon mo."sabi niya.

Hindi ko matanggap ang excuse niya sa pagkaduwag niya. Matagal niya na palang nararamdaman pero hindi niya na agad sinabi noon pa. Edi sana wala nalang nasasaktan ngayon. Sana hindi umiiyak si Elaine nang dahil sa amin."Kahit na, lalaki ka, sana nag tapat ka noon pa para hindi na umabot dito pero bakit hindi mo parin nagawa kung talagang mahal mo'ko."

"Sorry Yassi, sorry kung natakot ako."paumanhin niya."I never had the guts to say it. Natakot akong aminin sayo yung totoo."pag amin niya.

"Oh, ano ng gagawin natin ngayon? Teka, paano nalaman to ni Elaine?"pagtataka ko.

"Sinabi ko sa kanyang matagal na."

Biglang nag init ang ulo ko. Hindi niya man lang inisip yung pwedeng maramdaman ni Elaine, ang insensitive niya rin tulad ko at isa pang kinakagalit ko, kay Elaine niya pa inamin kaya nasaktan pa siya."Johanne naman, sinabi mo sa kanya tapos--"

"Eh hindi ko naman alam na matagal niya na rin pala akong mahal eh."pamumutol niya."Hindi ko alam na sa bawat kwento ko sakanya, eh nasasaktan na pala siya."

Napaisip ako kung ano ang pwede namin gawin para makabawi kay Elaine. Gustong gusto kong bawian si Elaine sa lahat ng pagkukulang ko bilang best girl friend niya. At iisa lang ang naisip kong paraan na makakapagpasaya sa kanya."Hindi mo ba talaga kayang ibalik sa kanya yung pagmamahal niya sayo?"

"Yassi ikaw ang mahal ko, hindi si Elaine."kaswal na sambit niya.

"Tama nanga, hindi pwede, ayoko na uli masaktan yung bestfriend ko."mariin na sabi ko."Johanne, kalimutan mo nalang ako."

Gulangtang lang siyang napatingin sa akin dahil sa sinabi ko."Hindi ko kayang gawin yun."

"Kaya mo Johanne. Kaya mo. Kung talagang mahal mo'ko."kung kinakailangan utusan ko siya na mahalin niya si Elaine, gagawin ko. Wag lang uli siya masaktan.

"Anong gusto mo? Ibaling ko kay Elaine yung nararamdaman ko para sayo?"

Hindi na muna ako nakatingin sa kanya sa pag iisip ng pwede pang paraan pero wala na akong maisip kaya tumango ako."Kung kinakailangan para lang sumaya si Elaine at patawarin niya na ako."

"Sa tingin mo ba, madaling gawin yun Yassi? Eh ikaw, wala ka bang nararamdaman para sakin?"nag taka ako ng hindi ako nakasagot kaagad sa sumunod niyang tanong pero hindi ko alam kung bakit. Dapat naman kaya kong sagutin ito agad pero bakit kailangan ko pang mag-isip?"Bakit hindi ka makasagot? Yung nag kiss tayo sa kissing booth, ano ba talagang rason mo kung bakit ka pumayag? Naaawa ka lang sa estudyante o ginusto mo talaga? Gusto mo rin ba ako?"

Bakit ganito, nag dadalawang isip akong sagutin siya. Na para bang sa isasagot ko, ay kailangan ko itong siguraduhin. Hindi kaya gusto ko rin si Johanne, kaya ang dali kong pumayag makipag halikan sa kissing booth kahapon?

"Yassi, sagutin mo'ko. Gusto mo rin ba'ko?"niyugyog niya pa ako sa braso ko.

"Hindi kita gusto Johanne."Ayun nalang ang lumabas sa bibig ko na laking ikinagulat ko pero, hindi ako masaya. Hindi ako masaya sa sinabi ko sa kanya. Hindi ako masaya dahil pakiramdam ko nag sinungaling ako sa kanya.

Natulala nalang siya, at nalungkot sa sinabi sinabi kong sa tingin ko ay isang kasinungalingan.

Napatawa siya ng mapakla."Yan Yassi yung ikinakatakot ko. Yan ang dahilan kung bakit hindi ko sinabi sayo una palang."

"Johanne, itigil mo na yan."pamimilit ko."Ang alam ko lang, kailangan mo na akong kalimutan, si Elaine nalang ang mahalin mo."

Tumayo ako sa inuupuan namin saka ko na siya iniwan at lumayo. Hindi ko alam kung bakit iniiyakan ko ang sinabi ko sa kanya na hindi ako sigurado kung kasinungalingan ba o hindi.

"Yassi!"tawag niya sa akin kaya napahinto ako. Pero hindi na ako lumingonvpa sa kanya. Ayokong makita niya na ganito ang itsura ko at pag hinalaan niya ang mga naging sagot ko."Sana maging masaya ka sa naging desisyon mo."

Mas lalo lang akong naluha sa sinabi niya. Tuluyan na akong lumabas ng ospital ng makita ko ang barkada. Hindi ko nalang sinagot at sumakay nalang ako ng taxi papauwi. Ayoko ng mag explain. Ayoko ng mag salita dahil pakiramdam ko lahat ng lalabas a bibig ko ay puros kasinungalingan.
___________________________________

Vote.Comment.Share

@Dwaeji_princess

My MotivationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon