Chapter 71

340 9 0
                                    

__________________________________________

Dinala ko ngayon dito sa park si Cad, kung saan ako mag papalibre sa kanya ng Angelo's burger at isaw at betamax. Hahahaha. Ang favorite tamabayan namin nila ate Zirri at ni bessy.

"What are we going to do here?"tanong niya habang palinga linga dito sa park.

"Oh di siyempre, ililibre mo'ko diba?"pagpapaalala ko sa kanya.

"Okay. So, what do you want? Food?"Tumango ako agad ng parang bata at tsaka ko siya hinila sa Angelo's burger kung saan may pinakamasarap na burger na natikman namin nila ate Zirri at ni bessy. Suki nga kami dito kaya bespren namin si manong tindero.

"Oh Jessi, ang tagal mong hindi nag punta dito ah. Mukhang pumapayat ka ah."pagsasalita ni manong, and omgee? Pumapayat daw ako, I can't believe it. Parang isang araw lang akong nag training at pinagpawisan, pumayat na ako agad? Ang bilis naman ng metabolism ko kung ganun.

"Manong naman ihh. Wag naman kayong ganyan."hinampas ko pa si manong ng mahina."Niloloko niyo naman po ako ih."

Napahagikgik tuloy si manong."Oh nobya mo ba yang kasama mo hija?"

Nag tinginan tuloy kami ni Cad. Natawa pa siya sa paghihinala ni maning."Hindi po manong. Kaibigan ko lang po yan."

"Anong kaibigan? Hindi kaya."agad naman na depensa ni Cad kaya nilakihan ko siya ng mata. Wag niyang sabihin paninidigan niya parin yung pagpapakilala niya sa akin bilang girlfriend niya dito kay manong gaya nung pagpapakilala niya sa akin bilang syota niya sa mga haters ko? Hayy, masyado niya ng feel ha.

"Hi manong, Im Cad. Jessi's best boy friend." pakikilala niya tsaka naman siya nakipag shake hands kay manong.

"Hello sayo hijo. Pero akala ko ba hindi mo siya nobyo hija?"pagtataka niya.

"Hindi nga po manong. Ibig pong sabihin ng Best Boy friend, matalik kong lalaking kaibigan."paliwanag ko.

"Naku, parehas lang yun. Wag na nga kayong mga pakipot."saad niya."Nasisiguro ko, magkakahulugan rin kayo sa isa't isa di mag tatagal. At nasisiguro ko rin na meron ng isa sa inyo ang may gusto na sa isa." eto naman si manong pinapa-awkward pa ang buhay namin ni Cad e.

"Kayo talaga manong, mapagbiro po talaga kayo. Eto nanga po pala bayad. Salamat po manong."binigay ko na ang bayad namin sa burger na inorder namin.

"Sige hija. Salamat rin. Ikamusta mo'ko kay Zirri at Yerdi ha."huling sambit niya.

"Opo manong. Bye." huling paalam ko tsaka ko na kinuha yung burger. Tinanguan naman siya ni Cad bilang pag papaalam.

Napaupo muna kami dito sa swing. Binigay ko kay Cad ang burger niya at sabay namin itong binuksan.

"Close pala kayo ni manong tindero ng burger?"tanong ni Cad sakin habang nginunguya yung burger niya.

"Oo. Suki kasi kami dun nila ate Zirri at bessy"sagot ko habang ngumunguya rin.

Tahimik lang kami dun, habang inuubos yung burger namin ng bigla niya nanaman akong tinitigan gaya ng pagkatitig niya sa akin kanina.

"Oh, bakit nanaman?"dinampi dampi ko pa ang labi ko kung may dumi. "Wag mong sabihing may mayonnaise nanaman ako sa lips ko at this time baka dilaan mo na?"

Bigla lang siya napalingon sa iba at parang natatawang ewan. Ibang klase rin tong tuktok ng lalaking to, may 35 ang ulo? Ewan ko ba dito e. Ang wierd ng mga kinikilos niya. Ang lakas ng trip niya.

"Bakit ka ba natatawa jan?"tinaasan ko siya ng kilay.

"Wala. Wala. Tara nanga."napailing iling pa siya habang tinatapon yung plastic kung saan nakalagay ang burger na kinakain niya kanina.

Hinila ko siya uli papunta dun sa may ihawan."Oh, oh, san mo nanaman ako dadalhin?"

Kumuha ako ng dalawang isaw at sinawsaw yun sa suka. Binigay ko yung isa sa kanya.

"What's this?" maarteng tanong niya.

"Isaw."sagot ko sabay kagat sa isaw ko.

"Wooaah. i-SAW? What kind of food is this? Looks like a tiny snake."tuwang tuwa pa siya habang tinitignan yun.

"Isaw."pag-cocorrect ko." Chicken intestines Try mo masarap yan. Hindi yan snake. Shunga."tinawanan ko pa siya.

"Chicken intestines? Nakakain pala yun?"

"Nasa harapan mo na nga e. Next time, yung betamax naman ipapatikim ko sayo."naubos ko na yung isaw ko kaya kumuha uli ako ng isa. Ang sarap talaga ng isaw. Namiss ko to ah.

"Ano yon?"

"Buo-buong dugo."sabay nguya ulit.

"What the fuck?"diring diri pa siya."Pati yun kinakain?"

"Oo nga. Arte nito."inis na sabi ko."Kumain ka na nga lang."

"I don't know how to eat this. Teach me how. Can you do it for me?"nag pretty eyes pa siya. Ang kyot kaya.

"Kaarte naman neto. Kagatin mo lang, ganto oh."so dinemonstrate ko pa talaga."Tsaka nguyain mo. Ganun lang. Ano bang gusto mo, ako pang kakagat para sayo?" tsaka niya naman na ako ginaya pero natatawa ako sa kanya dahil niya makagat at mahiwalay sa ngipin niya yung isaw.

"Akin na nga!"kinuha ko sa kanya yung isaw at tinutok sa bunganga niya."Nganga!"isinubo ko ito sa kanya at ginawa naman niya ang sinabi ko.

"Hmm. Masarap pala. Ngayon lang ako nakakain nito eh."panguya nguya pa siya."Pwede isubo mo pa ako?"

"Neknek mo. Swerte mo naman. May kamay ka kaya."mataray na saad ko tsaka siya napasibangot ng parang bata.

~

Bumalik na kami dito sa bench tree. Lumulubog na rin kasi ang araw at madilim na ang langit.

"Ang sarap bespren, alam mo ba ang saya saya ko ngayon."nakatingin siya sa akin ng may malapad na ngiti.

"Bakit naman?"pagtataka ko. Halata nga sa mukha niya. Napaka cheerful ng aura niya.

"Kasi kasama kita."naging seryoso ang boses niya."Sana makabalik tayo dun ng magkasama."

"Oo naman."sabi ko tsaka ako ngumiti.

Bigla lang kaming natahimik pagkatapos nun.

Siya ang nag pasaya ng araw ko, buti nalang dinamayan niya ako.

Saglit nawala ang ngiti ko sa labi dahil naalala ko nanaman yung pagka-eliminate ko kanina.

"Hey, wag mo na isipin yun."tinap niya ang balikat ko.

"Hindi ko lang maiwasan e."napangiti ako ng mapakla."Pero thank you ah, pinasaya mo parin ako, di mo ako iniwan."

"Syempre naman. Promise natin yan sa isa't isa diba, wag mang iiwan."pagpapaalala niya.

Napangiti ako sa loob-looban ko. Pati yung simpleng pangako namin na yun, naalala niya pa. Paano kaya ako makakabawi sa kanya sa kabaitan niya?

"Halika nga," sabi niya at tsaka niya ako niyakap ng sobraaaaang higpit.

Pero bakit ganito? Bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon? Hindi naman ganito yung feeling ko nung unang beses na niyakap niya ako ng mahigpit. Hindi ang kapitpitan ng boobs ko yung nararamdaman ko ngayon kundi ang matinding pag kabog ng puso ko. Parang kinakabahan ako ng sobra. Ngayon ko lang naramdaman to sa buong buhay ko. Parang isang tibok nalang, pakiramdam ko sasabog na yung puso ko. Ang ingay ingay, nakakabingi. Dinig ng dinig ko ang malakas na pag tibok nito.

_________________________________________

Thanks for reading.

My MotivationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon