Elaine's POV
*CANTEEN*
Parang wala akong ganang kumain sa narinig ko kanina sa Music. Bad trip naman kasi yung groupings eh. Bakit naman ganun? Bakit kailangan sila pa ang magkapartner? Bakit hindi nalang ako?
Mukhang sinasadya nanga talaga ng tadhana mag kalayo kami ni Johanne. Siguro, sila talaga ang destined. Hayy. Ano ba to, ang drama ko talaga ever.
"Ba't parang wala kang gana?"biglang tanong sakin ni Bricks na katabi kong kumakain.
"A-ano kasi eh."ano ba yan. Hindi ko alam ipapalusot ko, kapansin pansin naman talaga ang mood ko lalo na sa observant na to."Nabusog ako dun sa kinain ko sa recess."palusot ko. Sana lang gumana tong palusot ko noh.
Bigla siyang natawa sa sinagot ko kaya nag taka ako. Tinignan ko ang mukha ko sa phone screen ko kung may dumi ako, pero wala naman."May dumi ba ako sa mukha?"
Umiling siya habang nakangiti sa akin ng nakakaloko."So nakakabusog na pala yung dalawang pirasong yemang kinain mo kanina?"mas lalo pa siyang natawa na para talagang may nakakatawa sa akin. Problema neto, lakas ng tama."Sinong niloko mo? Ako? Si John Bricks Miller? Na pinaka observant sa barkada?"supalpal niya."Hindi ako manhid tulad ng iba."
Natulala ako sa sinabi niya tsaka naman siya nag iwas ng tingin. Shet. Ano bang ibig niyang sabihin dun sa hindi siya manhid tulad ng iba? Hala! Alam niya na yata ang sekreto ko. Ano ba yan, hindi pwede.
Pero sana naman hindi noh. Ilang years ko rin kayang tinago to tapos bigla bigla lang matutuklasan ng iba? Wag na noh. Sayang lang ang effort ko.
Ang tanga ko naman kasi eh. Sa lahat ng idadahilan ko, yung recess ko pa kaninang dalawang pirasong yema na kahit sampong yema pa ang kainin ko, hindi ako mabubusog.
"Ha? Ano bang pinagsasasabi mo?"patay malisya kong sabi.
"Alam mo Elaine, wala ka namang dumi sa mukha, pero yang tinatago mo jan sa loob looban mo, jan."tinuro niya pa ang dibdib ko."Akala mo madumi, kaya ayaw mong ilabas kasi akala mo, makakadumi lang."
Shemaii. Ang talino ah. Ang lalim. Bakit ganito nalang siya kalalim humugot tungkol sa dibdib ko? Hindi naman kalakihan, wait. Ano ba, ayoko talagang malaman ng iba na may gusto ako kay Johanne.
Muntikan ko ng hindi magets yung hugot niya pero kahit papaano, kinaya naman ng bird brain kong utak at nagets ko naman. Pero parang alam niya talaga yung sekreto ko. Bakit naman kasi ganito ka-observant tong lalaking to?
"Ano bang sinasabi mo Bricks? Alam mo, Gutom lang yan."
Tumango tango siya."Sana nga noh, gutom lang to. At busog ka lang talaga." Nanahimik nalang ako. Nakakaubos lang ng sasabihin kapag kausap mo tong lalaking to para sa mga bird brain na tulad ko, masyadong matalino sumagot. Deadma nalang, ah basta. Hindi talaga ako aamin. Kung matalino si Bricks, mas matalino akong mag deny.
"Mukhang naliligaw yata ang landas ah."out of the blue na sabi ni Yerdi habang nakatingin sa gawi namin ni Bricks.
"Aww. Switching of partners nanga ba talaga?"panghihinayang pa ni Jessi. Napasimangot nalang ako sa loob looban ko. Pag naririnig ko kasi yang switching of partners, nararamdaman ko lang talaga na parang hindi talaga para sa akin si Johanne.
"Oo nga."pagsang-ayon ni Burn."Nung isang araw, sila Yas at Johanne ang may sariling mundo, ngayon naman, si Bricks at Elaine."dagdag pa ni Cad.
Nanahimik nalang kaming apat sa sunod sunod na asar nila sa amin. Enjoy na enjoy naman si Johanne, pakipot lang. Palibhasa nararamdaman niya ngayon yung nararamdaman ko sa aming dalawa sa tuwing inaasar kami ng barkada.
~
*KRING!*
Hay, salamat. Dismissal na ulit. Buti nalang talaga dismissal na, para makauwi na ako at makapag-emote. Kanina lang, bad trip ako sa music groupings, tapos ngayon uwian na.
"Bye Elaine."tuwang tuwang pamamaalam ni Johanne habang nakaakbay pa kay Yassi. Bakit naging clingy na siya kay Yassi ngayon? Dati naman ako ang inaakbayan niya.
"Ha? Hindi ka ulit sasabay sa akin?"tanong ko
"Oo eh. Sige ah. Bye."huling paalam niya. Nag paalam na rin sa akin si Yassi tsaka na sila umalis.
Bakit ganun? Bakit kailangan akbayan niya pa si Yassi? Bakit kailangan sa harapan ko pa? Hindi na ba talaga matatapos ang kamalasan ko sa araw?
Dahil dun, nakasimbakol ang mukha ko habang pauwi ngayon. Nilakad ko na, hindi ko trip mag taxi ngayon eh. Wala nanaman kaming practice ngayon ni Johanne, para dun sa pupuntahan nila ni Yassi.
*BEEP BEEP*
May kotseng umovertake sa harapan ko. Teka, kotse to ni Bricks ah. Anong ginagawa nito dito eh dapat sa kabilang way ang daanan niya.
"Usong mag taxi diba? Ba't ka nag lalakad?"tanong niya habang binababa ang sliding mirror niya.
"A--alam mo na, exercise?"palusot ko nanaman sa kanya.
Nagpakawala siya ng isang tawa."Okay ka lang? Exercise pa nais mo eh paulan ulan nanga?"supalpal niya.
*RAIN DROPS + THUNDER*
"Get in the car!"sigaw niya tsaka na ako pumasok sa loob ng kotse niya ng mabilis.
Zirri's POV
Ako naman ang kakanta ngayon dahil ako ang naka-schedule, hagard na hagad nanga ako eh, hindi na ako nakapag-ayos.
"Wooooooh!!!! Go idol!!!!"cheer sa akin ni Vincent at ang mga iba ko pang waitress buddies. Pati nga rin si madame Charito napapatalon din sa excitement eh.
Tumaas na ako sa mini stage namin tsaka na nag simulang tumugtog si Kenji.
Baby, I got love for thee
So deep inside of me
I don't know where to start
Yeah yeah
I love you more than anything
But the words can't even touch what's in my heart
Yeah yeah
No, noWhen I try to explain it I be sounding insane
The words don't ever come out right
I get all tongue-tied and twisted
I can't explain what I'm feeling
And I say, baby, baby,
Oh, woah, oh, woah,
Baby, baby*Chorus*
(Baby I) oh, baby, oh, baby, my baby, (Baby I) oh, baby, baby I
(Baby I) all I'm tryna say is you're my everything, baby
But every time I try to say it
Words, they only complicate it
Baby, baby (oh, whoa, oh, whoa)*Bridge*
Straight up you got me
All in, how could I not be,
I sure hope you know (I sure hope you know)
If it's even possible, I love you more
Than the word love can say it (say it)
It's better not explaining
That's why I keep saying baby oh
Oh, baby, baby I, all Im tryna say is your my everything baby*Repeat chorus*
From beginning to end of the song, nag hihiyawan ang mga tao at chinicheer nila ako. May standing ovation panga eh. Galing ko talaga, bilib silang lahat sa akin eh. Hahaha.
"Woooooohh!!!! Idol ko yan! Ang galing mo talaga!!! Idooooooool!!! Aylabyu!!!!!"pagmamalaki ni Vincent habang nakataas pa ang dalawang kamay niya.
Ngumiti nalang ako."Maraming salamat po sa pag dalo niyo ngayong gabi."tsaka ngumiti sa akin lahat ng customers."Nagustuhan niyo po ba yung kinanta ko?"tabong ko sa kanila.
" Oo! Oo! "
" Wooohhhh!!! "
"I-SA PA! I-SA PA! I-SA PA! I-SA PA! I-SA PA!" chorus na sagot ng mga madlang pipol, ang dami ko ng fans.
_______________________________________________
Thanks for reading.
@Dwaeji_princess