Chapter 64

365 12 2
                                    

Zirri's POV

*RESTAURANT*

Ang hassle lang naman kasi nitong si sir Garnette. Matapos akong payagan na mag grocery gaya ng pinaalam ko, tsaka naman agad tatawag na kailangan na kailangan na daw ako dito sa restaurant.

So anong magagawa ko, di lumipad ako agad dito mula sa grocery. Pero pagkarating ko naman, hindi naman masyadong siksikan pero okupado ang lahat ng lamesa.

"Oh Vincent, akala ko ba siksikan dito?"hingal na hingal na pag tatanong ko sa kanya tsaka kumunot ang noo niya."Andiyan kana pala. Anong pinagsasabi mo idol?"

"E tumawag kaya si sir sa akin? Sabi niya pa nga ang daming customers na nag aantay e."pinakita ko pa ang text ni sir Garnette na ikinatawa niya kaya nag taka ako."Anong nakakatawa?"

"Ito talagang si sir may palusot.com pang ganyan. Naniwala ka naman agad idol, sus. Dadamoves lang yan sayo e."

"Anong pinagsasasabi mo diyan? Anong damoves?"pagtataka ko.

Inirapan niya ako at hinampas pa sa braso."Asus. Wag kana nga magkaila idol, alam ko naman na pareho kayong natulog ni sir dito kagabi e."

"Ano naman ngayon?"saad ko habang nakataas ang kilay.

Bigla siyang ngumisi. Eto nanaman, napunta nanaman sa pagka-green minded ang utak niya."Ano idol? May nangyari ba sa inyo ni sir?"tinaas taas niya pa ang kilay niya habang humahagikgik kaya hinampas ko siya sa braso niya."Aray naman idol ko!"

"Ang dumi ng isip mo ha. Gusto mo isa pa?"tinaas ko na ang isang kamay ko at nakahanda ng hampasin siya uli pero dali daling umiling ito. Ang dumi kasi ng isip nito e. Palagi nalang kaming pinag-iisipan ni sir ng kung ano ano. Well, may part din naman na hindi ko siya masisisi, e malandi ba naman kasi tong si sir e.

"Ito naman si idol, nag tatanong lang naman ako e."napakamot pa siya sa ulo niya. Inirapan ko nalang siya ulit."Sorry na, libre nalang kita ng turon mamaya."sabi niya. Siniko siko niya pa ako."Uyy, sasama na si idol mamaya, mag tuturon kaming dalawa."hindi ko siya tinitignan dahil paniguradong matatawa lang ako at matatanggal ang inis ko sa kanya. Pero kiniliti niya ako kaya napabulalas ako ng tawa.

"Ano ba Vincent!"napatingin tuloy ang ilang tao sa restaurant sa amin.

"Uy tumawa na si idol."pang-aasar niya pa."Basta mamaya turon tayong dalawa idol ha? Ililibre kita."

Biglang nawala ang inis ko sa kanya kaya tumango nalang ako."Oo na, sige na. Mag tuturon na tayo."

"Ayan, bati na tayo idol ha?"inakbayan niya pa ako tsaka nag make face pa siya ng parang bata kaya natawa nanaman ako.

"Hindi kayo binabayaran dito para mag landian."napalundag sa kaba ang puso ko ng marinig ko ang boses na yun. Napatingin kami ng sabay ni Vincent sa likod namin.

Inalis ko tuloy ang pagkakaakbay ni Vincent sa balikat ko."So--sorry po sir, nagkatuwaan lang po."paumanhin ko.

Mag papaliwanag pa sana sa kanya si Vincent pero hinila niya agad ako sa office niya gaya ng ginagawa niya lagi. Ang hilig din mang hatak nitong si sir e. Nakakainis. Kung hindi ko lang amo to pinektusan ko na to ng ilang times.

"Umupo ka diyan."seryosong utos niya kaya sinunod ko naman siya. Sumunod agad ako sa kanya at umupo na sa couch."Anong oras na? Kanina pa kita tinext diba?"

Nilabas ko ang phone ko at chineck ko ito."Sorry po sir, kanina pa naman po talaga ako nakarating dito, kaya lang po nagkaasaran po kaming dalawa ni Vincent.

Tinapunan niya nanaman ako ng masakit na tingin. Ewan ko ba dito namumula ang mukha niya ngayon at pawis na pawis pa ang ilong e ang lamig lamig naman dito sa office niya. Bihira pa nga siyang lumabas dito e.

My MotivationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon