Chapter 61

363 12 2
                                    

Elaine's POV

Mag iilang minuto na ang nakalipas simula nung makalabas si Bricks ng kwarto habang iniiwanan kami ni Johanne dito.

Pinakiusapan ko siya na lumabas na muna. Ayokong umasa, dahil baka mali nanaman ako. Pero baka kasi meron pang gustong i-explain si Johanne tungkol sa nangyari kahapon. Baka naman kasi may na-miss interpret ako sa nakita ko.

Umaasa parin ako na guilt ang nararamdaman niya sa ngayon kaya pinuntahan niya pa ako dito para makipag usap sa akin. Pero mukhang hindi niya balak ang mag salita. Nanatili lang kaming nanahimik sa loob ng kwarto kaya nag tangka akong basagin ito."May gusto ka bang sabihin sa akin?"nakakahiya man na ako pa ang maunang mag salita. Pero kailangan ko rin naman aminin dahil namimiss ko na talaga siya e. Gustong gusto ko na uli makausap si Johanne.

"Ah, ano Elaine."hindi niya maitama ang paningin niya sa akin pero nakatingin parin ako sa kanya."Nag punta lang ako dito para mag sorry sayo."

Bigla nanaman kumirot ang kung anong nasa loob ko. Dun sa parte ng sinabi niyang ang pinunta niya lang dito, ay ang gusto niyang mag sorry. Okay naman dahil inaadmit niya ang kasalanan niya sa nangyari kahapon, pero nasaktan lang kasi ako dahil ayun lang ang pinunta niya. Ibig sabihin ayun lang talaga ang pakay niya dito, hindi niya man lang ako kakamustahin.

Ngumiti ako ng mapakla."Ayos na yun, tapos naman na yun e."pagsisinungaling ko. Alam kong kahit masakit parin sa akin at hindi ako okay, wala akong magagawa kung hindi ang umaktong ayos na sa akin ang nangyari dahil ayoko ng pahirapan pa siya na mag sorry sa akin."Ayun lang ba ipinunta mo dito?"

Tumango siya habang hindi parin nakatingin sa akin at nakapamulsa ang kamay niya."Oo. Sana mapatawad mo ako. Sige Elaine, mauuna na ako."pamamaalam niya.

Papaalis na siya ngayon pero hindi ako satisfied sa usapan namin kasi ang awkward parin. Parang hindi na kami mag partner. Tinanong ko pa siya kung may gusto pa siyang sabihin. Umaasa parin ako. Umaasa akong i-eexplain niya lahat ng nangyari kahapon. Kung bakit late na siya, bakit hindi namin siya ma-contact, at hiya man akong aminin sa sarili ko, pero gusto kong ipaliwanag niya ang nakita kong halikan nila ni Yassi kahapon kahit na wala akong karapatan malaman yun.

Isasara niya na yung pintuan, pero inalis ko yung dextros ko, at hinabol siya sa labas.

Kusang gumalawa yung katawan ko at bigla ko siyang niyakap ng mahigpit. Sobrang namiss ko na siya. Namiss ko na yung kulitan namin at lahat lahat sa kanya.

"Elaine, Ano ba yang ginagawa mo?"gulat niyang tanong sa akin. Ang lamig lamig ng tono ng pananalita niya kaya medyo inalis ko ang pagkahigpit. Ayos na sa akin kahit na hindi mahigpit ang pagkayakap ko sa kanya, basta nahahawakan ko man lang siya.

"Pasensya kana ha. Na--namimiss na kasi kita ng sobra eh."Hindi lang siya sumagot at patuloy ko lang siyang niyakap hanggang sa naramdaman kong parang ayaw kong bumitaw sa yakap ko sa kanya ng alisin niya ang braso kong nakapalibot sa kanya."Johanne, galit ka ba sa'kin?"

"Hindi."kaswal na sagot niya.

"Bakit parang ayaw mo na?"tinignan niya ako ng may malaking pagtataka sa mukha niya."Parang iba na kasi eh."

"Elaine wala namang nag iba eh."Eto nanaman, umiiyak nanaman ako. Bakit ba ganito ang pakiramdam ko? Pakiramdam ko ako pa ang despirado na kausapin siya. Hindi ba dapat siya yun? Tama ba tong ginagawa ko?

"Sorry, sorry sa nangyari kahapon. Kasalanan ko kasi hindi kita inantay." paumanhin ko. Ewan ko kung bakit lumalabas to sa bibig ko dahil sa pagkakaalam ko, siya ang dapat sisihin dito pero inaako ko ang kasalanan niya. Pinagtatakpan siya ng sarili ko.

"Elaine hindi naman kita sinisisi kaya wag mo nalang sabihin yan."sabi niya.

"Johanne, ano bang kailangan kong gawin para mabalik yung dating tayo?"nakaharap na siya sa akin ngayon at mas lalo pang naguluhan sa tinanong ko.

"Bakit? Ano ba tayo dati Elaine?"

Mas lalo akong nasasaktan sa sinasabi niya at bigla ko na ring natanong ang sarili ko kung ano ba kami? Bakit ko nga ba siya tinatanong kung ano kami? Eh partner niya lang naman ako. Bestfriends lang kami. Yun lang. At wala ng mas hihigit pa.

"Gusto mo ba lumuhod ako sa harapan mo?"nag simula na ako lumuhod sa harapan niya habang hinahawakan niya ang braso ko kaya hindi ako makaluhod ng tuwid.

"Elaine ano ba kasin-- bahala kanga."kaya nang luluhod na sana ako, may biglang humawak sa balikat ko at pinigilan ako.

"Wag na wag kang luluhod sa harap ng walang kwentang yan."mariin na sambit ni.Bricks.

"Ano bang problema mo?"nairitang tanong sa kanya ni Johanne.

"Ikaw, Ikaw ang problema ko!"pasigaw na pag amin niya sa kanya.

"Pwede ba wag kang makialam dito, problema namin ni Elaine to eh. Ano bang paki mo dito?"

"Oo, may paki ako! Kasi mahal ko si Elaine at ayoko siyang nakikitang nasasaktan!" nagulat ako sa sinabi ni Bricks. Actually kaming dalawa ni Johanne sa sinabi niya kaya nag tinginan kaming dalawa. Mahal niya daw ako?

"Ma--mahal mo si Elaine?"pag uulit niya

"Tama ka nga ng dinig. Mahal ko si Elaine pero iba ang mahal niya."napaiwas tuloy siya ng tingin kay Johanne.

"Sino?"ibinaling niya ang tingin niya sa akin. Yung tingin niyang parang alam ko na kung ano ang susunod na lalabas sa bibig niya. At ayokong marinig yun ni Johanne kaya pinakiusapan ko siya sa tingin.

"Ikaw! Matagal ka ng mahal ni Elaine!"shet. Alam na ni Johanne yung matagal ko ng sekretong tinatago sa kanya."Pero sadyang manhid ka kaya hindi mo man lang maramdaman yun!"

"Elaine, totoo ba? Totoo bang matagal mo na akong mahal?"mas lalo akong naluluha sa ngayon. Damang dama ko ang dalawa piraso ng mata na nag hihintay sa pag amin ko ng totoo.

"Bakit hindi mo na sabihin yung totoo sa kanya? Totoo diba? Diba Elaine?"niyugyog pa ako ni Bricks."Aminin mo na para matapos na."

"Oo na! Totoo! Matagal na kitang mahal Johanne!"I blurted out. No choice naman na din ako kaya wala akong nagawa kung hindu aminin ang totoo. Para akong nabunutan ng buto sa dibdib ko. Pakiramdam ko wala na akong takot dahil naamin ko na."Pero hindi ko binalak na ipaalam sayo!"

Natulala lang siya dun sa sinabi ko. Diretsyo lang na nakatingin sa akin si Johanne na parang hindi parin makapaniwala sa inamin ko tungkol sa feelings ko sa kanya.

"Anong nangyayari dito?"singit ng kakarating na si Yassi pero hindi lang namin siya pinansin.

"Elaine bakit hindi mo sinabi sa akin ng maaga?"ayun lang ang lumabas na salita sa bibig ni Johanne.

"Bakit ko pa sasabihin sayo? Kung alam ko naman na sa pag amin ko ay wala rin namang patutunguhan ito."bigla siyang natahimik at ngayon ay nakatingin nalang siya sa sahig."Totoo naman diba? Kahit anong gawin ko, alam ko, ako yung babaeng kahit kailan hindi mo kayang mahalin gaya ng pagmamahal mo kay--"

"Pwede. Siguro. Elaine--"

"Bakit Johanne? Bakit ayaw mo'kong patapusin?"usisa ko sa kanya. Damang dama ko yung panginginig sa boses niya. Wala akong choice kung hindi ang aminin na rin ang hindi niya masabi sabi katulad ko. Magkaalam na lahat ng feelings dito, wala na akong paki.

"Aminin mo nanga, aminin mo na rin na matagal mo ng gusto si Yassi!"napalunok lang ng matigas si Johanne. Parehong gulat si Yassi at Bricks sa narinig nila. Nag walk out naman si Yassi, at tsaka ito sinundan ni Johanne.

Kami lang ang naiwan dito ni Bricks at as usual, umiiyak nanaman ako."Tapos na Elaine. Nagawa mo."

Dati, takot na takot ako na malaman ni Johanne ang totoo kasi ayokong mag iba ang pakikitungo namin sa isa't isa. Ayokong mag iba yung tingin niya sa akin. Pero ngayon na-realize ko na hindi na ako natakot pa, hindi na ako natakot kasi matagal naman ng nag iba simula nung maging close sila nung babaeng gusto niya.
___________________________________

VOTE.COMMENT.SHARE

@Dwaeji_princess

My MotivationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon