Yerdi's POV
Hay nako. Kanina pa ako nag aantay dito. Ang tagal iluto ni Jessi yung dinner namin habang ako naman ay busy na may katext, syempre. Sarap ng buhay ko noh? Lol.
Pero Kahit kailan talaga itong babaeng to, kilos pagong, nagugutom nanga ako kanina pa eh.
"Bessyyyyyyyy!!!!"tawag ko kay Jessi habang itinataas ang ulo ko mula sa higaan. Bagal talaga mag luto ng gagang to. Hayzzxxcc
"Ano?"bored na sagot niya sa akin with a poker face pa.
"Ang bagal bagal mo naman mag luto!"pagrereklamo ko habang nag tetext."Gutom na ako eh!"
"Bagal lang."ayan nanaman yung peymus na pang-cocorrect niyang walang katapusan. Kala mo naman ang gandang pakinggan, kaloka tong bessy ko ang daming na-aadopt sa mga pelikula e."Bagal bagal di pagong na."Buti alam mo? Pagong ka naman talaga gaya ko eh? Hahahahaha.
"Dalian mo."sigaw ko sa kanya habang tumatawa."Frozen foods nanga lang ang linuluto mo eh!"tumayo ako sa kama ko at nilapitan siya para i-check ang mala-bulalo sa pagkabagal ng niluluto niya.
"Pasensya naman diba?"sarkastikong sabi niya."Ehkung samahan mo kaya ako dito eh noh?"suhestyon niya."Makautos tong babaeng to, napaka-demanding ah."
"Ihhhhhhhh!!! Ikaw na."sabi ko."Alam mo namang hindi ako magaling mag luto eh."palusot ko. Actually, hindi naman talaga palusot. Marunong naman akong mag luto pero kanin lang at wala ng iba. Im so proud nga eh. Hahaha.
"Oh, eto na. Wag na. Tapos na."nag sandok na siya ng kanin at ihinanda na niya ang pagkain sa mini table namin dito sa dorm.
Susubo na sana ako ng
"Wait lang Bessy!!!!!"pagpipigil niya sa'kin at hinawakan pa ang kamay kong may hawak na kutsara.
"Bakit?"iritadong tanong ko."May lason to?"panira naman tong si bessy e gutom na gutom nanga ako e. Feel ko ng kumain.
"Hindi."kaswal na sagot niya."Bakit wala pa si ate Zirri?"
Tumingin naman ako sa orasan ko, malapit na ang curfew hour."Oo nga noh. Malapit na Mag na-9 pm ah."
"Hala."nag aalalang sambit ni Jessi at napahawak pa sa bibig niya."Baka, masaraduhan siya ng gate."
"Try mo kaya siyang i-contact?"chill na suhestyon ko. Eto kasing si bessy yung mukha niya taranta na e."Malay mo baka pauwi na?"
Sinunod niya naman ang sinabi ko. Tinawagan niya si ate Zirri at ni-loud speak ito.
THE SUBSCRIBER CANNOT BE REACH
KNOCK KNOCK
Binuksan na namin kaagad yung pintuan ni bessy. Si Ate Zirri na pala.
"Hi Jessi, hi Yerdi."cool na pag bati niya at
napanganga lang kami ni bessy. :OTumingin siya sa likod niya na para bang chineck kung merong manananggal dito."Ba't ganyan ang mga itsura niyo?"
"Ate, bakit ngayon ka lang?"nag aalalang tanong Jessi."Kanina ka pa namin inaantay."
"Oo nga ate Zirri."tugon ko."Akala namin napaano ka na."
"Sorry kung pinagalala ko kayo, traffic kasi sa daan eh."sagot niya sa magkasunod na tanong namin ni Jessi. Inaya namin siya kumain pero masaya siyang tumanggi at sinabing matutulog na daw siya. Ang wierd nga eh.
"Tara nanga, Kain na tayo."aya ko kay Jessi tsaka na kami umupo at pinagpatuloy ang naudlot na kainan namin kanina.
"Bessy bat ganun si ate?"nag tatakang tanong ni Jessi habang tinitignan parin si ate Zirri.
Nagkibit balikat lang ako."Ewan ko nga eh, ang wierd."
Pinagpatuloy nalang namin ang pagkain namin dun ng mabilis, lumalalim na rin kasi ang gabi eh.
"Bessy, ako na ang mag huhugas ng pinagkainan. Kasi nakakahiya sayo eh."sabi ko kay Jessi habang kinukuha ang mga plato.
Tumingin siya sa'kin ng nakakaloko."Meron ka pala nun? Hahaha."pilosopong saad niya
"Whatever Cad."asar ko sa kanya tsaka siya binigyan ng friendly snob, lol.
"Ewan ko sayo."simpleng sabi niya tsaka rin umirap.
"Uyyyyy! Cad! Hahaha."pang-aasar ko uli sa kanya pero tinaasan niya lang ako ng kilay."Yiee! Mabubuo na ang JesCad love team. Uyy!!"siniko siko ko pa siya
"JesCad loveteam mo yang mukha mo!"inis na bulyaw niya."Eh ikaw nga, BurDica?"
"Pwede ba, wag mo'kong binabaliktad?"saad ko."JesCad kaya ang topic dito."langyang to, ngayon nanga lang ako makakabawi sa pang-aasar niya kanina e. Hindi ko siya tinigilan sa pang aasar hanggang sa makatulog na kami.
Brick's POV
Papunta na ako ngayon sa bahay ni Yassi. Hindi niya kasi alam na susunduin ko siya, para na rin hindi na siya mag commute tutal hindi naman yun sanay mag commute eh.
May pictorial kasi kami ngayon sabi ni Sir Benj.Pinark ko na yung sasakyan ko sa harap ng gate nila.
*DING DONG*
Lumabas ang matanda pero energetic na yaya ni Yassi."Ah!!!!! Ang gwapoooooooo!!!!!"sigaw niya habang hawak hawak ang pisngi niya.
"Magandang umaga po."nakangiting bati ko."Si Yassi po? Susunduin ko po sana siya."
"Omygas! Swerte naman ng alaga ko!"napatalon talon pa siya ng parang teenager."May date kayo ni Yassi noh?"
"Hindi po."umiling ako."Wala po."
"Ge, tatawagin ko lang siya ha, jan ka lang gwapo."bumungisngis pa siya bago pumasok sa loob ng bahay kaya inantay ko nalang na lumabas sila dito.
"Surprise!"gulat na gulat pa si Yassi sa existence ko dito sa bahay niya pagkalabas niya.
"Bricks?"gulat na sambit niya."Anong ginagawa mo dito?"
"Sinusundo ka."sabi ko naman tsaka tinanguan siya."Tara, sabay na tayo pumunta sa pictorial natin."
"Sige."sabi niya naman."Ya, alis na po ako. Paki sabi na rin po kay mommy."paalam niya
"Sige, bye pogi, bye bebegurl."paalam niya rin tsaka ko nalang siya nginitian.
Pumasok na kami sa sasakyan ni Yassi.
"Pasensya kana dun sa yaya ko ah."nahihiyang sabi niya."Eh, maharot kasi talaga yun pag dating sa gwapo eh."
"Okay lang. So gwapo pala ako?"patay malisya kong tanong sa kanya.
Napatawa naman siya."Pwede na rin. Gwapo naman kahit papaano?"
"Hindi ka sure?"
"Sige nanga, sure na."pinaandar ko na yung kotse ko."Oo na, gwapo kana."
_____________________________________
Thanks for reading.
@Dwaeji_princess ;)