Chapter 72

361 10 0
                                    

_______________________________________

Gulat na gulat napakalas si Cad sa yakapan naming dalawa.

Hindi ko alam kung anong itsura ko ngayon. Parang gusto kong lumubog sa lupang inaapakan ko. Bakit ako ganito? Bakit ganitong hiya nalang ang nararamdaman ko kay Cad kahit hindi naman dapat?

"Oh, bakit ang ingay niyan? Are you tired?"tanong niya tsaka niya hinawak sa dibdib ko yung right hand niya.

Nanlaki ang dalawang mata namin pareho.

Mas lalo itong umingay at bumilis. Bakit ba ganito? Hindi na ako makapagsalita at feeling ko namumula na ako ngayon. Hindi lang ako makapagsalita. Parang napipi lang ako sa tanong niya.

"Are you sick? Namumula ka oh?"nilagay niya ang likod ng palad niya sa noo ko. Napahawak tuloy ako sa magkabilaan kong mukha. Halatang halata ang pag aalala sa tono ng boses niya."Hindi ka naman mainit. Are you okay?"

"O--okay lang ako Cad."patay malisya kong busisi. Parang naramdaman kong umaapoy yung magkabilaan kong pisngi kapag pinatagal ko pa ang pag uusap namin dalawa ni Cad."Sige, punta na ako ng dorm ah, gabi na e."pamamaalam ko. Akmang tatakbo na sana ako nang hawakan niya ng mahigpit ang braso ko."Jessi wait."

Tumingin ako sa mukha niya. Seryosong seryoso ang tingin niya at may bangid ng pag aalala."Bakit ka ba ganyan? May nagawa ba akong masama? May nasabi ba akong mali sayo? Bakit parang nag mamadali ka?"ang lungkot lungkot ng tono ng boses niya.

"Ha?"hindi ko alam ang sasabihin ko sa sunod sunod niyang pag tatanong."Ano ka ba, wala kang ginawa. Gabi na kasi."palusot ko. Katunayan, hindi ko alam ang tunay na dahilan kung bakit bigla nalang ako kinabahan nung pagkayakap niya sa akin kanina na nag dudulot ng pag mamadali ko ngayon.

Medyo convincing naman ang pagkasabi ko kaya napansin kong na-relieve siya."Are you sure? Gusto mo bang ihatid nalang kita?"

"Hindi na."pag tanggi ko."Ang lapit lapit na nga lang. Tatakbuhin ko nalang."pinigilan niya na naman ako."Oh, ano na nanaman?"

"Ihahatid nalang kita. Gabi na."he insisted.

"Wag na kasi--"hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang hawakan niya ang kamay ko.

Nanahimik tuloy kaming dalawa habang nag lalakad. Parang ang awkward kaya binasag ko ang katahimikan."Huy ano bang ginagawa mo? Bakit kailangan may hawak kamay pa?"binabawi ko pa yung kamay ko pero mas hinigpitan niya lang ang hawak dun.

"Bakit? Wala naman masama ah."at hindi pa siya nakuntento sa simpleng holding hands. He interwined our fingers."Best girl friend naman kita diba?"kumindat siya sa akin kaya mas lalo akong nailang.

"Oo nga. Pero--"

"No buts."nag patuloy lang kami sa pag lalakad habang magkahawak parin kami ng kamay. Feeling ko pawis na pawis ang buong katawan ko ngayon kahit ang lamig naman ng simoy ng hangin na sinasalubong namin.

Muli siyang lumingon sa akin tsaka ngumiti."Bakit?"napailing iling lang siya at napayuko.

"Ang wierd mo. Alam mo ba yun?"inirapan ko siya."Nung nakaraang araw ka pa ganyan, ano bang trip mo? Naguguluhan ako sayo."

Mas lalo pa siyang napangiti sa mga tinanong ko at parang may binulong pa. Kaso lang, hindi ko na narinig. Sayang.

Binilisan ko nalang ang pag lakad dahil ilang na ilang na talaga ako sa ginagawa niya. Kaya nung makarating ako ng dorm, nag paalam agad ako sa kanya habang hindi inaantay ang anumang response niya sa paalam ko, basta sinaraan ko nalang siya ng pintuan.

Am I too rude or what? But can you blame me? Para kasi akong sasabog kapag dumikit pa ako sa kanya.

Omg, kailangan ko ng mapagkwkwentuhan nitong nangyayaring wierd sa akin. Pero lintik naman oh. Knocked down si bessy, pagod na pagod galing training.

Binagsak ko nalang yung sarili ko sa aking kama. At tsaka nag pagulong gulong ng parang tanga. Bakit ako nangingiti? Parang kinikilig ba ako? Or natutuwa lang ba ako ng sobra?

Hayyy. Di ko na talaga maintindihan nangyayari sakin. Oo, may crush ako, si Enrique Gil kaya pag nakikita ko picture niya, kinikilig ako. Pero iba tong ngayon eh, kinabog ang reaksyon at kakiligan ko nung unang nakita ko si Enrique sa personal. Walang wala. Ibang iba masyado tong grabeng kasiyahan na nararamdaman ko.

Hay. Makagawa nanga lang ng kanta para sa music, ayun nalang kaya ang ganti ko kay Cad, ako nalang gagawa ng kanta para magantihan ko naman siya sa ginawa niya sakin.

Nag cocompose nako ngayon, about sa MOVING ON. Ang plano ko, tungkol nalang sa lalaking ayaw na sa kanya ng nung girlfriend niya, kaya yun, kailangan niya ng mag move on. Syempre hindi ko naman sinakto sa sitwasyon ni Cad, ayoko masaktan Best Boy Friend ko noh.

Putek, ito nanaman tayo eh. Pumasok nanaman si Cad sa utak ko. Ano bang meron sakin ngayon? Parang gusto kong tapusin tong buong kanta para sa kanya buong gabi, at wala akong pake kahit maging super panda nanaman ako bukas.

Ano ba yan ms.Author, bakit ganun yung puso ko kanina?(Hindi kaya nabalot na ng cholesterol? Hahaha. Jk)

Omgeeee, I look so stupid smiling alone. Masyado akong masaya ngayon. Nasisiraan nanga yata ako ng ulo eh. Gusto kong tumili ng malakas at humanap ng hahampasin

Hindi kaya, kaya ako nagkakaganito dahil gusto ko si Cad?

~

Madaling lumipas ang gabi kaya hindi ko na namalayan na may araw na pala. Bakit parang ang bilis? Parang hindi yata ako nakatulog buong mag damag?

Iisa lang ang nasa isip ko. Si Cad. Ang wierd ng pakiramdam. Gusto ko na nga ba siya talaga?

Paulit ulit ko na yan tinanong sa isip ko kagabi. Pero hindi ako makakuha ng isang sagot. Oo. Hindi. Ewan. Baka. Siguro. Malay ko. In short. Hindi ko talaga alam.

Hindi kaya oo? Pakiramdam ko kasi, nahihiya akong aminin sa sarili ko ang totoo. Lalo na nung marinig ko yung kantang Lucky kagabi habang gumagawa ako ng kanta para kay Cad.

Actually, natapos ko nga e. At wala akong alam na dahilan kung bakit ko natapos? Tinapos ko lang ba talaga para makabawi sa kanya o may higit pa?

"Bessy ano ba!"nakaramdam ako ng unan sa ulo ko."Natulog ka ba? Bakit ang laki laki ng mata mo?"nakita kong hindi na nakapang-tulog si Yerdi kung hindi jersey shirt at short.

"Oo naman."pagsisinungaling ko."Natulog naman ako ah."napahawak pa ako sa ulo ko dahil parang naalog ito. Baliw talaga tong si bessy. Baka kasi naguguluhan ako sa feelings ko e. Hayys.

"Anong oras ka na ba nakarating kahapon?"tanong niya habang nag susuklay ng buhok. "Hindi na kita naabutan ah. Nag date ba kayo ni Cad?"

"Hindi ah."agad na depensa ko."Maaga ka lang talagang natulog. Pagod ka kasi sa training niyo e."iniwasan ko talagang i-tono ang boses ko ng may konting ka-bitter-an. Hindi naman ako bitter. May sama parin ako ng loob tungkol dun. Pero nabawasan naman na nang dahil kay Cad.

"Ang aga mo ngayon ah. Hintayin mo naman ako."bumangon na ako sa kama ko.

"Alam mo na, buhay varsity."humalakhak pa siya."Mauuna na ako. May training pa daw kasi kami e. Bye!"ayun nalang ang mayabang na pamamaalam niya. Alam ko naman na nakapasok siya pero bakit kailangan isupalpal niya pa sa akin. Nakakatampo naman si bessy.

_________________________________________

VOTE.COMMENT.SHARE



My MotivationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon