_____________________________________
*TRAINEE ELIMINATION*
Eto na. Elimination na ng mga nag try-out sa volley ball. Nakakakaba naman to e. Kanina pa ako nag nenegative thinking na hindi ako makakapasok. Kahit nga ilang beses akong i-assure nila bessy, Yassi at Elaine, wala parin epekto e. Yung kaba parin ang nangunguna sa akin.
Lord please. Sana po mapili po ako. Ginawa naman talaga yung best ko sa One day training e. Sana po may patunguhan naman yun. Sana may patunguhan lahat ng pagod ko sa isang araw na training na yun. Kahit pa panay kong naririnig ang tawanan ng mga haters ko, nag glo-globe parin ako. Dahil abot ko ang mundo. Di joke lang, kasi go lang ng go. Lol.
"Bespren, relax ka lang. Masyado ka namang kinakabahan diyan e."kalmadong sabi ni Cad habang tinatabihan ako dito sa bleacher.
"Kasi baka hindi ako makapasok e."napayuko ako. Ang lakas ko talagang maging negative kahit kailan. Bakit ba kasi hindi ko maiwasan maging ganito?
Napailing iling siya habang tintignan ako."Makakapasok ka diyan, tiwala lang."ngumiti siya."You know what, just be positive okay?"
Tama. Dapat maging positive ako. Makakapasok ako ng volleyball varsity. Ang totoo nga niyan dapat maniwala ako sa sinabi nila bessy na malaki ang chance kong makapasok e. Dahil hindi ako napagalitan ni sir kahapon at ako ang madalas niyang mapansin na nag sisikap every drills. Kahit na yung iba kong kasama nag rereklamo na, ako hindi parin. Kahit na pagod ako, wala siyang kahit ano man na reklamong marinig sa akin.
"Uy! Teka, may deal tayo diba? Nag tagalog ka!"nabuhayan ako ng loob nang maalala ko ang deal namin dalawa kahapon."Ililibre mo'ko. Yehey!"napasuntok pa ako sa ere.
"What the?"kumunot ang noo niya.
"Oh, wag kang madaya. May what the ka pa diyan nalalaman e. Mamaya ah. Yung usapan natin kahapon."pang-aasar ko sa kanya.
"Fine."napabuntong hininga siya at napaiwas ng tingin.
Ilang sandali lang, nag tipon tipon kaming lahat na mga nag try-out para sa volleyball varsity nang makarating si sir Chris sa school gym.
"Okay, listen up. Ang mga babanggitin ko, yun ang mga nakapasok. Sa mga hindi ko naman binanggit, may next year pa naman."sabi ni sir. Shemay, eto na. Nakakakaba naman, shet.
"Oh, yung mga malakas mag assume jan, hindi porket pinuri ko kayo ng ilang beses, makakapasok na kayo. Hindi ganun. Magdadagdag parin ako. Goodluck nalang sa inyo."
Tumango nalang kami. Naku, nataamaan naman ako dun sa sinabi ni sir dahil todo assume pa naman ako kahapon. Ako rin yung isa sa mga ilang beses niyang pinuri. Pero 50/50 pa pala ang pag-asa kong makasama. Nakakakaba naman to lord.
"Eleven lang ang nakitaan ko sa inyo ang matatawag talagang skillful volleyball player."kinakabahan na tuloy ako sa kung sino yung mga yun. Kasama kaya ako dun? Lima sa boys, Cad,Chris,Alex,Carl,Paolo. Sa girls naman anim, Yerdi,Elaine,Yassi,Mary,Eden, and Jessilin. Yun lang."
Shet. Nakakainis. Hindi ako nabanggit. Parang, maiiyak na yata ako. Ang paasa naman ni sir. Matapos kong gawin lahat ang kaya ko kahapon.
Nag palakpakan silang lahat habang ako naman ay napayuko nalang sa sobrang lungkot ko at sa disappointment na nararamdaman ko. Saan ba ako nag kulang kahapon? Nagkulang parin ba ako sa pagsisikap? Nagkulang parin ba ako sa patience at pag titiis ng lahat ng kapaguran ko?
Sana pala hindi na ako nag assume sa mga papuring ibinato sa akin ni sir kahapon para hindi ako umasa ng ganito. Minsan pala, hindi sapat na maniwala nalang basta basta at mag assume sa mga magagandang salita.
Naingat ko ang ulo ko nang maramdaman kong may humawak ng mahigpit sa kamay ko. Si Cad. Pinisil niya pa ito tsaka umiling. Alam niya yatang gusto kong maluha pero ayaw niya na matuloy yun.
"Congrats sa lahat ng napili. Girls, stay. Boys, later ang meeting with sir Kenneth. Hindi pa tayo kumpleto. Mag dadagdag pa'ko. Sa mga hindi napili, you may go, and good job."
Nag yakapan pa at nagsi-talunan pa sila Yerdi, Elaine at Yassi sa sobrang saya.
Napangiti ako ng mapakla."Congrats. Ang galing niyo!"sabi ko sa kanila. Triny ko yung best ko na lumaki ng malaki. Para hindi nila mapansin ang pagkalungkot ko. Ayokong kaawaan nila ako.
Nag gather na lahat kay sir lahat ng napiling girls, and the rest, nagsitayuan na. Siyempre kasama na rin ako dun.
"Huy, okay lang yan."nakahawak parin ang kamay sa akin ni Cad ng mahigpit. Mas pinisil niya pa ito kaya napabitaw na ako sa ilang.
"Wala to. Okay lang ako."pagsisinungaling ko.Tumawa pa ako ng peke."Ano ka ba, wag mo nanga akong intindihin."
"Tss. Sinong niloko mo?"napailing iling siya. Mind reader ba to? Hayy. Kila bessy nagawa ko ngang itago yung emosyon kong tunay tungkol dito habang siya, ang lakas parin ng duda.
"Ha? Pano mo naman nasabing niloloko kita?"patay malisya kong tanong.
"Best girl friend kita. At kilala ko kita, alam ko kung may mali sayo o wala."
Napangiti ako ng mapakla."Wag mo na nga akong intindihin. Congrats nga pala."
"Thank you. Oh, smile naman jan."pag rerequest niya.
Nakarating kami dito sa bench tree ng hindi inaasahan tsaka umupo kaming dalawa. Pero gerbe, naiiyak na talaga ako. Taeng buhay to. Ang sakit kasi mag assume tapos wala ka naman palang pag asa.
"Iiyak mo lang. Nandito lang ako."inakbayan niya ako.
"Kasi naman, ang unfair, akala ko makakapasok nako sa panay na puri ni sir."hindi ko na napigilan na umiyak sa harapan niya. Ang sama kasi talaga ng loob ko."Akala ko oras ko na to para pumayat. Akala ko, maipapakita ko na sa haters ko na kaya ko, mabuti pa sila Yerdi. Nakapasok silang tatlo."punong puno ng panghihinayang ang boses ko habang sinasalita sa kanya yung tunay na nararamdaman ko sa pagka-eliminate ko.
"Akala mo yun Jessi. Maraming nag kakamali sa akala." sabi niya."Tahan na bespren."tsaka niya ako niyakap at napitpit na naman boobs ko sa ginawa niya. Ang higpit naman kasi e.
"A---aray yung ano ko."napahawak pa tuloy ako sa boobs kong napitpit.
"Sorry, Alam mo kung anong nasaktan sayo?"tanong niya.
Umiling ako."Uhm, yung boobs ko?"panghuhula ko.
Natawa naman siya sa panghuhula ko. Bakit? Masakit naman talaga yung boobs ko ah."Ano ka ba, hindi yun."kumunot lang ang noo ko.
"Ang nasaktan sayo, yung pride mo."napayuko nanaman ako sa panunupalpal niya."Kasi jan sa mga akala mo. Nag assume ka kasi, nag expect ka, kaya nasaktan ka."
"Oo na, assumera na ako. Ilusyonada na ako, lahat lahat na."dobleng panunupalpal ko sa sarili ko. Masakit man, pero totoo naman kasi e."Wag mo na nga lang, ipaalala, alam mo ng masakit e."
Tuloy tuloy lang ako sa paghihikbi. Ayun lang ang naririnig sa ilang minuto ng katahimikan. Yung paghikbi ko lang ng parang bata."Ano ba yan, tama na kasi, wag ka na mag iyak jan. Mag tigil ka na."pagsasalita niya habang pinupunasan ang luha ko.
"Tse. Di mo kasi alam ang feeling e."pag-iinarte ko. Masakit kaya ma-eliminate. Duh. Palibhasa, napaka sporty niyang tao. Siguro kailanman, hindi niya naranasan ang ma-elimamate sa isang try-out dahil sadyang magaling siya
"Oh, I know!"napangiti siya bigla nang may maalala siya kaya natigil na ako sa pag iyak ko."Hindi ba, sabi mo ililibre kita pag nag speak ako ng english?"
Tumango ako. "Bakit? Tutuparin mo ba yun?"
"Ofcourse. So, where do you want to go?"hinawakan niya nanaman ako sa kamay ko at sabay kaming nag lakad paalis dito sa bench tree.
Ano bang meron sa lalaking to? At palagi niyang hinahawakan ang kamay ko bigla bigla? Kung tangayin niya yung kamay ko, parang ayaw niya ng ibalik ito sa akin.
___________________________________
VOTE.COMMENT.SHARE
@Dwaeji_princess